Isang linggo matapos ang proposal ni Rain ay inayos namin ang lahat ng mga kailangang ayusin para sa kasal. Napag desisyunan namin parehong mag Civil Wedding nalang muna. Hindi naman sa pagmamadali pero sabi nga niya, "Ano pa bang hihintayin namin kung nakahanda naman na ang lahat." Which is may point naman siya dun.
Tanging si Chaya, Margo at Manang ang sinabihan ko tungkol dito. ngunit sa kanilang tatlo'y si Chaya lamang ang makakapunta.
Kasalukuyan pa kasing nasa honeymoon sa New Caledonia si Margo samantalang nasa probinsya naman si Manang para umattend sa Graduation ng kanyang panganay na anak.
Nakausap na niya ang kaibigan nyang Judge na magkakasal sa aming dalawa sa susunod na araw.
Walang mapagsidlan ang excitement ko dahil sa wakas, hindi na ako mag-iisa. Sa wakas ikakasal na ako sa taong mahal na mahal ko.
Alam kong kakakilala lamang naming dalawa, but we have eternity to know each other more.
Ngayo'y sinamahan ako ni Chaya sa isang Bridal shop upang maghanap ng simpleng bridal dress.
Mag-iisang oras na din kaming naghahanap pero tila ba napaka ilap ng damit na babagay sa akin.
Sa maluwang na pasilyo ng shop kung saan nakasabit ang iba't ibang puting cocktail dress ay nagtungo ako. Umaasang mahahanap ko ang dress na para sa akin.
Doon ko nakita ang isang cocktail dress. Kulay Beige siya na V neckline kung saan medyo nakalitaw ang cleavage ng mag-susuot. May lace sleeve siya na open. Mukha siyang bohemian vibed na dress.
Kinuha ko ito tsaka isinukat at napangiti na lamang ako sa nakita ko. Ang ganda niyang tingnan kapag nakasuot.
"Chaya, I found it." Titig na titig ako sa salamin habang naka harang pa din nag kurtina sa dressing room ng shop.
"Let me see." Sabi ni Chaya.
Unti-unting binuksan ng sales lady ang kurtina at pareho silang napangiti.
"Ewan ko nalang kung di tumulo laway sayo niyang mapapangasawa mo." Natatawang sabi sakin ni Chaya.
"Ang sexy mo girl?!" bulalas niya habang tila sinusuri ang dress na nakasuot sa akin.
"Binibiro mo nanaman ako eh." Nakangiti kong sabi.
"Sira, Ang ganda mo. Promise." Nakangiting tugon ni Chaya.
"Then ilagay ko lang ito ma'am para makita niyo yung kabuuan."
Sabi ng Sales Lady.
Nilagyan niya ng clip yung side ng hair ko then may pinatong siyang isang may kalahihang white na flower clip.
"Ang Ganda ganda mo Roya, sobra." Muling puri sa aking ni Chaya na ngayo'y titig na titig sa akin.
Tinernuhan ko ang aking damit ng 3 inches sandals na may floral lace na design at konting shimmer.
Nagbihis ako't nag bayad sa counter tsaka namin napag desisyunan ni Chaya na kumain na muna dahil ang dami naming nilakad kanina.
Sa isang Italian Bistro kami kumain. Umorder kami ng Pasta na sobrang paborito naming magkakaibigan at tig isang baso ng Pineapple Cucumber Juice.
"Roya, ikakasal ka na't lahat lahat. Hindi ko pa nakikita yang mapapangasawa mo." May bahid ng pagtatampo sa boses ni Chaya.
"Mamemeet mo din sya Chaya. Sa mismong kasal nga lang, pero at least mamimeet mo." Saka ako humigop ng Juice.
Ngayong araw ay mailap ang message or call na natanggap ko galing kay Rain, pero baka busy lang siya kaya hindi nakakapag text o tawag.
"Nga pala, ang bilis ng construction sa tabi ng Galleria no. patapos na siya." Kapagkuwa'y sabi ni Chaya.
"Oo nga eh. Kala ko nga Residencial or commercial building lang yun. Hotel pala siya." Sagot ko sa kanya.
Almost 7 months nang may construction sa tabi ng Galleria. Nakakapagtaka nga't nagsaraduan iyong paborito naming book shop sa tabi at karatig nitong candy shop. Wala na tuloy kaming nabibilhan ni Chaya ng paborito naming cotton candy.
Malaki-laki iyong construction kaya naman inakala kong residencial o commercial siya since mukhang ang dami niyang kwarto, hindi ko naman lubos maisip na Hotel pala ito.
"Kaya nga eh. Infairness, maganda at Malaki. Pang mayaman na hotel girl. Malay mo, kapag natapos yung hotel yung mga guest nila dun pwedeng pwedeng mamasyal sa Galleria. Dadami ulit ang tao dun." Napa-isip nga naman ako sa sinabi ni Chaya. Oo nga naman, pwede silang magpunta sa Galleria. Opportunity din yun para sa Galleria.
"May point ka. Ang galing mo dun banda." Sagot ko sa kanya.
Then she flipped her hair.
Napangiti ako tsaka muling sumubo ng pasta.
"I am so happy for you."
Kapag kuwa'y sabi ni Chaya. Alam ni Chaya kung gaano ako kailap bago ko nakilala si Rain kaya masaya akong malaman na masaya siya para sa akin.
Tsaka tumulo ang kanyang luha.
.....................Luha ng kasiyahan para sa kaibigang puno ng pait at lungkot ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...