FIFTEENTHHINDI ko alam bat ba nila ako tinatawag na ganoon eh di naman ako ganoong tao. Mabait ako dahil ganoon akong tao pinalaki ng magulang I mean ng mga lolo at lola ko masaya ang naging buhay ko kasama sila pero bakit ganon? Bakit nandito na ako sa taong to? Taon na kung saan naging miserable ang buhay ko dahil wala na ang lolo at lola ko.
"They lie! They lie! They are all liars! Nakakainis tanginang buhay to ang malas ko naman" hindi ko maligilan na mapasigaw sigaw na lang sa inis sa loob ng condo ko. Kailan pa ako nag condo? Sa pag kakaalam ko ayoko na mawalay sa mga taong mahal ko kailan pa ba ako nanirahan dito sa Maynila?
Base sa naaalala ko nasa Camarines Sut pa ako kasama ang lolo at lola ko. May rest kasi silang pinapagawa doon kaya doon muna kami pumupunta at saka bihira lang kaming mag Maynila kasi ewan ko kila lolo at lola polusyon lang daw ang maiiuwi mo sa bahay kaya ayaw nila dito.
"Sana talaga maka alala na ako para naman makalimutan ko na ang mga panahong to." napag pasyahan kong tawagan ang kaibigan ko pero un atttended ito. Ewan ko ba pag nanganailangan ako palagi ng tulong palagi silang wala, late, may kailanganang gawin, office works, busy sa bahay. Putek lahat lahat na lang kakainis ang buhay minsan.
Nanood muna ako ng TV baka sakaling may magandang pelikula malibang ako sa pag ak boring ko dito.
Wala ba akong trabaho ngayon o ayaw lang akong papasukin ng lalakeng weirdo na yun? Weirdo siya tangina sila ni Vanessa. Iniiwasan ko na din ito minsan. Baka kasi hindi ko naman talaga ito kilala kakahiya pa.
Ang haba na pala ng buhok ko ilang taon na kaya ito? Pagupit kaya ako? Pero baka isipin ng Vanessa na yun na broken ako tangina lahat ng bagay na gagawin mo palagi ang isip ng mali. Ang init din kasi ng panahon ngayon kaya mag papagupit na ako. Sa bagay hahaba pa naman ang buhok ko. Hindi ako masyadong pamilyar sa Maynila kaya mabuti pang umuwi muna ako ng Cam. Sur mas makakabuti kung doon ko malaman ang lahat saka miss ko na sila lolo at lola pero may nakapag sabi sa akin pa patay na sila matagal na daw pero base ulit sa memorya ko buhay pa sila. Naguguluhan na tuloy sa mga nangyayari sa akin dapat ko na talagang iwasan si Clo.
"BICOL here I come" sigaw ko ng makababa ako sa sakayan. Masisiglang ngiti lang sukli ko sa kanila, mas mabuti pa pala kung dito na ako nanirahan masaya at kuntento ang buhay ko dito. Dumaan muna ako sa mall para sana bilhan ng pasalubong sila lolo at lola.
Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila na patay na ito. Saka na ako maniniwala pag nakita ko na mismo. "Miss mag kano to?" tinuro ko ang paborito ni lola na pili tart masarap ito kaya kahit ako gusto ko ito. "Ma'am may Macapuno tart din po kami 95 pessos to 200 pessos po" itinuro nito ito mukhang magugustuhan ito ni lola. "Pabili po ako ng isa"
"Alin po dito ma'am? Eto pong 16 pieces lang 95 tapos eto pong 24 pieces 200. Alin po sainyo?" yung 16 pieces mukhang kulang ito sa amin ni lola ito namang 200 sobra sobra na. "Eh ito ano to?" tinuro ko ang isa pareho din ito sa Macapuno pero mukhang masarap ito. "Eto miss ano to?" kinuha ko ang tinuturo ko. "Ahh eto po miss? Yema tart po iyan eto po ang best seller sa amin. Marami po ang bumibili niyan, masarap po yan bili po kayo kung gusto niyo. Pareho din po ang presyo niya sa macapuno."
"Sige isang Yema at Macapuno Tart yung 200 miss" mabilis naman nitong ibinigay sa akin.
"Salamat"
"Pasalubong ko naman para kay lolo na pinangat" Sakto mag hahapon na pwede na namin itong ulam mamaya. Sigurado ako na masisiyahan naman ang dalawapag dating ko. Hindi ko alam paano ako mag papaliwanag sa kanila kung bakit ako napadpad sa Maynila. Hay bahala na. "Pabili nga po" "Mag kano po yan?"
"15 lang yan miss masarap yan sobra"
"Sige po pabili ako ng sampu." mukhang mapapalaban kami sa parmihan ng kain. Sa mga pag kakataong to malilinawan na ako sa mga pinag sasabi ni Clo. Miss ko na sila lolo at lola mayaaykap ko na rin sila sa wakas. "150 miss" mabilis ko itong kinuha sa kamay niya. Sumakay na ako ng tricyle kailangan ko ng mag madali miss ko na talaga sila lolo at lola "Manong pakibilisan naman yung andar natin miss ko na kasi lolo at lola ko" agad naman itong tumugon. Miss ko na talaga sila. Kaya hindi ako naniniwala sa kanila na patay na sila.
Nang makababa ako agad kong tinakbo ang bahay pero nagulat ako ng sarado lahat ang ilaw. At parang hunted house na ang hitsura ng gate ano ba yan, may pa surprise pang nalalaman ang dalawa nag abala pa.
NO! HINDI! NANANAGINIP LANG AKO! HOW!? PAANO? BAKIT!!? Bakit wala sila dito? "Lolo? Lola wag na po kayong mag tago,miss ko na kayo nandito na po si Yvette" pero imbes na lumabas sila wala walang sumagot, walang lumabas, walang tao. Totoo patay na sila pero paano? Pinag hintay ko ba sila ng ganoon katagal? Nawala ba ako ng mahabang panahon? "Lola, lolo sorry. Sorry wala ako sa tabi niyo ng mawala kayo sorry. Bumili ako ng mga paborito niyong pagakain! Lolo lolaaaa!" napasigaw na lang ako.
Nasa isa kang lugar na walang kasama na hindi mo kasama ang mga taong nag palaki sa iyo. Bat ba ang tanga tanga ko? Nawala sila ng hindi ko man lang nakita! Tangina ka Yvette isa kang tangina! Kala ko magiging maayos ako dito kasi kasama ko sila pero mali mali talaga, ang hirap na pala ganito. Ang hirap mag karoon ng amnesia. "Waahhh" sigaw na lang ang kaya kong gawin para mailabas ako ang sakit ng loob ko.
Kailangan kong maging malakas kailangan kong kumain kaya kahit mag isa ako kumain pa din ako kahit masakit parang paulit ulit sinasaksak ang puso ko tuwing susubo ako ng pagkain. Kailangan kong maging malakas.
Nang matapos ako simple lang ang ginawa ko kumain pagkatapos nag hugas tapos nanood ng pelikula para naman malibang ako. Ang pangit ng ganitong arrangement. Nag ka amnesia ka lang wala na lahat ng memorya mo. Ayaw kong bumalik sa dati dahil ang pangit at napaka gulo ng buhay ko ng buhay ko kung babalik ako sa nakaraan mas gugustuhin kong puumunta sa future, simple lang para kasi ma ready ko ang sarili ko kung masasaktan man ako sa panahong iyon. Para saan pa at nabuhay pa ulit ako kung ibabalik alng naman ako sa masalimuot kong nakaraan.
Dapat pala di ko na muna iminulat ang mga mata ko para sana masaya akong na nanaginip at mahimbing na natutulog. Bat ba kasi ako pumunta dito ehh hindi ki alam kung paano ako tutulog. Miss ko na sila sobra. Ang sakit sakit na tangina ang malas ko. Fuck this life, give me a knife and end this life. But no I cant do that I need to be successful first before doing shits that makes my life even miserable. I want to get wasted. Get drunk and forget all the pains and all. Sana di amnesia mas gusto ko yung magiging bata ulit ako para walang problema. I miss my lolo and lola that much, I love them so much. They both mean to me they are special as diamonds to me. I cant lose them I cant but now I lost them. Yvette time to make another step for my own future.
I promise them that I will pursue my dreams and I am going to do it now. I promise. I will be a good person dahil ganoon niyo ako pinalaki. I love and I miss them. Pinahid ko ang mga luha ko at natulog na, may katabi akong dalawang unan pinapagitnaan ako nito. Ganito kasi kami matulog tatlo. May ilang butil ng luha ang pumatak pero agad ko naman itong pinunasan at na tulog na bukas balak kong linisin ang bahay. Baka mamaga na ang mata ko kakaiyak, mag papagupit pa naman ako bukas.
A/N: This chapter make make so hard to write this, this chapter reminisce my past about my lola. I know it was months ago but I cant help not to remember her, she passed away last February 8 this year. So this chapter is dedicated to her.
BINABASA MO ANG
Captivated by Foxy Lady [Unedited]
RomanceYvette maintains her strength for her kid despite all of the difficulties that the Earth has thrown at them. Despite the fact that she has broken up with her lover, she has remained strong. The Earth despises her, and so do her parents. But that is...