FORTY THIRDNAG AAYOS ako ng mga gamit namin ni Caye kakagising niya lang din naman kasi nito. Pauwi na kami ngayon sa bahay namin, dapat sana hapon pa kami aalis kaso halos maubos na ni Caye ang tira niyang diapers. Mag g-grocery ako mamayang hapon.
"Kain na muna kayo"
"Hatid ko na kayo"
Si Carlo lang naman ang nakaka alam sa banta ng buhay ko dito sa Pilipinas. Wala na akong balak sabihin pa sa iba. Mag aalala lang sila lalo na si mama. "Carlo? Pwedeng pakibigay nito kay tita" may pera pa naman ako nakakahiya na kasi ang dami nang na naitulong ng pamilyang to sa akin. "Para san?"
Sa lahat sana. Kaso hindi naman kayang palitan ng pera lang ang lahat. "Sa ano...sa kinain namin dito. Tapos doon sa Spain"
"Ano yan hija?" tanong ni tito sa akin. "Sa inyo na ho. Sa kinain ko dito pati na pa doon sa Spain" diretsa ko. Nakakahiya baka isipin nila minamaliit ko sila. "Wag na pamilya tayo dito hindi ba?" tinanguan ko ito. Pamilya kami dito at utang na loob ko sa kanila lahat.
"Alis na po kami. Salamat po"
NANDITO NA kami ngayon sa bahay pinag pahinga ko muna si Caye papaliguan ko na kasi ito. "Kumain na kayo?" tanong sa akin ni mama na galing pala sa palengke. "Oo na po mama" nag mano ako dito.
"Si ano po pala si KC?"
"Umalis muna"
"Mukhang may boyfriend na yun" boyfriend? Hay nako KC di pa pwede. Gulo lang ang dala ng mga lalake sa buhay natin. "Kakausapin ko po mama"
Nag hahanda na ako ng pampaligo ko kay Caye. Nag lalaro lang ito ng mga laruan na binigay nila tito at tita sa kanya. Mga laruan pa daw iyon ni Carlo. Grabe pano nila na tago iyon ng ganoon katagal? Gawin ko din kaya yun. "Ako na mag papaligo diyan, mag pahinga ka na"
"No ma! Ako na mag luluto."
Inilingan lang ako ni mama. Gusto ko din na magpahinga siya, kung dati hindi niya man ako na alagaan ng sobra ginagawa niya iyon sa apo niya. At ako na rin naman ang mag aalaga sa kanya.
Kahit kailan hindi ko nagawang nagalit sa kanya. Dugo at laman niya ang dumadaloy sa akin. Kung wala siya edi wala din ako. Ang nanay ko ang buhay ko. Hindi ko man masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal, ipaparamdam ko na lang sa kanya. "Ma anong menu ito?" nag hihiwa ako ng mga bawang at sibuyas. Ang dami kasing pinamili ni mama. "Ikaw na bahala anak" ang gandang pakinggan tawagin kang anak.
Nang nasa mga Alarcon pa ako. Hindi ko ni isang besses tinawag na anak. Feeling ko talaga ang swerte ko na.
"Okay po ma"
"Im home! Ate!" kung maka yakap si KC grabe. Syempre tatlong taon akong nawala. "Pwede kong makita si Caye?" pareho din pala sila ni mama. Mahilig sa bata. "Mag hugas ka muna! Maging malinis ka naman sa katawan mo! Kakaligo ko pa lang kay Caye!" sigaw ng sigaw ni mama. Natawa na lang kaming dalawa.
"Narinig mo yun?"
"Okay na ate"
Nagluto na ako simple lang niluto ko. Caldereta lang at pritong isda. Pinauna ko na silang kumain kasi pinapakain ko pa si Caye ng cerelac niya. "Kain na" tawag sa akin ni KC. "Una na kayo."
Sarap na sarap siya sa pag kain ng cerelac. Minsan nga iniiyakan pa ako ni Caye kasi gusto pa niya, pero paunti unti lang dapat sabi sa akin ni mama. Sinusunod ko lang mga sinasabi nila syempre expert o alam na alam na nila yan. Napag daanan pa nga nila eh.
"KC, pakikuha naman ako ng tubig tapos ano yung pamunas yung malinis ipupunas ko sa bibig niya" pag uutos ko dito.
"Ate oh"
Kumain na ako ng madalian lang. Hindi na rin kasi ako sanay na marami ang kinakain. Tumataba na naman kasi ako. Kaya on diet ako pero syempre kailangan ng mga gulay gulay kasi nag b-breastfeed pa ako kay Caye.
Nakipag laro laro muna ako kay Caye, para maubos ang energy niya tapos pinatulog ko na siya.
"Ma alis po muna ako. Bibili po muna ako ng diapers at cerelac ni Caye" nag pa alam na ako ki mama. Maliligo muna ako. Kinakabahan ako kapag aalis ako ng bahay. Para akong dumadaan sa karayom. May mga taong nag babanta sa buhay ko dito sa Pilipinas kaya mahirap lumabas labas.
Actually pwede ko naman ipagawa na lang yan kay KC. Pwede ko naman siyang utusan pero syempre may mga ginagawa din siya. Naalala ko kakausapin ko pala si KC. "KC!" sigaw ko. Nasan na naman ba yun? Baka umalis na kasama ata jowa niya. "Ano ate?"
"Halika dito" umupo naman ito sa tabi ko. "May boyfriend ka na?" diretsa kong tanong dito.
"Hala si ate"
"Okay lang naman kung meron pero mag inggat ka. Hindi lahat ng lalake maganda ang intensiyon sa ating nga babae, tandaan mo may mga lalakeng mapag samantala. Wag ka agad agad mag tiwala. Kilalanin mo muna. Wag ka nang gumaya sa akin. Oo mahirap ang ganitong sitwasyon. Maging masaya ka pero know your limitations" mahaba kong pag papaliwanag dito. Bilang kapatid niya syempre ayaw ko din naman na matulad pa siya sa ate niya. Gusto ko na maging perfect ang buhay niya. Kahit di na sa akin.
"Ate naman. Alam ko naman mali iyang nangyari sa iyo pero alam ko din naman na mabuti kang ina"
Nakaka touch naman ang sinabi niya. Wala naman iba pang tatanggap sa kamalian mo kundi ang pamilya mo lang naman. Sila lang ang masasandigan mo through thick and thin, in poorer or richer. "Samahan kita ate, aalis ka di ba?" ayokong isama ka. Baka mapahamak ako madamay ka pa.
"Wag na kaya ko"
Naligo na ako pag katapos namin mag usap. Parang ayoko nang lumabas pa. Natatakot talaga ako na pano pag umalis ako tapos kunin nila sila mama, KC at Caye I think end of the world ko na.
Sumakay ako ng jeep. Kailagan mabilisan lang ang kilos ko nag black outfit na lang nga ako para hindi ako masyado mahalata. Kahit napaka init naka mask pa ako. Mali ang expectation ko, kala ko pag nag black ako hindi na ako mahahalata pero pag labas ko pa lang mag naka abang na sa akin.
Dali dali kong kinuha phone ko tatawagan ko si Carlo. Buti naman at mabilis nitong sinagot. "Carlo?"
"Yes? Kumusta ka? San ka?"
"Makinig ka! May mga sumusunod sa akin. Papunta akong mall, ganito ang gawin mo. Kahit anong oras, kahit anong mangyari wag kong papatayin ang phone okay?" weird pero natatawa din ako at the same time. Para silang mga buntot ko.
"What the...?"
"Listen I have a plan, and thats my plan. Just do it. Pag sumigaw na ako ng tulong tulong it means nasakay na ako sa van nila ang gagawin mo ay pupuntahan mo sila mama at kunin ko sila. Doon mo muna sa bahay niyo okay?" hindi ko na ako hinintay pa ang sagot niya pumasok na ako sa mall. Pag labas ko for sure kuha na ako. Syempre lalabanan ko rin sila lalo na kung sasabihin nila na idadamay nila ang anak ko, maling desisyon na yan. Hinding hindi ko hahayaan na makalapit sila kay Caye.
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa loob ng mall. Hindi na ako nag lakad lakad pa. Diretso labas agad. "Carlo now! Kunin mo na sila mama at Caye! Now Carlo! Now!"
Hindi pa ako nakakalabas sa pinto ng mall pero kita ko na ang mga tao na nag aabang sa akin. "Hello! Ako hinahanap niyo? Huh?" tanong ko sa mga lalake. "Boss we found that girl" ani ng isang lalake. "Sumama ka sa amin."
"At bakit? Sino ba kayo?"
"Sumama ka o mapapatay anak mo!
"Subukan mong galawin ang anak ko! Diretso ka sa kampo ni satanas! Wag niyo akong susubukan!" halos hilahin nila ako para makapasok lang pinipipit kong makawala sa mahigpit na pag kakahawak nila pero mga lalake sila anong laban ko?
Im just praying na on time na nandoon si Carlo. I am praying for the safety of my child, for my mother and for my sister. Unti unting tumulo ang mga luha ko. I am praying that Clover was here to protect me from this bad men.
BINABASA MO ANG
Captivated by Foxy Lady [Unedited]
RomanceYvette maintains her strength for her kid despite all of the difficulties that the Earth has thrown at them. Despite the fact that she has broken up with her lover, she has remained strong. The Earth despises her, and so do her parents. But that is...