"Ma'am Roya. Tignan niyo po ito." sabay abot sakin ni Kuya ng isang envelope na may lamang papel.
Kinalma ko muna ang aking sarili bago basahin ang liham.
"Ma'am, kaunti na lamang po ang bumibisita dito sa Galleria. Pababa na po ng pababa ang bilang ng mga taong nagagawi dito. At eto pa po Ma'am." tsaka niya inabot ang isa nanamang envelope.
"Mag-aanim na buwan na pong hindi nababayaran iyong tax natin Ma'am." nahina niyang sagot.
"Anong ibig mong sabihin Kuya? Paanong?" gulat kong sabi sa kanya. Hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa Galleria. Wala akong kaalam alam.
"Dahil sa pagbaba ng mga taong nagpupunta dito Ma'am at nitong mga nakaraang araw po'y wala pa pong nag papareserve for event venue po."
"May alam ka bang pwedeng gawin para dumami ulit ang mga taong nagpupunta dito?" katunayan, ako ma'y di ko alam kung anong gagawin.
"Ma'am, may mga ilang tao po na gustong bilihin ang iba sa mga paintings dito Ma'am lalo na po iyong centerpiece natin. Nag-ooffer po sila ng malalaking halaga ngunit kabilin bilinan niyo pong hindi niyo ipinagbibili ang mga paintings." Paliwanang niya sa akin.
"Hanggat kaya ko kuya, walang ibebentang painting. Ako na ang bahala dito. Hahanap ako ng paaran. Lalo't hinding hindi tayo pwedeng magsara." Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngunit kailangan kong mag isip ng paraan kung paano mareresolba ito.
Tumango na lamang siya at itinuon nag pansin sa iba pang mga papeles na nakalatag sa kanyang mesa.
Hindi ko mahagilap ang dalawa kong kaibigan. Busy ata silang pareho ngayon.
Alam kong puspusan na ang paghahanda ni Margo para sa kasal niya at si Chaya? Ako ma'y di ko sigurado kung anong pinagkakaabalahan niya ngayon.
Gusto ko mang makipagkita sa kanilang dalawa'y hindi pwede.
Nagtungo na lamanag ako sa bangko dahil ito na lamang ang tanging naisip kong paraan upang maresolba ang problema sa Galleria. Kung kailangan kong humiram upang may maipambayad sa tax na mag aanim na buwan na palang hindi nababayaran ay gagawin ko.
Isinantabi ko na lamang ang pag iisip sa maaaring maging interest kung sakaling mang humiram ako, ang mahalaga mabayaran ang dapat mabayaran.
Nagpunta ako sa bangko at ginawa ko na ang kanina ko pa pinag iisipan. Nanghiram muna ako ng pambayad ng tax tsaka dumeretso muna sa Condo.
Mabuti na lamang ay nandito ngayon si Manang upang samahan ako.
Para bang hindi ko kayang mag isa sa mga panahong ganito.
"Halika na hija. Nakapag hain na ako." ika niya sa likod ng pintuan.
"Sunod na po ako." sabi ko sa kanya.
Patayo na ako nang bigla ko nanamang maalala si Rain.
Ano kayang ginagawa niya ngayon?
Busy kaya siya?
Gusto ko sana siyang kamustahin pero, baka maistorbo ko lang siya.
Binuksan ko ang pinto saka nagtungo sa hapag upang kumain.
Napangiti naman ako nang makita kung ano ang ulam na nakahanda.
Mga paborito ko kasi lahat ang niluto ni Manang.
"ANg sarap naman nito Manang." Habang kumakain.
"Syempre naman. Dahan dahan, baka mabilaukan ka." Paalala niya.
Sana lagi nalang ganito. Iyong tipong may kasama ako.
Natatakot akong mag-isa. Ayaw ko na ng pakiramdam ng nag-iisa.
"Manang ,na-miss ko luto mo. Sobra." Naka ngiti kong sabi kay Manang.
"Hala sige, kain ka lang jan. At bukas ipagluluto kita ng seafoods." Napangiti naman ako sa narinig ko. Aaminin ko, spoiled ako pagdating kay Manang.
"Manang naman eh. Paano na kapag umuwi ka, di nanaman ako makakakain ng ganito." Biro ko sa kanya.
"Kaya naman pala pumapayat ka dahil di ka nakakakain ng tama kapag wala ako." hayan nanaman ang sermon ni Manang.
"Kumakain naman ho ako." depensa ko.
"Ikaw talagang bata ka." Tinawanan ko na lamang si Manang, tulad ng dati.
Mula noon hanggang ngayon, andiyan si Manang upang alagaan ako.

BINABASA MO ANG
Galleria
Roman d'amourFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...