Chapter 18

8 0 0
                                    


Hawak hawak ko ngayon ang lapis at nasa harap ko ang isang malaking Canvas.

Pilit kong tinititigan bawat anggulo ng canvas at kung anong nais kong iguhit dito.

Nagsimula akong gumawa ng pattern tsaka ako lumipat sa paintbrush tsaka dinutdot sa kulay abong pinta.

Sa oras na mailapag ko ang paintbrush sa canvas ay nagtuluy-tuloy na ito na tila ba'y may sariling buhay.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahila'y unti-unti kong nilagyan ng ibang kulay at saka tinignan ang kabuuan ng painting.

Napangiti na lamang ako sa naging resulta nito.

'The Face of Love'

Biglang pumasok sa isip ko si Rain.

Si Rain ang nagbigay ng kulay sa akin mundong tila ba isang obrang monochrome.

Siya ang inspirasyon ko sa obrang ito. Isang abstract painting na tila ba mababanaad ang mukha ni Rain kapag titignan mo ito ng malapitan at matagalan.

Pininta ko ang senaryo nang una kaming magkita.

Sa harap ng Galleria kung saan kami nagkabunggo at kung saan nag umpisa ang lahat. Iyong araw na una kong masilayan ang kanyang mukha. Iyong araw na di ko akalaing magdudulot ng saya at bagong simula.

Naglinis na muna ako tsaka ako tumayo at lumabas ng studio.

Pumunta ako sa receiving area at tinignan ang log book.

Simula noong isang araw ay sasampung katao pa lamang ang nagpupunta dito. Hindi ko alam kung magiging sapat ba ito para makalikom ang pera pambayad sa utang ko sa bangko at pan tustos sa Foundation na tinutulungan ko.

Paano kung habang lumilipas ang araw ay pakonti ng pakonti ang taong magpunta rito. Paano kung dumating iyong araw na wala nang magpunta at tuluyan nang ipasara ng bangko ang Galleria. Paano na ang ala-ala nina Mama, paano ko matutulungan ang mga bata.

Ayaw ko sanang mag-isip ng kung anu ngunit hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilang mag-alala. Baka sa huli'y pati condo ko'y maibenta ko na din. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Isa-isa kong tinignan ang aking mga paintings na nakasabit sa ding ding ng Galleria.

Habang tinitignan ko ang mga paintings na ito'y tila nananariwa ang lahat sa akin. Tila binubuo ako ng bawat obrang gawa ko.

Mahal ko ang mga ito at parte sila ng buhay ko.

Tila ba isa akong jigsaw puzzle at ang mga paintings na ito ng ang nagsisibing mga pyesa para mabuo ang isang obra. Kapag nawala ang isa, hindi mabubuo ang isang imahe.

Tinuon ko ang aking paningin sa isang painting. Tila ba bumalik sa akin ang lahat lahat ng nangyari.

Kung kailan ang araw na dapat pinakamasaya ay nagsilbing trahedya at bangungot sa akin.



"Mommy. Please let me finish this one first." Nagmamadali kong pinagtagpi tagpi ang mga kulay sa aking canvas.

Kanina pa kasi ako pinagmamadali nina Mommy at Daddy.

"Please Mommy. This is my gift to you kaya you should not see it at dapat matapos ko na ito kaagad." Kaunti na lamang. Konting kulay dito...... at shadow Doon.........

"DONE!" sobrang saya ko nang matapos ko ang painting. Dinaig ko pa ang isang taong nanalo sa loto.

"Okay. Let me see it." Nasa harap ko na ngayon si mommy na handang handa nang umalis.

Napaka ganda niya ngayong araw na ito.

Nakasuot siya ng puting off-shouldered dress na tila ba sumusunod sa bawat galaw niya ang tela. Tinernuhan niya ito ng white high heels. Naka beach waves din ang kanyang buhok at light make-up.

Unti-unti siyang umikot papunta sa aking tabi saka tiningnan ang painting.

"Roya." Tila ba hindi makapagsalita si Mommy sa kanyang nakita.

"I'm speechless. It's so beautiful." Tsaka ko nakita ang mga butil ng luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

"What's happening here?" masuyong tanong ni Daddy sa aming dalawa habang dahan dahang humahakbang papunta sa direksyon namin.

Tila na estatwa silang dalawa sa kanilang nakita.

Dahan dahan nila akong niyakap pareho.

"Thank you baby." marinig ko lang na masaya silang pareho sa ginawa ko'y napaka halaga na sa akin. Masaya ako't nagustuhan nila ang munting regalo ko sa Anniversary nilang dalawa.

"It's perfect." Sabi nila pareho.

It was a portrait of them. Mommy is seating and Daddy is standing next to her with his hands wrap around her waist. It was so wonderful, so perfect, and magical.

But it was all just a distant memories now.

They were taken away from me. Forcibly without any warnings.

I miss them both. I hung the painting at the corner of the Galleria and I always visit it whenever I feel so alone.



........................ "My Guardian Angel."

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon