TWENTY NINTH

846 15 0
                                    


TWENTY NINTH

NALIGO na ako nang maihatid ako ni Carlo sa bahay feeling ko lang ang dumi dumi ko pa dahil sa kahalayan namin ni Clover noong isang gabi.

Grabe bilib na agad ako sa lalakeng iyon. Sabihin na natin na malibog siya pero ang taas niya kung mag respeto sa isang babae. He never kissed me and hug me. Hindi niya rin nga hinahawakan ang kamay ko. Feeling ko tuloy isa akong napaka iniingatang binibini. For the second time I feel love and care what I have been looking for my whole life. May pasok ako ngayon sa trabaho ko bilang waiter sa isang resto.

Tumunog ang telepono ko kaya sinagot ko ito pero unknown ang number. Baka si Carlo.

"Hello?"

"Hatid na kita. Wag ka nang mag commute masisira looks mo doon"

"Bolero ka talaga at kailan mo naman natutuhan gumanyan aber?"

"Miss sungit hatid na kasi kita"

"Oh sige sige sige na. Mag aayos lang ako."

Waiter ako tapos minsan nagiging cashier din. Maganda ang trabaho ko syempre café pinag tatrabahuhan ko Frost Café yan ang pangalan ng pinag tatrabahuhan ko. Light make up lang ang nilagay ko sa mukha ko. At inayos ang mahaba kong buhok na delay kasi yung pag papagupit ko sa Bicol nag bago ang isip ko sayang naman kasi ang mahaba kong buhok. Pinalitan ko na rin ang kulay nito ginawa ko na itong ash grey at buti naman at bumagay sa akin.

Ilang minuto lang akong nag hintay at nandito na si Carlo. "Magandang umaga napakagandang binibini" bati nito.

"Bolero!" angal ko dito.

"Pasok na" binuksan nito ang pinto. Wow ha! Nag linis pa talaga ng kotse, mayaman din ata ang lalakeng ito.

"San ka nag tatrabaho?" panimula ko. Curious lang ako. Syempre nasa get-to-know stage kami kasi nga nanliligaw siya. "May ari ako ng isang resto. Bata pa lang kasi ako nang nahilig ako sa pag luluto hanggang lumaki ako ito na talaga ang nagustuhan ko. Gusto ng magulang ko na mag doktor ako. Pero umayaw ako kasi hindi ko naman ito hilig." paliwanag nito.

Medyo traffic pa kaya nag usap usap muna kami. "Fast talk tayo" pangangayaya ko.

"Sige"

"Uhmm....black or white?" ang boring ko naman mag fast talk....hayy.

"Black"

"Ikaw na lang mag tanong ang boring ko mag tanong" nakakahiya tuloy. "Okay"

"So kumusta naman pag sasama niyo nung Ex mo?" diretsang tanong nito. Seriously? Shit naman! "Okay naman one word lang, fantastic. Masaya ako nang naging kami syempre noong unang araw ko pa lang sa kumpanya talagang gusto ko na siya, weird to say but I really seduce him but it doesn't really work. Hanggang nalaman ko na lang na mahal ko na siya hindi na lang pala gusto. Until I found myself in his arms. Hindi ko na matandaan kung kailan nag simula ang lahat. But damn, it hurts like hell when I saw him with Vanessa making love, I know na wala naman akong karapatan but it just hurts." mahaba kong paliwanag pinakingan naman ako nito ng mabuti.

PAG KATAPOS naming pag usapan iyon tahimik na kami sa buong biyahe hanggang maihatid niya ako sa resto.

"Bago mong boyfriend no?" tanong ni Steph. Mga malisyosa talaga ang nga tao no? Hinatid ka lang ng lalake jowa mo na agad, makasama mo lang jowa mo na. Di ba pwedeng manliligaw muna? O kaibigan lang? Mga chismosa sa buhay ko ang dami dami na. "Hindi." inirapan ko ito. Maganda naman ang ugali ni Steph kasi friendly siya pero chismosa ang gago.

"Yiee. Sabihin mo na lang kasi" gatong pa ni France. "Alam niyo. Wag nga ako pagtripan niyo. Wala pa yan sa isip ko na mag jowa ulit" paliwanag ko. At saka nanliligaw pa lang naman si Carl pag napagod yun sa akin susuko na lang iyon. Gusto ko muna siyang kaibiganin para naman mas makilala ko siya.

Gwapo na kung gwapo pero ayokong pairalin ang physical attraction ko sa isang tao mas maganda pa rin yung nahulog ka sa ugali hindi sa itsura.

"Aga aga chismis na naman inaatupag niyo diyan France, Steph at KC" wika ng boss namin, yan tuloy napagalitan ang tatlo. Si KC isa na rin siya sa mga naging kaibigan ko dito, similar kasi kami ng mga gusto at ayaw nakakapag taka lang nga parang mag kapatid kami.

"Back to work. Marami tayong costumers, dadagsain tayo ngayon kasi may opening diyan na bookstore sa taas" nasa iisang mall lang kami nag tatrabaho masaya dito kaya wala na akong balak mag resign pa.

Kasalukuyan muna akong nag huhugas ng mga platito na pinag lalagyan ng cake. "Yve. Table 4 please." ani ng katarabaho ko. "Okay" agad ko naman itong pinunasan ng basang basahan. "Good Morning.May I have your order ma'am" pormal kong tanong. "Brewed coffee and a vanilla cake please"

"Just stay still and wait a minute ma'am" pag kasabi ko nito ay iniwan ko na ito. "KC pa slice nga ng vanilla cake ako na sa brewed coffee" agad naman itong tumugon.

"Tapos na. San ko ilalagay?" busy si KC pero siya na lang napagutusan ko, nag b-bake kasi siya ng cake siya kasi ang master sa pag gawa nito. Marunong naman na ako ng konti kasi nag papaturo talaga ako sa kanila. "Pa serve na lang sa table 4 please" pakiusap ko dito. "Okay"

"Oh ma! Ikaw pala iyan. Bat ka napapunta dito?" napahinto ako, ang ganda nila tingnan sana ganito din si mama sa akin pero hindi pa iba iba trato nila sa akin. Minsan okay naman minsan hindi. Parang mga kulang kulang sila sa pag iisip. "Napadalaw lang anak. At saka galing kasi ako sa supermarket"

"Namili ka na naman? Di ba sabi ko sa iyo ako na lang ma. Kulit mo talaga. Buti na lang at di ka napano. May sakit ka pa naman, tinakasan mo siguro si nurse Ji no? Hay talaga mama" inis na pagkasabi ni KC natawa na lang ako kahit papano masasabi ko na ang swerte ni KC sa mama niya di siya katulad ng mama ko, talagang mahal niya ang anak niya sana naging nanay na lang kita. Naiyak tuloy ako sa nakikita ko. Nag yayakapan sila halos ayaw na ng mama niya na mag hiwalay pa sila sobrang dikit na sila. "Yve. Kanina ka pa riyan?" tanong ni KC sa akin na medyo nahihiya pa.

"Hindi naman" pag sisinungaling ko dito. "Sorry ha. Makulit kasi sobra mama ko. Ako na lang mag babayad nito. Ma. Iwan ko na kayo may trabaho pa ako" pag papaalam nito sa mama niya.

"Yve? Ikaw si Yve?" tanong ng mama ni KC na ikinagulat ng mga tao sa café. "O-opo ako po si Yve" magalang kong sagot dito. Para nag kakilala na kami noon. Pero hindi ko matandaan. "Anak!" sigaw ng ginang sabay yakap ng mahigpit sa akin. Anak? Nanay ko siya?

HINDI KO maintindihan ang lahat, iba ang pakiramdam ko nung niyakap niya ako parang may luksong dugo. Nanay ko ba talaga siya? Gusto kong mag imbestiga. May gusto akong malaman. Agad kong tinawagan si Carl.

"Hey! Busy ka bukas?"

"Hindi naman. Why?"

"Samahan mo ako bukas, pumunta ka dito at exactly 7 am" pag tatapos ko sa tawag. Napag sabihan ko na rin ang boss ko na absent muna ako bukas dahil may importante akong aasikasuhin.
Hinanap ko ang birth certificate ko at ikinagulat ko na lang na ibang pangalan ang nakasulat, iba ang nanay ko.

Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko ulit si Carl. "Hey. Pwede ba tayong umalis ngayon?"

"Pwede naman di naman ako busy at tsaka maaga pa naman hapon pa lang"

"Sunduin mo ako tsaka na ako nag papaliwanag"

"Ok miss sungit na maganda"

"Ang bolero mo talaga kahit kailan" angal ko dito. "I love you" seryosong sabi nito. Kikiligin na ba ako? Parang si Clover ang putek napaka bolero. "Hay naku ewan ko sa iyo kahit kailan talaga napaka bolero mo, matigil tigilan ko nga ako Carlo" pag susungit ko dito.

"Totoo ba yan? Baka laro laro lang yan na tangina ka" dagdag ko.

"Totoo nga yan para naman kasing niloloko kita" medyo kinilig din ako ng konti, syempre ikaw naman kaya sabihan ng 'i love you' syempre kikiligin ka. Kahit nga siguro patay kayang mabuhay dahil lang sa kilig. "Bye na nga. Puntahan mo ako dito" pagputol ko sa tawag.

Captivated by Foxy Lady [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon