FOURTHISANG malamig na hampas ng hangin ang nag pabangon sa mahimbing kong tulog. Weird! Tirik na tirik ang araw tapos may hahampas sayong napakalamig na hangin. Yung aircon? Imposible. Nasa tamang lakas lang ito. Fuck. Nakalimutan ko na. "Sorry lola at lolo." pabulong kong sambit. Alangan naman sumigaw ako edi anong iisipin nila nanay at tatay. Natulog lang ako pag gising ko baliw na ako. Hay nako!
Anibersaryo ng kasal ng lolo at lola sana naman pumunta dito si nanay Vicky miss ko na rin kasi ito. At matagal ko na ng huli ko itong makita kasama ang apo nitong napakaganda na si Deserie.
Bumaba ako sa kwarto ko dahil may naamoy akong pamilyar sa akin. Dumako ako sa kusina at nandoon si manong Karding busy sa pag hugas ng mga bagong ani niyang gulay. Nag tataka ka no? Kung bakit manong pa din ang tawag ko sa kanya. Ayaw niya daw tawagin tatay nakakatanda daw bata pa kasi siya.
He was only 39 years old, at di pa daw siya señior. Laugh trip talagang kasama si tatay Karding no. Nag susuklay akonng magulo kong buhok at nag tanong. "Tay! Asan yung amoy na yun?"
Kunot noo itong humarap. "Hindi pa ako tatay Aerish." saad nito. Tinuro niya ang garden kung saan nag sisimula ang mabangong amoy. Mapapikit ako sino kaya ang nag luluto? Sigurado ako na napaka sarap niyan. My ghad. Kinumos ko ang mata ko. Totoo. Si nanay Vicki ang nag luluto ng paborito ni lola na kare-kare.
Hindi pa ako nag mumumog pero mabilis kong tinungo ang direksiyon nito. Namiss ko talaga si nanay Vicki. "Nay na miss ko po kayo." ani ko na may mga butil ng luha ang tumulo sa pisngi ko. Pinahid naman iyon ni nanay. They just hate seeing me cry. "Nay si Des di niyo po kasama?" tanong ko agad nitong tinuro ang apo niya. Napakaganda talaga ni Des. Kung titingnan mo ang mag lola halos mag ka mukha na ito.
"Aerish pupunta din daw dito ang isang ko pang apo." ani nito habang nakatutok pa rin sa pag luluto ng kare-kare. Sino? Gwapo ba? Haha Yvette bad! "Sino po?" pinilit kong hindi matawa baka makahalata sila. Baka isipin nito hagok ako sa lalake. Yvette wag ganun.
"Si David. Gwapo din yun. Ilalakad ko sayo ang apo ko." binanga pa ni nanay ang balikat ko. Eto ang namimiss ko, na matagal ko nang hinahanap hanap.
"Nay naman... wag naman kayong ganyan..." natatawa tuloy ako. Ilalakad? Di ba pwedeng itakbo? So ano ako nay? Candidate number 1 sa pagiging jowa ng apo niyo? No way. Kahit ayaw sa akin ni Clover 'the pangit ang ugali' mahal ko pa rin yun. He first caught my eyes and heart. He must give it back. My heart and the way I see him. Pero gusto ko rin makilala si David. Haha! Lagot ka diyan Yvette, kinikilig ata tayo.
Joke lang kay Clover pa din kakalampag. Kay CEO Clover Klein Gonzales pa rin din ako kakalampag. Haha joke lang nababaliw na ako sa isang taong di naman ako mahal in short manhid tangina.
Tumungo muna ako kwarto para mag ayos at maligo. Simpleng okasyon lang naman ito pero gusto kong maging engrande. Nag suot ako ng pantalon it was black and my oversized white shirt.
I also informed nanay, tatay, and manong Karding about what I want. I want it to be special as always. Pag katapos ko ng lahat lahat. Inayos ko ang salas. Nag linis ako, nag palit ako ng balot ng mga furniture at inayos ko ang lamesa na pwedeng pag lagyan ng mga pagkain.
Tapos na ako sa pag aayos sa loob ng bahay. I tied my hair up, it was a messy ponytail. Sabi kasi sa akin ni lola messy hairs fit for me. Nakita ko ang sinasabi ni nanay Vicki na David. Yeah literally he was handsome but he looks like a playboy. He is wearing a polo, a black pants and a shoes of course. Pupuntahan ko sana ito ng hilahin ako ni nanay Vicki. This boy looks so young. I think he was just twenties the same as mine.
"Aerish this is my grandson." inilahad ni nanay Vicki ang kamay ko sa apo niya. Shemay nakakahiya buti na lang at nakipagkamay ito. "David Raphael Columbus" masayang pag papakilala nito. Fuck bat ang gwapo mo kuya kahit basang basa ka na ng pawis. How hotttt. Hay nako Clover may tatalo na ata sayo.
"Aerish Yvette Alarcon. Nice to meet you Sir Columbus" pormal kong pag papakilala. "Ewan ko sayo Aerish wag ka na mag tawag ng sir sir na yan. Call him David or Raph." inis na sambit ni nanay. Natawa lang kami pareho. "Nakakatuwa talaga si nanay no!" nang makaalis si nanay nanatili pa rin ito sa ginagawa niya samatalang ako naman ay naka tayo lang pinag mamasdan ito. Na parang may masamang balak. Haha, nakakatuwa lang. Medyo ilang pa akong kausapin siya, syempre baguhan ko pa lang naman siya nakilala. "Masayahin ata yan si lola. Kaya naman nainlove diyan si lolo" natawa ito sa pinag sasabi niya.
Weird din pala itong tao. Pero masaya itong kasama hindi boring. Sana naman hindi ako mailang dito.
Umalis muna ako doon parang ilang siyang kumilos. Nahihirapan ito sa pag balik ng pritong isda. Mukhang di ata siya sanay sa ganon. Baka CEO din siya. Ano ka ba naman Yve puro na lang CEO ang tinitira mo. "Tulungan na kita diyan mukhang nahihirapan ka." nanguna na ako. Baka mapitikan pa ito ng mantika papangit ang maganda nitong kutis. Napakamot lang ito sa ulo niya. Mukhang nahihiya. "Ang sweet niyo." sabay kaming napalingon sa ang salita. Si nanay Vicki ang nag sabi. "Nay naman." halos sabay kaming nag salita.
"Gusto mo ba siya David?" tanong ni nanay Flora. Para bang suportado nila kaming lahat. Alam kasi ni na nanay Flora at tatay Jovil ang kalakaran kung paano mag palaki ng anak o apo si nanay Vicki. "Uhmm...ano po kasi...ahm may girlfriend na po ako" nag dadalawang isip nitong sambit. The fuck. Masakit din. Bat ba? Tangina. Paasa to si David. Gago naman kasi ako bat naman ako aasa? Putek ka talaga Yve.
"Oo kilala ko din siya hija. Siya si Pauline. Matagal na itong kaibigan ni David, hangang nahulog ang loob ni David kay Lyn. Apat na taon na silang mag kasintahan. Maganda at maayos ang pakikisama ni Lyn sa magulang niya." ani ni nanay Vicky. Nakakasama naman ng loob. Bat parang nanliliit ako sa sarili ko. Parang dinudurog nila ako pababa. Dahil ba wala akong kasintahan? At iniisip nila na ang pangit ng ugali ko dahil sila lang ang may kayang tumanggap sakin?
"Ok lang naman po." yumuko ako sa harapan nila. "Wag kang mag alala David dahil wala naman akong balak sirain ang relasyon niyo na matagal niyong inigatan." pumaharap ako kay David at yumuko. May mga luhang namumuo sa mata ko at di ko malipaliwanag ang dahilan. Bakit ba ako iiyak? Matapang ka Yve diba? Pero masakit parang nanliit ako.
Tumakbo ako patungo sa kwarto. Naririnig ko ang mga sinasabi nila na para pang naguguluhan sila, kung bat ako nag walk out.
Pataas pa lang ako sa hagdan tumulo na ang mga luha ko. Nanliit ako lalo. Paulit ulit kong sambit sa sarili ko. Kala ko ba mahal nila ako at tanggap nila ako, pero bat ganon? Maganda at maayos naman akong makipag usap pero iba kasi akong tao. Kapag maayos ang pakikipag usap sa akin ganon din ako pero pag hindi, hindi din.
Di ko naman sila hahayaan na insultuhin na lang ako ng basta basta. O baka naman may alam ito sa mga pinag gagagawa ko sa Maynila. Habang umiiyak pa din ako. Binuhay ko ang laptop ko.
Tinungo ko agad ang IG ko at hinanap ang pangalan ni Clover. Clover Klein Gonzales sinulat ko sa search box ang pangalan nito. Hinanap ko ang pangalan ni David sa followings niya. At yun na nga they followed each other. Hindi pa kuntento ang impormasyon na nakita ko kaya hinanap ko naman ang pangalan ni David. David Raphael Columbus himala na memorize ko agad ang pangalan nito. Nakita ko ang mga post nito kasama si Clover. May nakaraan ba ang dalawa? Para kasing mag couple ang dalawa. Nakita ko din ang litrato nila na mag kasamang binigyan ng parangal bilang may pinakamataas na sales sa buong Asya.
Mag kaibigan ang dalawa at sigurado ako na may alam ito sa mga pinag kakagawa ko. Inaakit ko lang naman ang boss ko. Period.
Ano kaya ang mukhang ihaharap ko sa kanila sa oras na malaman nila ang mga pinag kagagawa ko sa Maynila?
***
Sorry guyseu natagalan ang update ko. Haha nabusy sa mga bagong kong story sa draft. Maiksi lang yung update ko haha. Abangan niyo yung susunod. Kasi mabubuking na si Yvette. Lagot!
BINABASA MO ANG
Captivated by Foxy Lady [Unedited]
RomantizmYvette maintains her strength for her kid despite all of the difficulties that the Earth has thrown at them. Despite the fact that she has broken up with her lover, she has remained strong. The Earth despises her, and so do her parents. But that is...