Chapter 10

8 0 0
                                    


"Ate Roya! I wanna draw some unicorn!"

"Ate gusto ko Princess!"

"Ate Teddy Bear!!!!"

Hindi ko alam kung sino sa kanila ang kakausapin ko dahil sabay sabay na silang sumisigaw habang hiniliga ako kung saan.

Palagi silang ganito tuwing nandito ako, napakaganda nilang tignan. Ang saya, kala mo walang pinagdaanan sa buhay.

"Okay, Ganito nalang. I-draw ninyo kung anong mga gusto ninyo, tapos kukunin ko. Sige nga, drawingan niyo nga si Ate Roya." Sabi ko sa kanila.

Agad naman silang kumuha ng bond paper tsaka sinimulan ang pag-guhit.

"Asan ho si Galathea?" tanong ko sa isa sa mga Volunteer.

"Nasa Garden po Ma'am." sabi niya.

"Thank you po."

"Chaya, maiwan ka muna dito ha." Tsaka ko tinungo ang garden ng Bahay Kalinga."

Papasok pa lamang ako sa mismong arko ng hardin ay nabanaad ko na ang kanyang likuran.

"Athea." Dahan dahan naman siyang lumingon nang marinig ang boses ko.

"Ate Roya." Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

May hawak siyang kulay pulang Rosas.

"Kamusta ka na?" tumabi ako sa kanya.

"Miss na kita ate." Tsaka niya hinawakan ang aking mga kamay.

Tila ba nag yeyelo ang kanyang kamay sa lamig at bahagya itong nanginginig.

"Ayos ka lang ba? May bumabagabag ba sa iyo?" tanong ko sa kanya.

"Andiyan nanaman sila ate." Unti-unting nabasag ang kanyang boses at kitang-kita ko ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Wala na sila Athea, Pangako ko hindi ba? Mananagot sila, at tinupad ko ang pangako ko." niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Mga halimaw sila ate." Nagpakawala siya ng maliliit na hikbi.

"Shhhhhh. Wala na sila."

Sampung taong gulang pa lamang si Galathea nang mabulag siya dahil sa isang aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang ama. Naiwan siya sa kalinga ng kanyang ina na kalauna'y nag-asawang muli nang siya'y nasa edad trese.

Maayos pa naman daw ang pakikisama nang kanyang amain nang mga unang taon, ngunit pagka tuntong niya ng edad katorse'y nagsimula na ang pandedemoyo sa kanya nito.

Namatay and kanya ina sa panganganak at kalaunay sumunod din ang sanggol dahil sa kumplikasyon.

Doon na nagmistulang isang impyerno ang buhay ni Athea.

Lumuwas sila nang kanyang amain sa syudad tsaka niya pinasok sa isang bahay aliwan si Athea. Tuwing wala siyang pasok ay ang Tatay tatayan niya ang nagpaparayos dito; tuwing papasok naman siya sa bahay aliwa'y iba ibang lalaki ang lumalapastangan sa kanyang murang katawan.

Ang pinakamasakit na nagyari sa kanya'y nang may mag 'take out' sa kanyang customer. Ang akala niya'y iisa lamang ito, ngunit pag dating nila sa isang kwarto'y walang awa siyang hinalay ng anim na lalaki. Pagkatapos no'y nagkaroon siya ng lakas ng loob na magsumbong sa pulis sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa Front Desk Agent ng hotel kung saan sila naka check-in.

Halos bumigay ako nang marinig ko mula sa kanya ang kwento niya. Alam kong masakit sa kanyang sabihin kahit kanino ang nangyari sa kanya ngunit nagtiwala siya sa akin. Tinulungan ko siyang panagutin ang mga lalaking umalipusta sa kanya kabilang na rito ang kanyang tatay tatayan.

"Poprotektahan kita kahit anong mangyari. Pangako." Sabi ko sa kanya.

Isa lamang siya sa napakaraming biktima nang kung anu-anong karahasan na naninirahan dito sa Bahay Kalinga.

At sinumpa ko na hinding hindi ko sila pababayaan kahit na kailan.

Nag-usap pa kaming dalawa at nang matiyak kong okay na siya'y niyaya ko siyang pumasok na sa loob upang mag meryenda.

"Gusto mo bang sumamang magpunta kay Aimee?" tanong ko sa kanya.

"Dadalhan ba natin siya ng food ate Roya?" muli niyang tanong.

"Oo." Sagot ko sa kanya habang nakangiti.

Sumandok siya ng pagkain na dadalhin kay Aimee.

"Roya. May hahanapin lang ako saglit." Si Chaya.

"Nandoon siya, sa Kwarto niya." Alam ko naman kasi ang dahilan kung bakit sumama si Chaya dito.

"Pupuntahan niya ba si Kuya Lancer ate?" natawa naman ako sa tanong ni Athea.

"Alam mo naman ang Ate Chaya mo, kung gaano siya ka-patay na patay kay Lancer." Tsaka ako nagpakawala ng mahinahong tawa.

"Tara na kay Aimee." Tsaka kami naglakad papunta sa kwarto ni Aimee.

Si Aimee ay dise-otso anyos lamang. Palagi niyang ikinukulong ang sarili niya dito sa kanyang silid dahil nahihiya siya sa kanyang kalagayan.

Dinala siya dito ng kanyang mga magulang dahil sa kahihiyan.

isang gabi kasi'y nagpunta siya sa isang bar at may nakilalang lalaki. Nag-usap sila, nag-inuman hanggang sa siya'y malasing. Kinabukasa'y nagising na lamang siyang tanging kumot ang tumatakip sa kanyang hubad na katawan.

Hindi naman na bago iyon kay Aimee, ngunit nagulat na lamang siya nang magpa medical siya para sa kanyang OJT. Positive siya sa HIV. Tatlong doctor ang kanyang pinuntahan ngunit pare-pareho lamang ang resulta.

Nalaman ito ng kanyang mga magulang at sa halip na damayan at intindihin siya'y dinala siya rito dahil sa ikinahihiya siya ng kanyang sariling mga magulang.

Hindi ko inasahang mayroon talagang mga taong makikitid ang utak.

"Aimee." Tsaka ako kumatok.

"Ate Aimee, Pasok kami ha." Si Athea.

Unti unti naming pinihit ang doorknob.

Andoon siya, nakaupo sa dulo ng kanyang higaan habang nakatingin sa kawalan.

Iginiya niya ang kanyang paningin sa amin tsaka siya unti unting ngumiti.

"Ate Roya!" saka niya ako niyakap.

"Kamusta ka Aimee?" tanong ko sa kanya.

"Ganoon pa din po." Sagot niya.

"Heto oh, Meryenda ka muna. Dala ko yan." Tsaka namin inabot sa kanyang ang isang platong may Pancit Malabon, fried chicken, at lumpiang gulay. Sinamahan din namin ito ng isang basong pinapple juice.

"Salamat po ate Roya." Tsaka siya nag umpisang kumain.

"Pasensya na ho hindi ako lumabas, ang dami po kasing tao. Sorry po." Paumanhin niya.

"Ayos lang iyon." Tsaka ko ngumiti.

Napakarami niyang ikinuwento sa akin. At masaya akong nakikita silang masaya.





..........................................Sana'y magtuluy-tuloy ang kasiyahan nating lahat.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon