"Mommy... When I grow up, gusto ko maging painter." Nasa swing ang bata habang tulak tulak ito ng kanyang ina.
"I want to paint people's smile and happy faces." Dagdag niya.
"You can be what you want to become Baby. Just believe in yourself." Tsaka siya niyakap patalikod ng kanyang ina.
"I love you my little star......... Tala."
Iyon nanaman.
Pawis na pawis akong dumilat.
Ilang gabi ko na bang napapanaginipan ang scenariong iyon.
"Roya hija." Katok ni Manang.
"Gising na... Naghanda ako ng makakain."
Tumingin ako sa wall clock ko. Alas nueve na ng umaga.
Bumangon ako at nag nagpunta sa aking banyo upang mag toothbrush at mag hilamos saka ako lumabas ng kwarto.
"Morning po Manang." Bati ko nang makita ko siya.
"Magandang umaga din hija. Lalabas ka ba ngayon?" tanong ni Manang.
"Opo, sa Galleria lang po." Sagot ko saka ko inabot ang sinangag.
"Hala sige, kumain ka ng marami." Saka niya nilagyan ng prinitong itlog at bacon ang plato ko.
"Thank you po Manang." At itinuloy ko na ang pagkain.
Pagkatapos kong kumai'y nagtungo agad ako sa banyo upang maligo.
Nang handa na ako't tapos nang gumayak ay nagpaalam muna ako kay Manang saka tinungo ang Galleria.
Kailangang matapos ko na ang hindi ko natapos noong isang araw sa kadahilanang lumabas ako. hay!
Nakasakay ako kaagad nang jeep at himala, walang traffic ngayong araw na ito kaya naman mabilis akong nakarating sa Galleria.
Pagkababa ko'y pumasok ako kaagad sa pinto sa may gilid ng Galleria.
"Good morning ho Kuya." Bati ko sa caretaker slash taga bantay slash tagapangasiwa ng Gallery.
"Good morning din po Ma'am." bati niya rin sa akin.
"Kamusta naman po dito Kuya?" tanong ko sa kanya.
"Maayos naman po ang lahat Ma'am, stable naman po ang Pinansyal natin at may maibibigay ho tayo sa Orphanage sa susunod na buwan." Sagot niya sa akin.
Bukod sa Entrance fee ng Galleria ay tumatanggap din kami ng bookings ng small events dito. May kaluwangan din kasi ang Galleria at pwedeng maging venue ng maliliit na parties etc.
"Mabuti naman po kung ganoon Kuya."
"Siya nga po pala Ma'am. May isang babaeng nagpunta dito noong isang araw. Gusto niya hong bilhin iyong painting niyong 'Merry-go-round', pero sabi ko ho hindi ipinagbibili ang mga paintings dito."
Ang painting kong Merry-go-round ay ang mga bata sa Bahay Kalinga. Anu mang saya ng kanilang mukha sa painting na iyo'y natabunan ng lungkot dahil sa kulay na ginamit. Tanda ng mga kwento sa likod ng kanilang mga ngiti.
"Salamat kuya ha. Kapag may problema, sabihin mo lang sa akin." Ani ko.
"Sige po Ma'am." saka ako nag paalam kay kuya at nagpunta sa aking maliit na studio sa loob ng Galleria.
Buwan buwa'y nagpupunta kami sa Bahay Kalinga upang mamigay ng tulong Pinansyal sa mga bata. Ang naiipon namin sa Galleria ay napupunta roon.
Minsa'y kasama ko sina Margo at Chaya kapag bumibisita roon.
Nakagawian na kasi namin iyon simula pa noong bago pa lamang kami naging magkakaibigan.
Kaakibat kasi ng Galleria ko ang pangangalaga sa Bahay Kalinga. Iyon kasi ang kabilin-bilinan sa akin ni Daddy dati.
"Roya, hindi lamang dapat ang Art Gallery ang alagaan mo, pati na rin ang foundation at ang pinakamahalaga. Ang sarili mo."
Iyon ang sabi niya sa akin dati kaya naman hanggat kaya ko'y inaalagahan kong mabuti lahat ng iniwan nila sa akin.
Umupo ako't sinimulan ko nang ipinta ang nais kong ipinta noong nakaraang araw.
Nilagyan ko ng paint ang brush tsaka ko sinimulan.
Tila ba may sarili itong buhay. Tuluy-tuloy ang aking pag pinta hanggang sa hindi ko namamalaya'y tapos na pala ako.
Natapos ko na siya.
Kinuha ko ang pinakamanipis na brush at nilagyan ng paint tsaka nagsulat sa ibabang parte ng canvas.
.........................................................'through his eyes... lies'/ Ayoraiva.

BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...