THIRTY THIRD

799 13 0
                                    


THIRTY THIRD

KASALUKUYAN kong napag pasyahan na kitain ang magulang ko kasama si KC. Hinihintay ko sila ngayon sa isang resto, gusto ko sana doon sa pinag tatrabahuhan namin kaso wag na lang kasi privacy na rin para sa amin. Medyo kinakabahan pa rin ako kahit papaano, nasa may kabilang mesa lang naman si Carlo gusto ko muna kasi kilalanin nila ako at saka ko ipapakilala ang mahal kong to. Panay ngiti lang ito sa akin na para bang hinihikayat ako na wag kabahan.

"Hey. Fighting! Pamilya mo yan for sure maiintindihan ka nila. Nandito lang naman ako." lumapit ito sa akin kasi hindi rin siya mapakali katulad ko. Bago ito umalis hinalikan ako nito sa noo at ginulo ang buhok ko kaya umangal naman ako. "Inayos ko na buhok ko guguluhin mo pa"

"Bat ang sungit mo? I love you, kinikilig na yan. Tawa na yan" pinipigilan kong hindi kiligin kasi pipikonin na naman ako nito. "Pere ke nemeng tenge" pag papabebe ko dito. "Dun ka na nga!"

Nginitian ulit ako nito nang maka upo ito sa upuan niya. Napatingin ako sa pinto ng may pumasok at nang tinignan ko ang mga mukha nito si KC ito at ang nanay niya. Kumaway ako para makita nila ako. At sa huling pag kakataon bago ko kausapin sila tiningnan ko ulit at nginitian si Carlo. Lumapit na rin naman ang mag ina ng masaya.

"MANO PO" magalang kong bungad sa nanay niya. "Upo po kayo" tiningnan ko ulit si Carlo at tinaasan ako nito ng kilay sabay ngiti. Onting kaba na lang ang naramdaman ko ng ngitian ako ng nanay niya. "Yve hija kilala mo ako?" tanong ng nanay niya. "Ma, siya si Yvette. Ang nawawala mong anak na aalala mo pa ma?" paliwanag ni KC. Nauna ko kasing pina alam sa kaniya para din mas makuha niya ang buong kwento. At sabi niya rin sa akin na naikwento niya na rin sa mama niya. Tinanong ko rin siya about sa papa niya pero hindi kami pareho ng tatay.

"Anak Yve" niyakap ako nito ng mahigpit.

"May mga gusto po akong itanong. Na saan na po ang tatay ko? Bat mo po ako ipinamigay sa mali ko pang magulang? Hindi ko naman po kayo sinisisi pero gusto ko lang po maliwanagan" tiningnan ako nito ng malalim na para bang kinikilatis ako ng mabuti. "Ang tatay mo ay kaibigan ni Klark. Sorry anak kung ipinamigay kita ha. Natakot ako sa mga panahong iyon. Wala akong trabaho kaya naisipan kong ibigay ka na lang sa mga Alarcon pero nag sisi ako anak mali pala ang nagi kong desisyon." naiyak ito habang nag kwekwento.

Alam ko naman na kahit sinong ina hindi kayang mawala ang anak nila, nagawa lang naman nila ang bagay na iyon dahil nga takot sila o ayaw nilang pag sisishan. Kaya na iintindihan ko ang nanay ko.

"Hinanap kita, maniwala ka man o hindi. Gustuhin ko man na bumalik sa nakaraan pero wala na rin naman akong magagawa nangyari na ang dapat. Pero ngayon na andito ka na gusto kong humingi ng tawad at sana mahalin mo rin ako...anak" hinagod ni KC ang likod ng mama namin. Oo mama namin at mag kapatid kami ate niya ako kasi 2 years gap kami. Nilapitan ko ang dalawa at nakiyakap din. "Okay lang po iyon. Ang mahalaga po ay kung ano ang ngayon...mama" hinalikan ko ito sa noo. "KC at mama sa inyo ko na po sana balak tumira. Pwede po ba?"

"Oo naman...ate" natawa ako sa tawag sa akin ni KC. Pero totoo naman eh ate niya talaga ako. "Wag mo na nga akong tawaging ganyan. Para naman tong" natawa din si KC pati si mama. "Ah. Bago ko pala po makalimutan may papakilala po ako sa inyo" hinanap ko si Carlo mukhang nawala sa inuupuan niya eh. At yun pala andoon siya nag oorder mukhang naguton kakahintay. Kaya nilapitan ko ito. "Teka lang po"

"Hoy halika na!"

"Lagay mo na lang doon ha! Sa may, basta doon o tawagin mo na lang ako. Siguro tanda mo rin ang gwapo kong mukha" inirapan at tinaasan ko ng kilay ang babaeng kausap niya. Selos ako bakit ba!

"Halika na sabi eh"

"Nag mamadali lang ha? Selos ka no?" ano sa tingin niya? Tanga tanga naman to oh. "Ayy hindi hindi. Malamang oo tangina ka!"

"Uhmm... ma, KC si ano pala..." para naman kasing tanga ang mukha nito. Gwapong gwapo sa sarili. "Si Carlo Valencia po boyfriend ko" nakipag kamay siya kay KC at nag mano sa mama ko. Wow ha ang galang niya. "Magiging manugang niyo po" siniko ko ito na ikinatuwa naman ng dalawa. "Sabi na nga ba eh. Siya yung nag hatid sa iyo sa trabaho mo. Pa tangi tangi ka pa na hindi si ate talaga" grabe advance mag isip? Sa bagay matagal ko na rin naman siyang sinagot simula pa noong nag kita kami kasama si Clo sa bahay ng peke kong magulang.

"Oo na tama ka na"

"Hijo. Alagaan mo tong anak ko ha! Pag sinaktan mo ito papabuhayin ko ang asawa ko para bugbugin ka" pag babanta ng mama ko. Asawa? Wait? May asawa siya? Sa bagay nagka anak nga ulit siya di ba.

"Hindi po iyon mangyayari tita, trust me aalagaan ko anak niyo"

NAG USAP usap muna kami ni KC habang nag uusap din ang dalawa. Natatawa na lang kami bigla ni KC pag nag mumukhang ewan si Carlo sa sinasabi ni mama. Ang saya ng araw na ito para kaming isang pamilya na masaya. Nag kwento kwentuhan muna kami ni KC. "So, KC talaga pangalan mo?" tanong ko dito, syempre ate niya ako at curious lang din ako.

"Hindi actually Kristin Chanel Perez ang pangalan ko. You know ate nag asawa ulit si mama di ba? And his name is Martin Perez. At na kwento ko na rin sa iyo di ba na matagal na siyang patay at sana wag mo na itong mabanggit pa kay mama. Kasal naman sila." mahabang paliwanag nito. Ang ganda naman ng pangalan ng kapatid ko kakainggit siya. Pero papatalo ba naman ang isang Yvette? Syempre hindi. "Pwede bang tawagin na lang kitang Kris? Or Tin?" super common na kasi ang pangalang 'KC' para sa akin lang naman.

"Okay lang naman ate"

"Wag mo na akong tawaging 'ate' feeling ko tuloy ang tanda ko na" ayoko kasi tinatawag ng ganoon. Natural naman na tatanda tayo pero di pa ako ready eh. Marami pa akong gustong gawin. "Ano pala?"

"Pwede na rin siguro ang Yve, Aerish, o kahit ano pa basta dont just call me 'ate' okay?" tinaguan naman ako nito. Napako ang tingin namin sa dalawang masaya pa rin na nag uusap. Mukhang matatagalan kami dito ah. Kaya nilapitan na namin ang dalawa. "Ma." salubong namin sa dalawa. "Ma, uwi na po tayo. Kasi iinom pa kayo ng gamot" ani ni Kris. Oo na kwento niya na rin sa akin na may sakit ang mama namin. May breast cancer ito at salamat sa Diyos na naagapan ito. Hindi naman malala ang sakit ng mama. Pero may kaba pa rin ako, syempre kakakilala ko pa lang nga sa kanya tapos malalaman ko pa na may sakit na pala siya. Gusto ko ngang bumawi sa kanya eh.

"Ma. Sige na po uwi na kayo ni Kris. Aayusin ko muna po mga gamit ko tapos uuwi na po ako sa bahay. Babawi po ako. At ako naman po ang nag aalaga sa inyo. Isasama ko na rin po ang magiging manugang niyo" at yun. Natawa na naman ang mama. Gusto niya talaga maging manugang si Carlo.

"Opo tita. Sasama ako kay Yve"

Nauna na silang lumabas nag take out na rin muna ako ng makakain nila habang wala pa ako doon.

"What a beautiful day" I let out a deep breath. I was really happy today, I cant name the happiness I am feeling right now. Its all worth it. I just spent days, or weeks, finding my true family but in just one smile from them I am relieved.

Its true that family cant leave our side no matter what. And now that I found them I will never leave them, no matter what happens. Family is the biggest treasure you can treasure in your whole life. And they will be the first person/s who will accept us how bad or worst we are.

Captivated by Foxy Lady [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon