THIRTY SECONDTHIS TIME has come ang pinaka hihintay kong araw, sa tingin ko worth it na ang lahat. Sa wakas ipapakilala niya na ako sa magulang niya. Ang aga ko ngang nagising syempre excited ako no.
"Carlo?" panimula ko sa tawag. "Papunta na ako diyan. Yiee excited na ang baby ko"
"Baby ng mukha mo" pag putol ko sa tawag. Kinikilig na naman tuloy ako. Hindi ako mapakali, hindi tuloy ako makapili ng damit na dadamitin ko, gusto ko rin mag mukhang disente kahit papaano. Nag ayos ayos din ako para nag mukha naman akong tao kahit papaano. Ilang minuto lang akong nag hintay pag katapos ko mag ayos at nandito na siya. Wow infairness may pa flower bouquet pa siya.
"Wow ha. Ang effort mo naman." tinapik ko ang braso nito. "Pero thank you" tinangap ko naman ito. Kahit papaano alam ko na sa sarili na hindi talaga kami ni Clover sa isat isa. Napatanggap ko na rin sa sarili ko na wala na talagang pag asa na maging kami, siguro sabi nga ng iba na 'pinag tagpo pero hindi itinadhana' at siguro ganoon kami ni Clover. Masaya na siya sa piling ni Vanessa at wala na akong balak pa na guluhin sila, ang gusto ko lang naman ay makawala na siya sa akin kasi alam ko rin naman na nasasaktan siya tuwing ipinag tatabuyan ko siya at hindi pinapansin pero kung iyon ang ikakabuti niya ang maging sila ni Vanessa. Kasi simula't sapul ayaw sa akin ng kuya niya at mas boto ito kay Vanessa.
"Ang lalim na nama ng iniisip mo, gaano ka lalim ba yan?"
"Puro ka kalokohan. Tara na nga" diretso na kami ngayon sa sasakyan niya patungo sa bahay ng mga magulang niya. "Wag kang kabahan sigurado ako na tanggap ka nila ako na ang nag sasabi." pag papakalma nito sa akin. Siguro pagkatapos ng araw na ito baka maisipan ko na na umalis ng bansa. Pero itatanong ko na rin ito sa magulang niya, siguro bukas o sa makalawa baka ipakilala ko na rin siya sa magulang ko syempre hindi sa pamilyang Alarcon wala naman silang pake doon. Sa pamilya ko na lang sa pamilya Prida.
Alam ko rin naman na namiss ako ng nanay ko syempre mahigit dalawang dekada niya kaya akong hindi nakita.
"MANO PO" magalang kong bati sa magulang niya. Napatingin lang ako dito ng hawakan niyang mahigpit ang kamay ko sabay bigay ng mapang kalmang ngiti. "Ma, pa siya ang nagugustuhan ko. Wala akong pake alam kung ano man ang nakaraan niya o kung san pamilya man siya nabibilang ang mahalaga kung ano yung ngayon, at higit sa lahat mahal na mahal ko ang babaeng nasa harap niyo ngayon" bibilib na ba ako? Straight to the point agad ang gago. Wala man lang pa tanong tanong. Sa tingin ko tama ang desisyon ko ngayon.
"Huy ano ka ba!" siniko ko ito. Na ikinatuwa naman ng magulang niya. "Alam mo ba hija ngayon lang yan nag seryoso, at handa ka ba na malaman ang nakaraan niya man? Matatanggap mo pa ba ang anak namin despite sa nakaraan niya? Ngayon pa lang hija ipapa alam na namin sa iyo." seryosong sambit ng ina nito. "Oo naman po wala naman pong perpektong buhay lahat naman po nag kakamali. Wala naman po akong karapatan husgahan siya base lamang sa nakaraan niya. Gusto ko rin po itong sabihin sa inyo baka sakali lamang po, at sana po matanggap niyo pa rin ako." kinakabahan din ako pareho na sa sasabihin ko at sa malalaman ko.
"Simulan ko na hija. Taon na rin naman ang nakalipas simula mangyari ang bagay na hindi namin ninais. Kasal si Carlo at may dalawang taong anak." wait? So ano ako? Kabit? The fuck! Ang harsh naman kala ko ba swerte na ako? Ang malas din pala.
"Halos gumuho ang mundo niya ng malaman niya na na aksidente ang mag ina niya, pauwi ang mag ina sa probinsiya ng ma aksidente ito. Nasa gilid kasi sila kasama ang ibang pasahero nang mabangga ito ng truck na may mga dalang gasul. Wala naman alam ang isang pasahero sa mangyayari kaya niliyaban niya ang lighter para mag yosi, at yun sabog. Wala na rin dead on arrival na ang iba, at ang mag ina niya nasunog kaya halos buto na lang ang natira." mabang paliwanag ng ama nito. halos gumuho din ang mundo ko sa narinig ko. "Nag bulakbol yan, uminom, nag yosi, at higit sa lahat na ospital pa iyan. Inisip nga namin na mag asawa siguro baka mamatay na ang anak namin dahil sa nangyari. Ka isa isa pa naman namin yang anak"
Pag mamahal. Pag aalala. At pag ka lungkot. Halatang nag alala sila sa anak nila. Sobrang swerte mo kung ganito magulang mo.
"Ayaw niya na ulit ma rinig ang kwentong iyan, kaya di ba pinag handa muna namin siya para maikwento ito sa iyo" saad ng ama niya. Kaya pala siguro na trauma na rin siya kaya pala todo protekta siya sa akin. Alam ko na ang mga ganyan ganyan, sinisisi nila sarili nila sa nangyari. Kaya rin pala di niya ako hinahayaan na mag commute.
"Eto na, nag luto ako ng pan cakes sorry natagalan ako. Ma, pa anong ikwenento niyo sa kanya?" tanong nito sa amin. "Wala naman anak. May mga t
itinanong lang ako sa kanya. You know girly talks" palusot ng mama niya."Mag kwento ka naman hija"
Tiningnan ko si Carlo pero kunot noo ang sagot nito sa akin. "May naging kasintahan na din naman po ako noon. Masaya po kaming nag sama. Clover po pangalan niya at boss ko siya sa kumpanyang pinag tatrabahuhan ko. Weird to say, at medyo bastos pero nag sex na po kami, at ilang besses na pong nangyari. Hindi ko pa po alam kung buntis ako pero sabi po ng anak niyo kaya niya naman po at tatangapin niya naman po ang anak ko. At mamahalin bilang sa kanya." paliwanag ko dito. Kinabahan ako. Ilang minuto silang natahimik.
Yumuko ako sa kahihiyan. At sa takot na baka husgahan nila ako pero baliktad ang nangyari. Niyakap nila ako ng mahigpit. "Hindi ka namin sususgahan. Mahal ka namin at simula ngayon pamilya na tayo. Call me 'mama' and call him 'papa'" yumakap na rin ako sa kanila.
"Sabi ko naman sa iyo" kinuha ako ni Carlo sa mahigpit na yakap ng magulang niya. "Ma at Pa naman akin yan eh" niyakap ako nito ng mahigpit. "I love you" first three words na narinig ko sa kanya. "I love you too" diretso kong sagot dito. "Kain na tayo" yaya ng magulang niya. Kala ko hindi nila ako matatanggap, kala ko lang pala ang lahat ng iyon dahil baliktad ang nangyari tanggap nila ako at tignan mo itinuturing na nila akong parte ng pamilya kahit hindi pa naman kami kasal ni Carlo.
"Para gusto ko rin mag ka anak ng babae" ani ng mama na namin ni Carlo. Kakatuwa tuloy pakinggan. "Matanda na tayo ano ka ba. Hingan na lang natin ng apo ang dalawa. Ano bang pangalan mo hija?" tanong ng ama namin. "Aerish Yvette Alarcon po. Kaso hindi ko naman po totoong magulang ang mga Alarcon. Mahabang kwento po at nakaka lito ang kwento tanong niyo na lang po kay Carl nandoon po siya ng magka alaman." paliwanag ko sa mag asawa. Natawa ako sa part na nangangarap pa si mama na mag ka anak. Siguro ang weird ng 'mama at papa' mas okay ata ang tita at tito.
"Excited much naman kayo mag ka apo. Baka nga kunin pa yan ng tatay niya."
"Edi gawa ulit" halos mabulunan kaming dalawa. "Ma naman ano ba yan." ani ng papa niya. Grabe may pagka ganyan din pala ang mama niya. Ang ganda naman maging parte ng pamilya nila.
Cant wait to hold his surname next to mine....Valencia
BINABASA MO ANG
Captivated by Foxy Lady [Unedited]
RomanceYvette maintains her strength for her kid despite all of the difficulties that the Earth has thrown at them. Despite the fact that she has broken up with her lover, she has remained strong. The Earth despises her, and so do her parents. But that is...