Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay na nakapatong ngayon sa mesa.
"You okay?" puno ng pag-aalala niyang tanong.
I just nodded three times.
Nandito kami ngayon sa isang Restaurant kung saan makikita mo ang kabuuan ng lugar. Tila ba kitang kita mo ang mga butuin na kung tutuusi'y mga ilaw lamang ng nagdadamihan at naglalakihang mga gusali.
"Babe, you look stunning tonight." Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Tuwing kasama ko siya'y tila ba lagi akong nakakadama ng pag-iinit sa aking magkabilang pisngi.
"S-alamat." I tried to smile naturally to conceal my shyness.
"You don't have to be shy when you are with me Babe. I am your boyfriend anyway." He always sound so confident.
"Eh, Kasi naman Rain." Tila ba nalunok ko ang aking dila at hindi ko maayos ang aking pananalita.
"Ehhhh. Wag ka kasing tumitig ng ganyan." Naiinis kong sabi.
Marahan siyang tumawa at nagsalita. "You are so cute especially when you get too shy." Pinisil niya ang aking kamay na kanina niya pa hawak hawak.
"Babe. Are you aware how beautiful you are tonight?"
"I am happy that you are mine." Tsaka niya dahan dahang hinaplos ang aking pisngi.
"Red suits you very much. You look so beautiful in your red dress." Naka red spaghetti strap na dress kasi ako na pinatungan ko ng maong na jacket dahil baka lamigin ako at syempre tinernohan ko iyon ng sneakers.
"Rain. Thank you." I sincerely said.
"Thank you kasi dumating ka sa buhay ko. Alam kong maaga pa para sabihin ko ito, alam ko ring wala pang dalawang buwan na magkakilala tayo pero thank you."
"Kasi pinangiti mo ulit ako." sa kaunting panahon na nakasama kita, binigyan mo agad ako ng pag-asa.
"Alam mo. Ikaw pa lamang ang nag dala sa akin sa mga lugar na gaya nito. Iyong kitang kita mo ang lugar na ginagalawan mo. Yung pakiramdam mo habang naglalakad ka diyan sa ibaba'y iba sa pakiramdam mo habang nakaupo ka dito sa itaas. Parang abot kamay mo ang mga bituin." Alam kong nagsisimula nang mag ulap ang aking paningin tanda ng luhang iniiwasan kong bumagsak.
"Babe, this is just the beginning. Marami pa akong ipapakita sayo. Pupunta tayo kahit saan mo gusto." Mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko.
"Sana hindi na matapos yung mga gabing tulad nito. Yung mga gabing puro saya lang, walang halong lungkot."
"Rain. I love you." And I gave him a faint smile.
Lumipas ang mga oras na hindi namin namamalayan.
Ang saya ko. Masayang masaya akong kasama ko siya.
Masaya akong nakilala ko siya. Masaya akong hawak niya ang mga kamay ko. Masayang masaya ako sa piling niya.
Hinatid niya ako sa Condo at nagpaalam na kami sa isa't isa.
Ngayong Gabi...... Ikaw ang laman ng Panaginip ko, Mahal ko.
.................................... KINABUKASAN.
Nagkita kita kami nina Margo at Chaya sa Paborito naming Bar.
"Saan ka ba nanggaling nitong mga nakaraang araw Chaya? Namiss ka tuloy namin ni Roya." Naka pout na sabi ni Margo.
"Hilain ko kaya nguso mo jan Margo." Pabirong sabi ni Chaya.
"Nagbakasyon lang ako." nakangiti niyang dagdag. Pero sa mga ngiti niya'y tila may kulang.
"Talaga ba?" pabiro kong tanong.
"Oo nga. Ano ba kayo." Tsaka niya kinuha ang Milkshake niya.
"Ang bait mo ata ngayo't naka milkshake ka lang jan?" pabiro kong sabi.
"Oo nga, dati rati kay aga aga naka Tequila ka." segunda naman ni Margo.
"Bahala nga kayo diyan." Sagot ni Chaya.
"Para kayong mga sira." Sabi niya kasabay ang mahinang tawa.
Parang may iba talaga kay Chaya at hindi ko maipunto kung ano man iyon.
"Ikaw naman buntis, kamusta ang pagpaplano sa kasal?" baling ni Chaya kay Margo.
"Okay lang naman. Patapos na ang gown. Sana makisama si Baby." sabay haplos sa kanyang impis na tiyan.
"Naeexcite na ko." si Chaya.
"Ako rin, pero kinakabahan ako." sabi ni Margo na tila may pag aalinlangan.
"Bakit naman?" pareho naming tanong.
"Paano kapag hindi sumipot si Dustin?" eto nanaman po tayo sa pag-aalala ni Margo.
"Ewan ko sayo Margo." Saby kami ni Chaya.
Iba talaga kapag kumpleto kaming tatlo. Sobrang saya.
Iyong tipong hindi ka mabibingi sa katahimikan dahil nandiyan sila.

BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...