I've been waiting for this day to finally happen. Sa wakas, after all the troubles I've been through this passed months. Finally, the lot is mine.
I am now having a conference together with the investors regarding the construction of the Hotel. Nasimulan na siya months ago, actually patapos na siya. Yung kapirasong lote nalang ang kulang to be converted into a Restaurant.
"So the construction of Regalian Regency Hotel is almost done. For the Restaurant, let's see if we can just renovate the Gallery to save time until opening." I said.
After so many days playing with Roya.
'Playing with Roya.'
"We want to be there during the ocular visit. We also want to see the actual plan of the Restaurant." Sabi ng isang investor.
"Well of course." But first I need to see my schedule.
After almost 6 hours of meeting and endless brainstorming, the meeting is adjourned.
I went to my office and sit at the swivel chair. I picked up my phone from my drawer and stare for a minute or two.
I don't understand but I have this sudden urge to hear Roya's voice. I want to hear the calmness of her voice.
Her soft skin and delicate lips, the way she blush and moan while we have sex.
'Have sex.'
Yes, it's just sex. Nothing special, I guess?
What I don't understand is how I feel pain when I saw her tears fall.
Am I falling for her?
I removed that thought from my head coz it sounds crazy.
I am in the middle of endless thinking when my secretary called.
"Sir, Your Mother is here."
"Send her in." I told her.
As usual, my Mom came rushing and gave me a hug.
"How's my dear Raphael?" she asked as if she is talking to the younger 'me'.
"I'm fine Mom, how about you and Dad?" I asked.
"We are both fine dear. I miss you, di ka nanaman umuuwi sa bahay." Then she pouted.
"Marami lang pong inaasikaso dito." I simply answered, ayaw ko lang humaba ang diskusyon.
"Oh! I heard you already got the Lot. I'm so proud of you dear." Just don't ask me how I got it please.
"Yeah." Actually I don't really know what to say when she ask how I got it. It makes me nervous.
"Oh! Why don't you have lunch with us? I just really miss you Son." Then she hugged me again. I know how clingy my Mom is, kaya ganito nalang siya sa akin ngayon dahil simula nang ikasal kami ni Roya ay hindi na ako nakauwi.
I have to act like a loving husband to Roya to get what I want.
'Did you?'
"Okay, I'll just clear my schedule this afternoon Mom." Then I ask my secretary to come in.
"Clear all my remaining schedules this afternoon. Move them tomorrow or the next day." I told her while fixing my things.
"Well noted Sir." She replied.
"Then kapag may naghanap sakin, you know what to say." I added.
"Yes Sir." She respond calmly.
"That's all." Then my secretary went outside.
"Ready Son?" I nodded and went out for lunch.
ROYA
Ilang oras na akong nakatingin sa kisame na tila ba may hinahanap. Naka higa ako ngayon sa kama at naghahnap ng gagawin.
Tapos ko na lahat ng gawaing bahay. Nakapag luto na din ako ng lunch ko.
Napabalingkwas ako ng matanaw ko ang sketch pad ko.
Kinuha ko ito kasama ng ilang pencils tsaka sinimulang mag drawing.
Noong una'y hindi ko mawari kung anong ido-drawing ko hanggang sa namalayan ko na lamang na dinodrawing ko nanaman si Rain.
Sa isang daang pahina ng sketch pad na ito'y halos kalahati ay imahe ni Rain. Hindi ko din alam kung bakit pero tuwing hahawak ako ng lapis ay siya ang nakikita ko.
Naalala kong wala nga pala kaming picture noong kinasal kaming dalawa.
Inimagine ko nalang ang itsura at suot naming dalawa nang araw na iyon tsaka ko pinagdikit.
Hindi ko manlang naalalang kumuha ng litrato sa pinakamasayang araw ng buhay ko.
'Ngayon ba, masaya pa rin?'- kapagkuwa'y tanong ng isip ko.
Tila gumuhit ng sakit ang tanong na iyon sa aking puso.
Masaya ako tuwing nasa tabi ko siya, kahit na nitong mga nakaraang araw ay tila umiiwas siya. Masaya pa rin ako kasi kasama ko siya.
Naninibago ako sa kanya pero mas nananaig yung pagmamahal ko.
Mahal ko si Rain, mahal na mahal.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko'y hindi ko na namalayan na natapos ko na pala ang drino-drawing ko.
Rain, wag mo akong iiwan ha.
Bigla na lamang tumulo ang luha ko. Parang hindi ko kakayanin kapag nawala siya.
Mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya, kaya pinagkatiwala ko sa kanyang ang Galleria.
Ang Galleriang inalagaan ko at pinagkatiwala sa akin ng mga magulang ko.
Ang Galleria......
..................Ang Galleria na naging talambuhay ko. Ang Galleria kung saan kami unang nagkakilala.
BINABASA MO ANG
Galleria
RomantizmFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...