"And what the hell were you thinking Marcella Godeliva Ferrer?!"
Nakaupo kami ngayon sa isang bar kung saan nag yaya si Chaya.
Kagabi ko pa iniisip kung anong problema ni Margo at nasabi niyang hindi na matutuloy ang kasal.
Maluha luha si Margo habang titig na titig kami ni Chaya sa kanya.
"Ano bang problema?" segunda ni Chaya habang lumalaklak ng alak.
"Dustin...... is cheating on me." Saka siya tuluyang umiyak.
"What are you talking about? Paano mo nasabi?" kunut- noo naming tanong ni Chaya.
"I was scrolling through his Instagram wall then I saw a girl commented on his picture in Singapore saying 'You look as handsome as before.'" Para siyang batang umiiyak dahil inagawan ng lollipop.
"Did you ask him about it? Or nag assume ka nalang bigla?" tanong ko sa kanya.
She shook her head.
"Pwede ba kayong mag-usap ng maayos na dalawa bago ka mag decide na i-call off ang kasal." Sabi ni Chaya.
"Margo...... Will you go to the toilet and pee onto this." Saka ko inabot sa kanya ang pregnancy kit na nabili ko kanina bago mag punta dito sa bar.
Parang may kakaiba kasi kay Margo nitong mga nakaraang araw.
Napatitig sa akin ang dalawa.
"GO." Saka ko tinaasan ng kilay si Margo.
Tumayo naman siya at nagpunta sa CR.
"What the hell Roya?!" asik sa akin ni Chaya.
"Well, let's see kung tama ang hinala ko." then I smile.
"I saw you yesterday though." Out of nowhere na sabi ni Chaya.
Of all people, si Chaya ang laging nakakahuli sa akin tuwing may kasama ako or anything. Is it always a coincidence?
"You were at the Bistro with a guy wearing black bull cup." Nakita niya nga kami.
"I just met him yesterday. He bumped unto me at the Galleria, niyaya niya akong kumain sa labas, then we talked. Hinatid niya ako sa Condo." Deretso kong sabi. Lying is useless to Chaya, she will find out right away. So better tell the truth.
"You had sex??" seryoso niyang tanong.
"Of course not!" tanggi ko sa kanya.
"Good. You can't have sex with someone you just met." May pa turo turo pa siyang nalalaman na kala mo'y nag lelecture siya.
"Copy that." Tsaka ko siya tinanguan.
Bumukas ang CR at iniluwa si Margo.
Dahan dahan siyang lumapit na kala mo'y isang tuta na takot na takot.
"What happened?" tanong naming pareho ni Chaya.
Binuksan niya ang dala niyang tissue paper at bumungad sa aming harapan ang dalawang pulang linya.
"I knew it." Kalmado kong sabi.
"Call Dustin and tell him everything...... NOW." dagdag ko.
"Paano kung galit siya sa akin?" nanginginig niyang tanong.
"Bakit siya magagalit sayo? He's sad, and I know that he loves you so much Margo. Go on, call him and explain." Tsaka ko siya nginitihan.
Ngumiti din siya sa amin ni Chaya tsaka kinuha ang phone niya at lumabas ng Bar.
Mga ilang minuto matapos lumabas ng Bar si Margo ay bigla namang nagvibrate ang phone ko.
Unknown Calling..................
"Hi there Beautiful." Bahagya akong napa ngiti. Kahit hindi siya magpakilala'y kilalang kilala ko ang boses niya kahit isang beses pa lamang kaming nagkasama.
"How may I help you today?" pabiro kong sagot.
"Just want to say hi." Then he chuckle.
"Take care okay, I'll hung up now." pahabol niya.
"You too. Bye." Then the call ended.
At first nagtataka ako kung paano niya nakuha ang number ko, but then yesterday before we parted I remembered he asked me and I gave it to him.
Nakakatuwa lang na kailangan niya pang tumawag para lang mag 'hi' sa akin.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mapanuyang tingin ni Chaya na may halong mapanlokong ngiti.
"Tumigil ka jan." saway ko sa kanya bago pa siya makapagsalita.
Tumawa siya nang bahagya then she sipped her Singapore Sling Cocktail.
Kinuha ko din ang drink ko pero imbes na inumin ko ito'y paulit ulit ko itong hinalo gamit ang straw.
Hindi ako makapaniwala sa lalaking iyon.
A slight smile formed in my lips.
................................. looks like someone is gettin' hurt again.
BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...