It is now 4 in the morning but I still can't sleep.
I always have this problem in sleeping. Feeling ko super sleepy ako in the Morning, but when the night comes. Di na ako inaantok, it's so weird.
Saktong pagdampot ko ng phone ko sa ibabaw ng bedside table ay saka namang nag vibrate ito.
Napapitlag ako sa gulat, buti nalang at hindi ko nabitawan ang phone ko.
Rain Calling..................
Ano naman kaya ang kailangan nito nang ganito kaaga.
"H-ello." Alanganin kong sagot.
"Good morning beautiful, did I wake you up?" hindi ko alam kung kikilingin ba ako sa tanong niya o sa tono ng boses niya.
That heavy breathing combined with the huskiness of his voice. I feel like my ovaries are going to pop!
God Roya! STOP!- Awat ko sa sarili ko.
"Actually, I can't sleep." Sagot ko na tila ba walang epekto ang boses niya sa akin.
"Why?" there is a hint of curiosity and sexiness in his voice.
"I don't know, Sometimes I'm like this." sagot ko.
"Something bothering you?" he sound so concern, and gentle.
"Wala naman. I'm just like this sometimes." Sagot ko.
"Wanna go out later?" tanong niyang nagpa kilig sa akin.
"Hmmmm. Aren't you busy?" balik tanong ko.
"Nah. Mas gusto kong kasama ka." And yes, my ovaries just explode. Kidding aside.
"Okay, where and what time?" dahil tinatamad akong magpakipot.
"I'll fetch you up by 11 am, is it okay?" chinek ko namang maigi kung may reminder ako, I'm glad na wala.
"11 am it is." Ani ko.
"Alright. See you later." Sabi niya.
"See you." then I hung up.
I cannot contain the 'kilig' that I'm feeling so kahit na wala pa siyang sagot sa 'See you' ko'y binaba ko na ito para sumigaw ng ipit.
Bakit ba naman kasi ganitong oras niya ako tinawagan, hindi ko tuloy alam kung anong mga isasagot ko at lalong hindi ko kinakaya ang huskiness ng boses niya. Diyos ko po Papa God, patawarin niyo po ako't pinag nanasahan ko siya ng ganitong oras.
Ngayon siguradong hindi na talaga ako makakatulog.
Bumangon na lamang ako at nagtungo sa aking study table. Inabot ang aking sketch pad. Kumuha ako ng watercolor at pencils.
Wala akong maisipang I painting ngayon ngunit tila ba may sariling isip ang aking mga kamay at sila mismo ang gumalaw at gumuhit para sa akin.
Limang oras ang nakalipas at tinitigan kong mabuti ang aking painting. Biglang sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi.
Bagamat Abstract portrait, mula sa mga mata, ilong, labi at hugis ng mukha'y naaaninag ko ang imahe niya.
.................................... Rain
Naipinta ko siya sa hindi ko malamang dahilan.
Naipinta ko siya nang simula kong isipin ang ganda ng kanyang mga ngiti.
Ganoon na nga ba kalakas ang epekto niya sa akin at naguhit ko siya nang iniisip lamang ang perpekto niyang mga mata?
Napatingin ako sa orasan at nabigla.
"Shit! Anong oras na Roya!" itinabi ko ang aking sketch pad tsaka tumakbo papasok ng banyo.
Sinimulan kong maglinis ng katawan nang sa bawat haplos ko'y siya namang pag daloy ng isang mapait na alala.
"Isang taon na Roya. Tama na." babala ko sa aking sarili.
"Kahit kailan ay hindi na siya babalik." Dagdag ko.
Tinapos ko ang pag ligo tsaka ko tinuyo muna ang aking katawan at naglakad papunta sa aking closet.
Kinuha ko ang aking Black skinny pants tsaka ko ito tinernohan ng may pagka see through na sando. Syempre nagsuot muna ako ng black na tube para naman hindi niya isiping inaakit ko siya. Kinuha ko rin ang aking denim jacket tsaka ako nagsapatos.
Konting suklay, polbo, lip tint, at wisik ng pabango. Inabot ko ang aking body bag na hindi kalakihan tsaka ko inilagay doon ang wallet, tissue, panali ng buhok at cellphone.
Bago ko makalimutan, kinuha ko sa ibabaw ng table ang aking wrist watch saka ko ito isinuot.
Pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salamin tsaka lumabas ng kwarto.
"Good morning hija. Saan lakad mo?" tanong ni Manang pagkalabas ko ng kwarto. Nanonood siya ng drama ngayon sa T.V.
"Diyan lang po Manang. Baka ho gabihin ako ng uwi." Paalam ko sa kanya. Ayaw ko naman kasing maghintay siya, o matulog siya ng late para sa akin.
"Mag-iingat kang bata ka." Ganyan talaga si Manang, noon hanggang ngayon.
"Opo." Sabi ko tsaka lumabas ng pinto.
Sakto namang nag vibrate ang Cellphone ko.
"Hey." Casual kong sagot.
"Nasa lobby na ako ng Condo mo." Deretso niyang sabi.
"Pababa na ko. I'm just waiting for the elevator." Sabi ko naman.
"Okay, I'll wait for you here." Then he hung up.
Kung sakali man sanang masaktan ako ngayon, sana hindi na kagaya noon. Baka hindi ko kayanin, baka magpaanod ako sa sakit. Baka bigla na lamang akong Mawala.
BINABASA MO ANG
Galleria
عاطفيةFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...