Chapter 2

18 1 0
                                    


"Fallin' In love?" punong puno nang pagtatanong ang itsura niya.

"Mommy? Diba when you are in love dapat colorful. Like may rainbows and flowers. Pero bakit ito?"

"...... Black and white Rose with thorns? Looks creepy." Unti unti akong napa ngiti sa narinig ko.

Ganyan ang itsura ng Pag-ibig na nakilala ko. Malayo sa Pag-ibig na kina gisnan mo. Sana paglaki mo. Hindi mo makita ang Pag-ibig na nakita ko. – heto nanaman ako at kausap ang sarili ko.

"Baby. We should always remember na hindi lahat pare-pareho. Maybe that's how the painter defined love. We never know. Okay." Paliwanag ng kanyang ina.

Nilibot ko ng tingin ang buong Galleria.

Ito ang mundo ko.

Naalala ko bago nila ko iniwan.

"Roya, dito mo ilagay ang damdamin mo. Lahat ng emotion mo, ibuhos mo. Susuportahan kita palagi. Nandito lang ako, kami ng mommy mo anak."

........................ at bigla na lamang naglaho.

"Roya." Tapik sa akin ni Chaya.

"Nakatulala ka nanaman jan." sabi niya.

"Nakakaloka talaga mga gawa mo. Siguro ubos na ubos na yung black and white paint mo no." dagdag pa niya.

"Baka may maka-rinig sayo." Awat ko sa kanya.

"Haynako! Sino ba tong Ayoraiva na to, at broken na broken ata.!" Sinadya niyang lakasan ang boses niya. Iyan kasi ang paraan niya para asarin ako.

"She's Sad." Ika ng bata kanina.

"Wag mo siyang gagayahin ha." Sabi naman sa kanya ni Chaya.

"I wanna be like her. An Artist. But a happy one." Tsaka siya ngumiti.

Napaka ganda niyang bata. Nasa limang taong gulang siya. Nakasuot ng bistida na may kwelyo, naka medyas ng may ribbon at sapatos na terno sa kulay ng kanyang damit. Naka Bag pack siya ng kulay puti at ang kanyang buhok na may pagka-wavy ay naka pigtails.

Alam ko, makakamtan mo rin iyang pangarap mo. Magiging Artist ka rin, pero masaya; hindi tulad ko.

"Nasaan na nga pala si Margo?" tanong ko kay Chaya. Magkikita kita kami ngayon dahil ika nga ni Margo ay bilang na ang kanyang mga araw bilang 'Dalaga', dahil ilang buwan mula ngayo'y ikakasal na siya.

"Kanina ko pa tinatawagan, hindi sumasagot. Ring lang ng ring."

Paliwanag niya.

"Baka may nakapatong pa sa kanya." Mapanuyang sabi ni Chaya.

"Sira ka talaga." Saka ako nag-iwas ng tingin.

Wala ni isa sa kanila ang may alam ng nangyari sa akin isang taon na ang nakalilipas.

Hindi nila nakilala ang lalaking iyon. Dahil alam ko namang darating ang panahon na mawawala siya, kaya naman hindi na ako nag aksaya ng oras para ipakilala siya sa mga kaibigan ko.

"Sorry, super traffic." Bungad sa amin ni Margo na hinihingal pa.

"Okay lang, naintindihan naman namin ni Roya na dapat walang nabibitin." Pinamulahan ng pisngi si Margo dahil sa biro ni Chaya.

"Hoy! Walang nangyari, Nasa Singapore siya. May inasikaso daw." Paliwanag naman ni Margo.

"Ano, Tara?" saka kami lumabas ng Gallery.

Bukod sa aming tatlo, sa katiwala ng Galleria, kay Manang at kina Mommy at Daddy. Wala nang ibang nakakaalam na ako ang may-ari ng Galleria at may obra ng lahat ng ito.

Iyon kasi ang kabilin bilinan sa akin ni Daddy. Dapat walang makaalam na sa akin nakapangalan ang lahat. Dahil daw maraming nagkakainterest na maliit na lupang ito.

"Girls, thank you sa pagsama sa akin ha. Naabala ko pa kayo." Mahinahong sabi ni Margo.

"Ano ka ba naman. Okay lang yon." Ani Chaya.

"Ano bang uunahin natin ngayon? Wedding gown or Cake tasting?" tanong ko.

"Gown muna Roya. Mas mahirap yun eh, alam mo na." sagot ni Margo.

Sumakay kami sa taxi at mga ilang minuto pa'y nakarating na kami sa Boutique.

"Siguro kapag nilakad natin yun mga 7 minutes lang. Malapit lang pala eh." Sa aming tatlo, si Chaya talaga iyong pinaka maingay. Kumbaga siya iyong 'Joker' sa amin.

Buti na lamang at nandito silang dalawa. Laging may nagpapalakas ng loob ko tuwing alam nilang hindi ako okay.

Pumasok kami sa Boutique at agad naman kaming sinalubong ng isang may edad na babae. Ngunit hindi mo mahahalata iyon dahil sa kanyang tindig at hubog ng katawan.

"Good Morning Girls. I'm Jennie, at ako ang makakasama niyo sa inyong gown hunting. May I know who the Bride is?" naka ngiti niyang tanong.

"Ako po." Sabi ni Margo.

Naupo na muna kami ni Chaya sa Sofa at dinala naman ni Ms. Jennie sa fitting Room si Margo.

"Ikaw, kailan ka ikakasal?" mula sa kawala'y tanong ni Chaya.

"Akala mo ba hindi ko nakita?" seryosong lingon sa akin ni Chaya.

"Alam ko Roya. Hindi mo ako kayang linlangin. Sino siya?" kilalang kilala ako ni Chaya. Mas nauna ko siyang nakilala at nakasama kaysa kay Margo.

Ni isa'y wala akong sinabihan ng tungkol sa kanya ngunit kakaiba dumama si Chaya. Hindi ko inaasahan na malalaman niya.

"Si Baste. At umalis na siya." Pilit kong tinago ang panginginig ng aking boses.

"Matagal na iyon Chaya. At pinakawalan ko na ang sarili ko sa madalim na kahapon... Sa kahapong kasama ko siya."

"Minahal ko siya, at alam ko namang hindi niya ako kayang mahalin. Walang kami, hindi naging kami." Tila ba nakadama nanaman ako ng kirot sa aking puso.

Bakas sa mukha ni Chaya ang lungkot.

"Okay lang ako Chaya. Makakalimot din ako." pangako ko sa kanya.

"Siya ba yung nasa likod ng mga paintings mo?" balik tanong niya.

"Alam mo namang sa simula't sapul ganoon na talaga lahat ng gawa ko hindi ba? Hindi lang naman siya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. At hindi niya deserve ang maging inspirasyon ko sa mga obrang ginagawa ko." nginitian ko siya ng pilit.

"Ang tatag mo Roya." Tsaka siya ngumiti ng sobrang lawak.

Lumabas si Margo suot ang isang Wedding gown na may sweetheart neckline, at balloon skirt. Mukha siyang isang Disney princess sa suot niyang gown ngayon.

"Gustong gusto ko itong gown na to. Ang dami niyang pinasukat sa akin pero ito lang gusto kong ipakita sa inyo." Sabi ni Margo.

Ika nga ni Chaya, mas matagal pa naming hinintay si Margo sa Galleria kaysa mag sukat ng damit.

Sunod naman naming pinuntahan ang cake tasting niya. Hindi siya mahilig sa Fondant kaya naman bare cake ang pinagawa niya.

Buttercream and fresh berries ang filling.

Sa buong araw na iyon, malawak na ngiti lamang ni Margo ang nakita namin. Iyong ngiti sobrang saya.

..................... iyong ngiting wala nang mahihiling pa.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon