Dalawang buwan na ang nakakaraan simula nang maging kami ni Rain. Nandito kami ngayon sa isang Art Museum. Tinanong niya kasi ako kahapon kung saan ko gustong mag celebrate ng monthsary naming dalawa.
Noong sinabi kong 'kahit saan'. Sinundo niya ako kanina at dinala rito.
"Babe, they have a great pottery there." Tsaka niya ako hinila papunta sa Pottery area. Para siyang isang batang nakawala sa lungga. Imbes na mainis ako sa kakulitan niya ay mas natutuwa ako dahil sobrang energetic ng boyfriend ko pagdating sa arts.
"Mahilig ka din pala sa Art." Saka ako napangiti.
"Kaya nga nabunggo kita diba, coz I'm on my way to Aiva Galleria." Sabi niya habang tila sinusuri ang isang Jar na may iba't ibang pattern.
"You know baby, someday I want to meet the person behind Aiva Galleria. Those arts were exceptional. But you know what I hate about the painter's style? The colors. It's monochromatic. And it's frustrating me." Bigla naman akong nanigas sa sinabi niya. Nalungkot ako ng kaunti dahil hindi ko inakala na ganoon pala ang tingin niya sa mga gawa ko. Pero syempre, aminado naman ako sa mga paintings ko.
Tumango tango na lamang ako dahil sa totoo lang, hindi ko din alam kung anong sasabihin ko.
"Do you think the painter is selling his/her works?" saka sya tumingin sa akin and curiosity is written all over his face.
"I-I don't think so?" nauutal kong sagot.
"Bakit naman?" he looks at me as if super curious niya.
"Maybe he/she made those paintings as part of her/his life already?" maramahan kong sagot.
"The painter is being selfish though." Tila ako nanlamig sa kanyang sinabi. Mas pinili ko na lamang manahimik.
Nagikut-ikot pa kami nang kaunti sa Museum tsaka namin napag desisyunang mag punta sa ibang lugar.
Hindi niya sinabi sa akin kung saan kami pupunta. Basta pagka sakay ng kotse niya'y pinaandar niya na lamang ito tsaka nagmaneho.
Pasulyap sulyap ako sa kanya habang nagmamaneho siya.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y sobrang safe ko tuwing kasama ko siya. Buong buo ang araw ko kapag nandiyan siya sa tabi ko. Wala na akong ibang mahihiling pa, siya na nasa tabi ko'y sobrang sapat na.
"Don't stare at me like that Babe or else I'm gonna kiss you right here." Punung puno ng pagbabanta ang kanyang boses.
Nag iwas ako ng tingin ngunit ramdam na ramdam ko ang bahagyang pag-init ng aking pisngi.
"And now you are blushing. I'm not doing anything yet Babe." Then he chuckled.
Hindi ako nagsalita dahil hiyang hiya talaga ako.
Isinandal ko na lamang ang aking ulo sa may bintana at dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata.
Bagamat masaya akong kasama si Rain ay hindi ko maiwasang mangamba. Minsan kapag ipinipikit ko ang aking mga mata'y tila bumabalik ang mga ala-ala.
Ala-ala ng likuran ng mga taong iniwan ako at likod ng taong unang nagpadama sa akin kung gaano kasakit magmahal.
Sana'y hindi na maulit ang dati.
.....................Rain, Wag mo akong iiwan ha.
BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...