"Roya, tara na." bigla na lamang nag ayang umuwi si Chaya.
Hindi ko mapaliwanang ngunit sa tingin ko'y mayroong nangyari.
"Magpapaalam lang ako sa mga bata." Sabi ko naman sa kanya.
"Magpapakabait kayong lahat okay? Nasaan na pala yung mga gawa niyo? Kukunin ko lahat." Isa isa silang pumila habang nakangiting inaabot sa akin ang kanilang mga obra.
Nang makuha ko na ang lahat ay nagpaalam akong muli saka tinahak ang daan pauwi.
Sa buong byahe'y pansin ko ang pagiging balisa ni Chaya.
"May nangyari ba?" tanong ko habang kami'y nasa kalagitnaan ng byahe.
Hindi siya sumagot, bagkus ay umiling lamang sya.
Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas upang tingnan ang napaka gandang mga tanawin.
Marami rami pang mga puno rito kaya naman ka'y gandang pagmasdan.
Naalala kong malapit nanaman pala ang exhibit sa Galleria.
Kailangan ko nang mag isip muli ng maipipinta.
Kailangan ko ng inspirasyon.
Hindi ba't si Rain ang inspirasyon mo ngayon?- napangiti ako sa bagay na sumagi sa isip ko.
Hindi ko pa siya pwedeng gawing sentro ng mga paintings ko.
Hindi pa ngayon.
....................................................................................
Mag dadalawang araw na simula ng huli niya akong tinawagan. Hindi ko alam pero tila ba may kulang tuwing hindi siya tumatawag o nagtetext man lang.
Nakaka ilang check na ako sa cellphone ko, umaasang magtetext na siya, pero wala.
Ayaw ko mang aminin pero...
.........sobrang namimiss ko na siya.
Tuwing nandiyan siya'y tila walang mapagsidlan ang saya ko, tuwing wala naman siya. Parang laging mayroong kulang sa buong araw ko.
Ang hirap kasi sayo Roya, napakabilis mong ma-fall. Naalala mo? Ang bilis mo ding na-fall kay Baste diba, pero noong nakuha na niya kung anung gusto niya. Wala na, naiwan ka na. Iniwan ka nanaman.
Siguro nga't napakabilis kong ipagkatiwala ang puso ko sa kahit na kanino makitaan ko lang sila ng mabuting puso. Kung pwede ko lamang sanang diktahan ang puso ko kung kanino titibok ito, siguro ginawa ko na nang maiwasan ko man lang sanang masaktan, o mahanap iyong totoong taong magmamahal din sa akin at hinding hindi ako iiwan.
May mga bagay kasi talagang napakadaling sabihin pero kapag nandiyan na'y napakahirap gawin. Hindi ko kayang diktahan ang puso ko dahil may sarili siyang ritmo. Ritmo na kapag nahanap niya ang tamang tunog at tibok ay gagawa nang napaka gandang harmonya.
Kung kailan ako sasaya'y hindi ko alam, ngunit taim tim kong ipinagdarasal na sana. Malapit na.
............................................................
"Mia, do I have schedules for tomorrow?"
"Yes Sir. Meeting with the investors." Agad na sagot ng babaeng nasa mid-20's. Bagamat matangkad na siya'y nakasuot pa din siya ng high heels na lalong nagpalakas ng kanyang dating at ganda ng tindig.
Tumangu tangu ang lalaking prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair.
"Get me some coffee."
Punung puno nang awtoridad ang kanyang baritonong boses.
Kinatatakutan siya nang kanyang mga empleyado dahil na din sa pagiging sobrang istrikto at perfectionist nito.
Nang nakaraang taon nga'y limang empleyado ang agad nag resign sa loob na lamang ng isang linggo.
Lahat sila'y nanginginig nang lumabas sa mataas na building na pagmamay-ari niya.
"Sir, Here's your coffee." Saka inilapag nang kanyang sekretarya ang kape sa kanyang harapan.
Isa isa niyang nirereview ang mga papel na galing sa loob ng brown envelope, kapag kuwa'y hihigop siya ng kanyang kape.
"Mia, Cancel my meeting tomorrow with the investors. I need to deal with something."
Agad namang dinampot ng kanyang sekretarya ang ompany phone upang mag dial ng numero.
"I always get what I want Ms. Fuentez. By hook or by crook."
then he smirk.

BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...