Chapter 3

11 1 0
                                        


"Baby. Here."

Tsaka inabot ng isang magandang babae ang paintbrush sa kanyang anak.

"This is how you draw the skies."

Kinuha niya ang munting kamay na may hawak na paint brush tsaka niya ito inilapat sa canvas.

Nasa limang taong gulang ang Batang naka-upo sa silya habang hawak ang paintbrush; nasa harap niya naman ang Canvas na binili sa kanya ng kanyang ina.

"2 years ago, tinuturuan lang kita humawak ng paintbrush ah. Ngayon, mas magaling ka na kaysa sa akin." Biro sa kanya ng kanyang ina habang ipinipinta ang isang Family Picture.

"Ang ganda naman niyan." Halos sabay silang napalingon sa boses na nagmula sa kusina.

"Maganda po kasi yung nagturo sa akin eh, diba po Mommy?" saka niya nilingon ang kanyang inang masayang nakamasid sa kanilang mag ama.

"Syempre naman hija, wala nang mas gaganda pa sa Mommy mo. Sa inyong dalawa. Mahal na mahal ko kayo." Tsaka niya ito ikinulong sa kanyang bisig.

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata, sabay nang pagtulo ng aking luha.

Tila ba may kirot akong naramdaman sa bahagi ng aking puso. Hindi ko maintindihan.

Binalewala ko na lamang ito saka lumabas ng aking kwarto upang mag handa ng makakain.

"French Toast." Tsaka ko ito inilagay sa aking plato.

Kinuha ko ang bagong brewed kong Kape, sinalin sa Mug at nilagyan ng konting asukal at Gatas.

"Perfect."

Binuksan ko ang bintana at naupo sa may Veranda.

Ganito lamang ako, araw-araw.

Wala naman akong kasama dito. Minsan lang kung magpunta dito si Manang; ang katiwala naming nagpalaki sa akin.

Kinuha ko ang aking sketch pad tsaka nag drawing.

Alam ko namang lalaitin nanaman ni Chaya ang gawa ko dahil sobrang dark nanaman.

"Malamang charcoal ang ginamit mo." Sabi ko sa sarili ko.

Konti shade pa rito, doon.

"Tapos!" naka ngiti kong tinitigan ang aking drawing.

"Mukhang may bagong entry ang Aiva Galleria."

Tinapos kong kumain tsaka nag tungo sa aking bathroom at naglinis ng katawan.

Pupunta ako ngayon sa Galleria upang magpinta.

Lumabas ako nang banyo at nagtungo sa aking walk-in closet.

Kinuha ko ang aking halter dress na may sweetheart neckline at knee length tsaka ko ito tinernohan ng black leather jacket at sneakers. Nag suklay ako ng kaunti. Polbo at lip tint. Wisik ng pabango at tapos!

Lumabas ako ng condo tsaka ko naman nasalubong si Manang.

"Hi Manang." Bati ko sa kanya.

"Saan ka nanaman ba pupuntang bata ka, kadarating ko lang eh." nakapameywang niyang tanong.

"Galleria po." Deretso kong sabi.

"Mag-iingat ka. Ipagluluto kita ng paborito mo at sasamahan muna kita ngayong gabi. Isang buong linggo kong hindi nakita ang paborito kong alaga." Magiliw na sabi ni Manang.

"As if naman pong may iba pa kayong alaga maliban sa akin." Pabiro kong sabi.

"Hala sige na. Mag-iingat ka." Winagay way ko na lamang ang aking kamay saka umalis.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon