Chapter 37

9 0 0
                                    

Mag iisang oras na rin akong nakatanaw sa bintana.

Ang gandang panoorin ng mga ibong nagliliparan habang kumakanta, tila ba napakasaya nila't kasama nila ang isa't-isa.

Mayroong mga iilang bagay na hindi ako matandaan at maintindihan. Gustung-gusto kong maalala ang nakaraan, sino ba naman ang hindi?

Tila ba mayroon akong mga nakalimutang parte ng buhay ko ngunit nakikilala ng puso ko. Gulung-gulo ang isip ko ngunit kailangan kong maalala ang mga bagay na tila ba nabura na lamang bigla sa isip ko.



"You look beautiful in your red dress."



Bulong sa kabilang parte ng utak ko.

Tila ba may malalabong larawan na unti-unting nagpapakita sa aking ala-ala.

Larawang nakita ko na ngunit hindi ko maalala kung saan.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng aking kwarto, tila ba ako may hinahanap ngunit hindi ko alam kung ano.

Tatlong mahihinang katok ang nagpabalik sa akin sa realidad.

"Hija." Unti unting bumukas ang pinto kasabay ng pagsilip ni Mo. Celestia.

"Ano po yun?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"May bisita ka hija." Tugon ni Mother Celestia. Saka ngumiti ng malawak. Tila ba kakaiba ang ngiti niya.

Tumango na lamang ako saka sinundan siya patungo sa Garden.

Hindi ko naman alam kung sino ang bisitang tinutukoy ni Mo. Celestia dahil kailan lang noong nag punta sina Chaya at Manang dito samantalang bumisita naman dito kahapon si Margo kaya wala akong ideya kung sino siya.

Tumigil sa paglalakad si Mother Celestia saka unti-unting lumingon sa akin.

"Ayun siya, lapitan mo nalang hija." Saka niya ako binigyan ng isang simpleng ngiti.

Itinuon ko ang aking paningin sa direksyon na itinuro ni Mother.

Unti-unti kong naaninag ang isang lalaking naka polo ng puti. Naaaninag mula sa kanyang likuran ang pagiging matipuno niya at ang tindig ng kanyang pagkakatayo na tila ba isang awtorisadong tao.

Hindi ko maunawaan ngunit tila ba biglang bumilis ang pintig ng aking puso. Tila mayroong mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan at unti-unti kong naramdaman ang mahinahong pagdampi ng hangin sa aking pisngi.

Tila may sariling buhay ang aking mga paa at tinungo ang direksyon ng lalaki. Sa bawat paghakbang ko'y tila lumalakas ang pintig ng aking puso at bahagyang nanlamig ang aking mga kamay.

Papalapit na ako sa kanya ng unti-unti siyang lumingon sa gawi ko. Tila ba bumagal ang galaw ng mundo nang makalapit na ako sa kanya.

Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin at tinitigan ang kanyang mukha.

"S-ino ka?" mga salitang tila napakahirap bigkasin. Sa hindi maipaliwanang na dahila'y tila nanunuyo ang aking lalamunan.

"R-oya." Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha nang bigkasin niya ang ngalan ko.


"Bakit?"- tanong ko sa aking sarili.


"K-ilala mo a-ko?" hirap akong magsalita. Tila ba nawawalan ako ng boses tuwing bubuksan ko ang aking mga labi.

"Roya." Inangat niya ang kanyang kamay at saka pinunasan ang aking mga luha.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon