Chapter 40

9 0 0
                                    

FEW YEARS LATER........... 


"Good Afternoon po Ma'am, pinatawag ko po kayo ngayon dito dahil po sa nagawa ni Arin." kinakabahan ako habang nakaupo at kaharap ang principal at teacher ni Rin.

"Iyang anak mo! Inaway ba naman tong anak ko! Aba ganyan ba tinuturo mo jan sa anak mo?!" kanina pa nagpapantig ang pandinig ko sa matinis na boses ng babaeng ito.

"Huminahon po kayo Ma'am." awat ng principal sa kanya.

"So kahapon po nang pauwi ang mga bata'y umiiyak na nagsumbong sa akin itong si Niko dahil daw po sinuntok siya sa tiyan ni Arin." Nako ka talagang bata ka.

"Ano po bang pinag awayan ng mga bata?" pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Baka po one side lang iyong narinig ninyo? Kilala ko po ang anak ko, hindi ko po siya pinalaking ganyan." I added as I gave them my sweetest smile.

"Ms. Jean, pakitawag si Arin." Utos ng principal sa homeroom teaher ni Rin.

Naiinis man ako'y kalmado ko pa din nginitian ang nanay ng nakaaway ng anak ko na kanina pa tingin ng tingin sa akin.

"Nandito na po si Arin." Pumasok si Rin kasama ang isang lalaking mas matangkad ng ilang pulgada sa kanya. Mahigpit na nakahawak si Rin sa kamay ng batang lalaki habang naka-yuko itong sumusunod sa kanya na akala mo'y isang maamong tuta.

"Hi Mum." Rin smiled at me.

"Good morning po." She added addressing the other people inside the room.

"Arin, pinatawag ka namin dito kasi nagsumbong itong si Niko sa nangyari kahapon." Panimula ng principal.

Habang nagsasalita ang Principal ay di ko maiwasang mapatingin kay Rin. I know my daughter very much, she always wear her poker face. She acts mature at her age and she is always calm. She always stand for what she believe is true and justify it for whatever it cost.

"Ma'am, first and for most. It is not my fault Niko is a bully." Sometimes, her maturity is too much. Kanino ka ba nagmana anak?

"Naglalaro po kami ni Archer sa playground kahapon since pareho kaming wala pang sundo Ma'am. Tapos nag CR po ako saglit at pagbalik ko nakita kong hawak hawak ni Niko iyong wallet ni Archer at kumukuha ng pera." I am amazed just by watching her.

"Maayos kaming nakipag usap sa kanya Ma'am pero hindi po siya nakikinig. Pinagbantaan niya rin po kami na huwag daw pong magsumbong sa kahit kanino kasi pulis daw po ang tatay niya." She keeps on talking without letting go of Archer's hand.

"Sinungaling ka! Ke bata bata mo pa! Ano, mana ka sa magulang mo?!" sigaw ng nanay ni Niko. Sinasagad talaga nitong babaeng to yung pasensya ko.

"Pinilit ko po siyang ibalik iyong wallet ni Archer po, tapos hinila niya po yung buhok ko. Kaya ko siya sinuntok sa tyan kasi ayaw niya po akong bitawan." she continue talking as if she didn't hear the old hag.

I can see how Archer squeeze Rin's hands as if he is trying to comfort her.

"Hindi po ako pinapalo o sinasaktan ng mga magulang ko Ma'am. Siya lang po ang nanakit sa akin, and to think na lalaki po siya Madam Principal."

"At mawalang galang na po, wag niyo pong kwestiyonin ang pagpapalaki sa akin nina Mama at Daddy. Bat di niyo po tanungin ang sarili niyo kung saan kayo nagkulang sa pagpapalaki at pagdidisiplina niyo sa anak niyo?" this time, I held my daughter's hand and squeezed it tightly.

"Arin Adala." I looked at her and gave her a faint smile.

Well, she knows what it means when I call her full name. She needs to stop.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon