Chapter 31

8 0 0
                                    

Nanlalamig, pinagpapawisan at kinakabahan ako nang makita ko ang resulta.

"T-wo l-ines." Unti unting nagsibagsakan ang aking mga luha habang impit na humihikbi.

Dahan dahan kong hinaplos ang aking tyan at pinakiramdaman ito ng maigi. Masaya ako sa biyayang ito ngunit hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanang ang mga nangyari kung sakali mang magtanong siya pagdating ng araw.

Paano ko sasabihin sayo?

Paano ko ipapaliwanag.

"P-atawarin mo ako anak kung sa iyong paglaki'y wala kang makagisnang tatay. Sorry." Saka ako biglang napahagulgol nang mag sink in sa akin lahat ng nagyari ilang linggo na ang nakakalipas.





...................................................

Unti-unti kong kinapa ang aking tabi. Malamig na ito at tila kanina pa siya bumangon.

Minulat ko ang aking mga mata saka ko ito nilibot sa buong kwarto.

Napabuntong hininga ako at itinuon na lamang ang aking tingin sa kisame.

Dama ko ang unti-unting pangingilid ng aking luha ng maalala ang nangyari kagabi.

Lungkot at takot.

Iyan ang makakapagpaliwanag ng nararamdaman ko.

Lungkot. Dahil hindi ko inisip ni minsan na tatratuhin ako ni Rain na parang isang parausan. Tuwing may nangyayari sa aming dalawa'y masuyo niya itong ginagawa ngunit kagabi'y ibang iba. Kung dati'y ingat na ingat siyang hawakan ako'y kabaliktaran naman ang nagyari nang nagdaang gabi. Damang dama ko pa ang sakit ng bawat hawak niya.

Takot. Dahil parang hindi ko na kilala kung sino siya. Matalim ang bawat tingin niya, tila ba paunti-unti akong nahihiwa. Ito ang unang beses na nakita ko ang ekspresyon na iyon sa kanyang mukha.

Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan at hapdi sa pagitan ng aking mga hita.

Unti-unti akong tumayo at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan.

Kapagkuwa'y napatingin ako sa salamin at tuluyan na akong napahagulgol.

Puno ng pasa ang aking braso at may kaunting bitak sa gilid ng aking labi. Pababa sa aking leeg ay may mga pulang marka. Napapikit ako, kagat ang aking ibabang labi'y pilit kong sinusubukang tumigil sa pag-iyak.

Pilit kong kinakalma ang aking sarili.

Pilit kong ipinagsisiksikan sa aking isip na baka may problema lamang siya o dahil ba sa late na akong nakauwi galing sa birthday ni Margo kaya siya nagalit ng ganoon sa akin.

Pilit kong kinukumbinse ang sarili kong huwag magalit sa kanya dahil mas matimbang ang pagmamahal ko kumpara sa galit ko.

Nabulag ako sa pagmamahal sa kanya dahil ayaw ko nang mangyari kung anong nangyari dati. Ayaw ko nang maiwan ulit, ayaw ko nang masaktan ulit.

Tila ako mababaliw sa mga posebilidad na mangyayari kung sakaling magpatangay ako.

"Baka mag-sorry din siya mamaya pag dating niya." Sabi ko sa sarili ko habang nakatanaw pa din sa salamin.

"Baka busy siya kaya di siya makapag text." Dagdag ko.

Tila ako isang baliw na kinakausap ang sariling repleksyon at pilit kinukumbinsi na huwag magalit sa kanya.

"Ipagluluto ko nalang siya." Muli kong sabi.

Nagdesisyon na akong maligo upang makapunta ako sa Grocery para bumili ng lulutuhin.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon