Chapter 9

8 0 0
                                    


Madalang lang naming makasama si Margo ngayon dahil sobrang busy niya para sa kasal niya, at syempre, she needs more rest for her baby.

"Kailan kaya ako magkaka baby?" biglang natanong sakin ni Chaya habang nag kakape. Minsa'y bigla na lamang nagsasalita si Chaya ng kung anu-ano.

"May boyfriend ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Ayoko ng boyfriend. Sakit lang sa ulo yon." Tsaka siya sumimangot.

"So gusto mo, instant baby?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya ng tatlong beses.

"Bahala ka nga jan."

"Ikaw ba, ayaw mo?" balik tanong niya sa akin.

"Di pa ako ready." Maikli ko lang na sabi.

"Eh kamusta naman ang lovelife mo?" tanong niya muli na naging dahilan para matigilan ako.

Naalala ko kung anong nangyari kahapon.

"K-kala mo naman meron." Pinilit kong iwasan ang tanong niya dahil alam kong magtatanong at magtatanong siya.

"Kilala kita Roya. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin." Then she smirk.

"Come on, tell me." pilit niya.

"Tsaka na Chaya. Kapag sigurado na." sabi ko nalang sa kanya.

Mahirap kasing pangunahan ang lahat lalo na't kakakilala pa lamang namin. Baka kasi katulad din siya ni Baste. Nang makuha na ang gusto, iniwan na ako.

Hindi ka niya iniwan. Umasa ka lang talaga na mag i-stay siya.

Diba nga pinilit mo pa din kahit na alam mong may iba siyang gusto.- sigaw ng kabilang banda ng isip ko.

Tila ako sinabuyan ng malamig na tubig ng sarili ko.

Kung sa bawat pag iisip ko nang nakaraa'y siyang pananalungat ng kabilang bahagi ng isip ko.

"Chaya. Gusto mo sumama sa Bahay Kalinga?" pag-iiba ko.

"Sige. Kailan ba yan?" tanong niya.

"Bukas sana. Ibibigay ko lang yung monthly allowance nila." sabi ko.

"Tagalan naman natin ng kaunti. Please." Mukhang alam ko na kung bakit.

"Tigilan mo siya Chaya, utang na loob."

"Gusto ko lang siyang makita." Sabi ko na nga ba't siya ang pakay ni Chaya doon.

"Hay nako ka talaga Chaya." Then I took a sip of my coffee.

Hindi pa rin ako makapaniwala kahapon.

Hindi ko maalis sa isip ko. Muntikan pa nga akong hindi makatulog nang dahil lamang doon eh. Nakakainis.

Tahimik kami pareho ni Chaya nang biglang nag vibrate and phone ko saka ako napa ngiti nang makita kung sino ang rumehistro sa screen nito.

"Hi beautiful. How's your day? Nakatulog ka ba kagabi?" bungad niya pagka sagot ko ng phone.

"Okay lang naman ako. Yes, I slept tight last night." Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa ginagawa niya.

"Good to hear that you are okay at syempre kumpleto ang tulog. I just want to check you out if you are okay." Tila ba ako may naramdamang kiliti sa aking puso. Pakiramdam ko tuloy ay napaka espesyal ko.

"Thanks. How about you?" balik tanong ko sa kanya.

"I'm okay a while ago. Now I'm great coz I finally heard your voice." Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ako sa sobrang kilig.

"Nambola ka pa." he chuckled.

"You busy tomorrow?" tanong niya.

"Yeah. Need to go somewhere." Yes, we need to go to the foundation.

"Awwww. Okay, some other time maybe." Yes, I can hear his disappointment.

"Need to hung up now baby. Take care, okay?" OMG! Did he just called me Baby??

"Okay." I replied then he hung up.

Hindi pa din ako maka move on sa kilig na nararamdaman ko.

Did he just call me 'BABY'?

God! I feel like my ovaries are bursting!

There is really in him that I can't explain.

Maybe it's true.






I am falling in love with you.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon