Unti-unti akong nagmulat ng mga mata habang kinakapa ang aking tabi. Malamig na ito.
Kanina pa siya umalis.
Bumangon ako tsaka ko isinandal ang aking sarili sa may headboard.
Kailangan ko pa ring pag isipan ang alok sa akin ni Rain.
Bagamat hindi ko gusto ang suggestion niya. Mukhang wala din naman ata akong magagawa kaysa naman sa ibang tao mapunta ang Galleria. Sobrang lungkot dahil hindi ko nagawang protektahan ang bagay na pinagkatiwala sa akin ni Daddy. Mabuo man ang desisyon ko ngayong araw, kailangan kong masigurado na kahit wala na sa akin ang pangalan ng lupa ng Galleria ay mabubuhay pa din ang Bahay Kalinga.
Ilang malalim na buntong hininga pa, tsaka ako bumangon at nagtungo sa banyo nang aking maalala kung anong nangyari kagabi.
Inaamin kong gusto kong magalit kay Rain dahil sa mga nangyari kahapon ngunit hindi ko magawa dahil sa konting hawak, halik at yakap niya'y natutunaw ako.
Ganito ako karupok.
Kahapon habang kinakausap ako ni Baste, tila nanumbalik sa akin lahat. Iyong mga pangahong una kaming nagkakilala. Kung paanong nahulog ako sa musika niya.
Kung paano ko kinalimutang Teacher ko siya at estudyante niya ako.
Hindi ko maunawaan ngunit tila ba bigla nalang kumirot ang aking ulo sa ala-ala niya. Huminga ako ng malalim, marahil ay migraine lamang ito.
Oo, teacher ko siya sa Humanities.
Tila nakagawian niyang tumugtog gamit ang kanyang gitara bago magsimula ang klase para daw kahit papaano'y ma inspire kaming mag aral at makinig sa lectures niya.
Tama siya; na-ispire ako nang dahil sa kanya. Sobrang inspired hanggang sa umabot na sa puntong gusto ko siyang makasama.
Naging malapit kami sa isa't-isa dahil ika nga niya'y ako ang paboritong estudyante nya. Nagpalitan kaming dalawa ng number at halos lagi kaming magkausap. Hanggang sa lumipas ang semester na iyon, hindi naputol ang komunikasyon naming dalawa. Nang sumunod sa semester ay balitang nag resign na siya ngunit patuloy pa rin kaming nag kakausap.
Dumating ang graduation ko at marami pang okasyon. Habang papalipas ang araw ay papalalim din ang aking nadarama para sa kanya.
Hanggang sa isang araw ay nagtapat ako ng nararamdaman ko. Ito'y isang araw bago ang kanyang kaarawan.
"Pupuntahan kita." Sa lahat ng pagkakamali ko'y itong mga salitang ito ang pinaka pinag sisisihan ko.
Pinuntahan ko siya nang gabing iyon at nangyari na ang lahat.
Inaamin kong kasalanan kong mahulog sa kanya. Ngunit and ipadama sa akin na namahalaga ako sa kanya at tratuhin akong tila ako lang ang babae sa buhay niya at anurin ako ng pag-aalaga, hindi ko kasalanang paasa siya.
Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha. Ganun pa rin ba kalakas ang epekto niya sa akin tuwing maaalala ko siya?
Tinapos ko ang pagligo tsaka lumabas ng banyo at nagbihis. Kailangan kong magpunta ngayon sa Bahay Kalinga.
Pagkababa ko ng Condo ay pumara kaagad ako ng taxi at sinabi ang address.

BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...