Chapter 12

9 0 0
                                    


"Raphael, how's that property doin?"

"Naiinip na kami."

Sunud sunod na tanong nila sa akin habang nakaupo ako sa aking swivel chair dito sa loob ng board room.

"It's getting there, I promise." Kalmado kong sagot. Somehow, they are getting into my nerves.

"Mukhang nangangalawang ka na ata ha hijo?" tila ba nag pantig ang pandinig ko nang marinig ko iyon. But I composed myself, baka may masabi akong hindi inaasahan.

Patuloy ko na lamang nireview ang final output at mga documento ng bagong hotel na ipapatayo namin.

"Baka ma-adjust ang opening natin niyan." Hindi ko na lamang pinansin lahat ng sinasabi nila. I don't have to please them anyway.

This company is mine. And my investors trust me.

I'll get that piece of property. I promise.






......................................................

Nakakatamad naman ngayong araw.

Kanina pa ako nakatitig sa aking wall clock. Hindi ko malaman pero sobrang boring ng araw na to.

Napalingon ako sa cellphone ko nang maramdaman ko itong mag vibrate.

Pagkaabot ko ng aking cellphone ay hindi ko naman maiwasang mapangiti ng aking nakita kung sino ang rumehistro sa caller ID.


RAIN.



"Hello?" walang ganang sagot ko.

"Hi. You busy today?" bakit ba laging napaka cheerful ng boses mo?!

"Ahmm, hindi naman." Syempre nagpakipot ako niyan ng konti.

"Wanna watch some movie?" medyo kinikilig ako, promise.

"Sure." Papayag at papayag naman ako eh, basta ikaw.

"I'll pick you up at 1pm." Okay so may two hours ako para mag prepare.

"Okay, see you." then he ended up the call.

Bumangon ako mula sa aking kama saka tumungo sa bathroom. Na excite nanaman ako bigla.

After ko maligo'y dumeretso ako sa closet ko para mag bihis. Isang black skinny jeans, white plain sando at leather jacket and suot ko, tinernohan ko ito ng black rubber shoes.

Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko.

"Hindi niya kaya isiping inaakit ko siya?" tanong ko sa sarili ko.

Itinaas ko ng kaunti ang sando ko para takpan ang cleavage ko.

"Akalain mong meron ako neto samantalang di naman kalakihan dibdib ko."

Kinuha ko ang hair dryer ko saka pinatuyo ang aking buhok.

Nag bun na lamang ako ng buhok, wala lang. Gusto ko lang.

Ilang sandali pa'y bumaba na ako sa lobby.

"Dito ko nalang siya hihintayin."

Naupo ako saka kinalikot ang aking phone. 30 mins pa naman kasi bago mag 1pm.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon