"From this day forward, for sickness and in health. Till death do us part."
"Now I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Unti unting lumapit and mukha ni Rain sa akin at dahan dahan niyang nilapat ang kanyang labi sa aking labi. Ngayong mga sandaling ito'y pinagsasaluhan namin ang aming unang halik bilang mag asawa.
Asawa...
Asawa ko na si Rain. He is now my husband. And I am so happy.
Natapos ang aming halik tsaka niya hinarap ang kanyang kaibigang Judge.
Kung anu mang pinag-uusapan nila'y hindi ko rin alam. Hindi pa din ako makapaniwala sa singsing na suot ko sa aking daliri sa mga sandaling ito.
"Congrats Roya!" tsaka ako niyakap ng mahigpit ni Chaya.
Chaya broke down the other day.
Bukod sa siya nalang ang walang asawa sa aming tatlo'y sobrang saya niyang nakikita akong masaya. Na sa wakas masisiguro niyang hindi ako tatandang mag-isa at may mag-aalaga na sa akin habang buhay. Chaya is so thoughtful. That's why I love her so much.
Kami kami lamang ang nasa maliit na kwarto na iyon.
Si Chaya, and tito ni Rain na si Greg at ang Judge na si Javier.
"Tito ba talaga ni Rain yan?" tanong sa akin ni Chaya na akala mo'y may tinatagong sikreto.
"Yun ang sabi niya." Sagot ko kay Chaya na sobrang lalim ng titig kay Greg.
"Single ba siya? Ang hot niya." Kala mo'y teenager na kinikilig si Chaya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kahit noong una niyang nakita si Lancer ay hindi naman siya ganito mag-react.
"Tatanungin ko para sayo." Biro ko sa kanya.
"Ladies." Sabay kaming napatingin ni Chaya. Tila ba kami sinabuyan ng malamig na tubig nang makita naming ang mga mata ni Greg na nakatuon sa direksyon namin ni Chaya.
Katulad ni Rain ay baritono rin ang boses ni Greg na talaga namang bagay na bagay sa itsura niya.
"Get ready to leave in 6 minutes." he smiled as he glance at his wrist watch.
Napatango na lamang kaming pareho ni Chaya na tila hindi pa nakakarecover sa nangyari.
Kaunting titig at pa cute pa ni Chaya ay umalis na din kami upang magtungo sa isang restaurant kung saan kami nagsalu-salo.
Magkatabi kami ni Rain samantalang magkatabi naman si Chaya at Greg.
Kwentuhan lamang kami nang makarating sa restaurant.
Napaka simple ng araw na ito ngunit napakasaya ko.
"If I may ask Chaya, You single?" tanong ni Rain kay Chaya.
"Y-eah." Medyo nasamid pa si Chaya sa pagkakasagot niya.
"I'm single too." Sabat ni Greg na ikinagulat ni Chaya.
Hindi naman maiwasang mamula ni Chaya nang dahil sa sinabi ni Greg. Mukha na siyang kamatis na hitik na hitik sa lycopene.
"We can go on a date sometime." Dagdag ni Greg na tila ba napaka kalmado at sanay na sanay sa mga bagay na ganito.
"And you are cute when you blush." Muling sabi ni Greg na lalong ikinapula ni Chaya. Talaga nga atang natamaan si Chaya sa kanya dahil ngayon ko lamang siya nakitang namula ng sobra.
Ako naman itong nasa isang tabing, tawang tawa sa nangyayari.
Maya-maya'y hinawakan ni Rain ang aking kamay saka bumulong sa aking tainga.
"You happy?" ramdam kong sobrang lapit niya sa akin, ang paglapat ng kayang hininga sa aking tainga'y tila ba nagdala ng mga munting boltahe sa bawat parte ng aking katawan.
"Very happy." Sabi ko saka lumingon sa kanya at akin nanamang nakita ang masuyong ngiti nang una kaming magkakilala.
"Thank you babe." sambit ko saka niya muling inangkin ang aking labi.
Ang masuyo at banayad na halik na sa kanya ko lamang nadama.
BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...