TWENTY SECOND

1K 15 0
                                    


TWENTY SECOND

EWAN ko ba basta inis na inis ako sa Clover na yun. Siguro dala na rin ng dalaw ko, normal naman yun sa isang babae kapag menstrual period namin pero may mga ibang babae na hindi naman ganoon. Ako oo minsan, siguro ngayon tinamaan na naman ako ng kainisan sa mokong na yun. Minsan hindi naman ako ganito siguro ngayon na naman lang ito.

"Hoy bakit ba ayoko mo akong papasukin sa kumpanya mo? May tinatago ka ba?" nag tataka lang ako palagi kasi itong busy kung minsan naman aalis kahit nasa kalagitnaan na nang gabi may emergency daw sa kumpanya niya kaya nag dududa lang ako.

Ayoko naman pag isipan siya ng mali dahil wala pa naman akong alam kung ano talaga ang ginagawa niya.

Bigla itong nagulat sa tanong ko. Tama ba ang iniisip ko? Shit! Sana hindi naman. "Uhmm...ano kasi" bakit nauutal ba to? May iniisip akong mali sana di totoo. "...kain na" saad nito. Aalamin ko yan Clo kung ano man yan.

"Papasok ka?"

"Hindi"

"Alis tayo" pangangayaya ko.

"Hindi ako pwede ngayon" haist! Palagi naman. Siguro simulan ko na kaya na kausapin ang mga appliances dito para di naman ako ma-bored kahit papaano.

"Baby is theres somethi--"

"Aalis ako" pagputol ko dito.

Bakit onti onti na siyang nawawalan ng gana sa relasyon namin. Ganito ba itong lalaking ito ganyan ba siya mag handle ang isang relasyon ang dali niyang masawa.

"Wait!...W-what? Aalis ka?"

"Oo" pake niya ba? Eh kapag siya nga ang umaalis hinahayaan ko lang. Mababaliw na talaga ako dito. Bakit ang tagal naman bumalik ng memorya ko kakainip nang mabuhay ng ganito...sana di ko siya nakilala.

"No" giit nito.

"Bat ba? Hinahayaan kitang umalis di ba kahit madaling araw na yan, hindi kita pinipigilan dahil alam ko na sa kumpanya mo ikaw pupunta. Tapos ako ang daming bawal kung pwede nga pati paghinga ko ipag bawal mo! Ang unfair mo naman! Sana talaga sana lang" matapang ako kaya ito ang pinakita ko sa kanya. Hindi ko hinayaan na bumuhos ang mga luha ko. I cant let this man see all my weaknesses.

"Sana ano?" galit na ito dahil gumagalaw na ang panga nito at matalim na ang titig nito sa akin. "Go on! Saktan mo na ako!" sabi ko sa isip ko. Kung sasabihin ko man to alam ko na pag sisisihan ko ito pero hindi ko na lang talaga gusto ang trato niya sa akin.

Nag bago ka na pala nang di ko alam kahit di kita binago.

"Sabihin mo na kasi! Ano ba yan!" giit nito. Natawa ako ng walang buhay. Kung dati maganda itong inisin pero ngayon hindi na.

Kahapon ng pag uwi niya ganyan na siya pumunta lang siya ki Vanessa para daw kausapin na tantanan na kami, tapos pag balik niya ibang Clover na ang kilala ko. "Masasaktan ka lang" ani ko dito. "Just fucking say it, darn you!" sana di na kita nakilala sana talaga, grabe nag bago ang takbo ng buhay ko ng nakasama kita. Hindi ko alam kung ano ang totoo sa hindi sa mga napanagipan ko...Nakakalito na.

"Hindi ako takot masakt--"

"Sana di na lang kita nakilala! Sana di mo na lang ako inuwi dito, hindi mo na sana ako minahal dahil hindi naman ako karapatdapat sayo! Puro lang kamalasan dala ko sa buhay mo...naiintindihan mo ba yun? Iwan mo na ako." But before you leave me, all I want is just one more kiss. Just one more.

"Leave you? Fuck!" I was expecting that time. I was wishing him to say how much I really mean to him but I was wrong...very wrong. "Ok" this time, all I can say was just 'ok'.

Captivated by Foxy Lady [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon