Hindi ko pa rin lubusang maisip na iyong lalaking nabangga ko ilang linggo lang ang nakakalipas ay boyfriend ko na ngayon.
Siguro'y masyadong mabilis ang isang buwan na pagiging magkakilala namin. Pero sinugal ko pa din, dahil umaasa akong sa pagkakataong ito'y iyong lalaking pinagbigyan ko ng puso ko'y siya rin iyong lalaking mag-aalaga at magpapahalaga nito.
Sumugal nanaman ako at pinapanalangin kong sana hindi na sa maling tao.
"Roya, tignan mo nga kung babagay." Nabaling ang atensyon ko kay Margo na hawak ang dalawang relo.
"Kanina pa ako dada ng dada dito, di mo naman ata ako pinapansin." Mangiyak ngiyak niyang sabi.
"Ikaw talagang buntis ka, kung anu-anong iniisip mo." Sagot ko sa kanya.
"Ito, simple lang siya pero may dating." Sabay turo ko sa hawak niyang gold plated na relo.
"Sa tingin mo magugustuhan niya to?" kunot noo niyang tanong sa akin.
"Kailan ba niya hindi nagustuhan iyong mga bagay na nanggaling sa iyo?" balik tanong ko kay Margo na halatang hirap na hirap sa pag pili.
"Alam kong tatlong beses ka palang nag bigay ng regalo sa kanya. Ni isa ba doon, nakita mong na disappoint siya?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Mag dadalawa pa lang Roya. Iyong limited edition na fountain pen na kinababaliwan niya tsaka itong relong ireregalo ko sa kasal namin." Paliwanag niya habang nakakunot noo.
"Eh anong tawag mo diyan sa nasa tyan mo? Hindi ba't regalo." Sagot ko.
Napangiti siya sa sinabi ko at binili ang relong kanina niya pa iniisip kung magugustuhan ng mapapangasawa niya.
Siguro, pag dumating ang araw. Magiging ganyan din ako kasaya. Una'y ikakasal ako sa pinakamamahal ko, at pangalawa'y makakasama ko siya habang buhay.
"Roya nasaan ba si Chaya? Kahapon ko pa siya di nakikita." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Margo. Ni isang text o tawag, wala kaming nareceive mula sa kanya.
"Akala ko alam mo kung nasaan siya?" balik tanong ko sa kanya.
"Hindi." Inosente niyang sagot.
"Sinubukan ko ding tawagan kaso out of coverage siya." Dagdag niya.
"Sana okay lang siya kung nasaan man siya." Hindi naman unang beses ginawa ni Chaya ito ngunit hindi ko pa din maiwasang mag-alala.
Nagtungo kaming dalawa sa isang restaurant upang kumain dahil gutom na gutom na kaming pareho.
Umorder ako ng Rice meal dahil hindi ako nakakain kanina bago umalis samantalang Fruit platter naman ang inorder ni Margo dahil ayaw niya daw mag mukhang sobrang taba sa kasal niya. Hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan niya at kung hindi mo siya kilala'y hindi mo mahahalatang buntis pala siya.
Pagkatapos naming kumai'y nagtungo na ako sa bangko para asikasuhin ang hihiramin ko. Kailangan ko na kasing makabayad agad. Ngunit kailangan ko ring isipin kung paano ko mababayaran ito.
Naalala ko ang sinabi ni Kuya na marami ang gustong bumili ng paintings ko ngunit ayaw ko. Hindi ko sila kayang ibenta. Dahil bawat isa sa kanila'y mahalaga para sa akin.
Maayos naman lahat at pumayag naman sila. Ngunit natakot ako sa pwedeng mangyari kung sakaling hindi ako makabayad sa takdang oras o palugit na ibinigay nila lalo pa't may kalakihan ang interest ng pinahiram nila.
"Papahiramin ka namin ng halagang gusto mo pero kapag hindi mo nabayaran hanggang sa tinakdang deadline, pwede naming ipasara ang property mo at iyon ang magsisilbing pambayad ng hiniram mo."
Natatakot ako sa posibilidad na mawala ang Galleria sa akin. At nangako akong aalagaan ko ito. Kahit anong mangyari.

BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...