THIRTY FIRST

842 14 0
                                    


THIRTY FIRST

HINDI ko maintindihan ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Okay na rin naman ako sa nalaman ko, wala na akong balak pang mag pakilala sa mga tunay kong magulang kasi for sure masaya ang mga buhay non.

Kasama ko naman si Carlo at okay na rin ako dun. May kasanga na ako sa buhay ko at masaya ako na si Carlo ito, hindi na rin naman ako kinukulit pa ni Clover. Matapos ko ito pag sabihan ng masasakit na salita, sa tingin mo lalapit pa ito sa akin? Baka na kahit titig di niya na magawa. Masaya na rin naman ako para sa kanila ni Vanessa. At sana maging masaya din ako kay Carlo.

"Carlo! Hoy lalake!" sigaw ko dito. Napukaw tuloy ako sa mga iniisip ko ikaw ba naman na hindi magugulat na sa tapat ng tanghali may nakikita kang lalake na naka topless sa harap mo. Alam ko na pang umaga ang pandesal pero bat sa akin pang tanghali lumabas? Weird tuloy. "Ano?" nag tataka nitong tanong. Aba aba aba siya pa talaga may ganang magalit sa akin. Nakaka inis din minsan ang mga lalake no? Pero sila ang grabeng mag mahal sa isang relasyon.

Na realize ko ito dahil kay Clo. Kahit wala na, wala na akong maramdaman eto pa rin...nakakapit. Kung hindi ko pa siya ipag tabuyan hindi niya talaga ako iiwan. Kaya tayong mga babae, hindi porket tinuturing nila tayong prinsesa pwede na natin silang saktan ng ganon ganon lang. They also got hurt, they also break down when they are tired of understanding us. Lets try to be fair when it comes to love. Let's don't underestimate them. Yes, let's say that they are strong because they are men but they also have weaknesses, they also have fears. We are women and they respect us but let's not forget that they are also deserve to be respected. Napukaw ako sa malalim kong iniisip ng mag salita ito. "Titig na titig ka sa maganda kong katawan ah" pang aasar nito. Talaga ba? Pandesal lang naman yan eh. Meron din ako niyan kaso chiffon cake akin.

"Ang assuming mo may iniisip lang ang tao." buti na lang at may katabi akong unan kaya binato ko ito sa kanya.

"Mag sabi ka kung gusto kong hawakan hindi yung pinag lalawayan mo" pinipikon talaga ako ng lalakeng ito, patulan ko na itong lalakeng ito. "Tangina ka talaga. Pinag lihi ka ba sa ka assuming. Ang taas pre ang hangin" eto na naman kami. Palagi kaming ganito, pero masaya. Habulan, yakapan, tulakan, taguan, at higit sa lahat biruan. Masasabi ko sa ngayon na masaya ako sa naging desisyon ko.

"Umalis ka nga muna dito sa bahay nandidilim paningin ko sa iyo. Baka talaga masapak kita ng sobra" wari ko dito. Inis na inis na rin din naman kasi ako sa kanya pero gusto ko pa rin naman. Nakakamiss kasi yung tipong may kukulit sa iyo. "Ayoko ko nga. Ma mimiss mo na naman ako, tatawag ka na naman tapos sasabihin mo na punta ka nga dito boring eh"

"Ewan ko sa iyo. Kain tayo sa labas treat ko. Bihis lang ako"

INABOT LANG kami ng dalawang oras sa mall. Kumain lang kami at nag lakad lakad, binilhan pa ako ng magandang singsing. Promise ring daw. And I just found it cute. Sa tingin ko swerte ata ako sa lalakeng ito, napaka mapagmahal siya, at napaka ma respeto din. Gusto ko rin makilala ang magulang niya pero sabi niya sa akin darating din daw kami diyan.

Wala pa rin naman akong nakikitang pag babago sa sarili ko baka maling akala lang ako. Hindi naman ata ako buntis. O baka hindi ko pa lang halata. Wala na akong paki alam sa mga kaibigan ko.

Hindi ko alam sa sarili ko siguro dala na rin ng galit ko sa kanila. Pero si Clover, siya lang ang taong hindi ako tinatantanan hanggat hindi ko siya mapatawad. Nakakasawa na rin makita ang pag mumukha ng gagong yun. Simula ng mag kaalaman na hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mainis sa kanya.

Tumunog ang door bell kaya pinuntahan ko ito. Baka si Carlo na naman. Pero ikinagulat ko ns lang nang isang delivery man ang nasa harap ko. Hindi naman ako nag order ano ba to? "Ma'am pinapadala po si Mr. Gonzales" nilahad nito sa akin ang isang kahon ng pizza at isang large tea. "Ha? Pinadala? Sabihin mo sa kanya na last na to! Pag nag padala pa siya hindi ko na ulit tatanggapin" pag kasabi ko nito ay isinara ko na ang pinto. Grabe ang kalokohan ng lalakeng iyon. Kahit ano pa man ang gawin niya hindi ko na siya babalikan at mas lalong hindi ko kakayanin na patawarin siya ng ganoon ka bilis.

"Hoy lalake. Kung ano ano pa ang nalalaman mo. Alam mo nakakainis ka." galit kong bungad kay Clover.

"You like it? Buksan mo muna kasi. And open your IG too. Bye I need to work for our future"

"Future ng mukha mo"

Agad ko namang binuksan ang pizza. 'Sorry' seriously? Mula na naman yan sa kahibangan niya sa akin. Wala naman akong pina inom sa kanya para maging ganito siya sa akin. Minahal ko lang naman siya pero siya ang hindi pa rin maka bitaw. Kala ko ba masaya na siya kay Vanessa bakit kinukulit niya pa ako? Alam ko na rin naman na baliw na baliw to sa akin pero bat di niya ako kayang bitawan? Masaya na rin naman ako bakit di niya magawang maging masaya para sa sarili niya?

Dali na dali ko rin binuksan ang Instagram ko. 'Clover tagged you in a post' kaya dali dali ko itong pinindot at binasa ang caption. 'Pizza would be better if Im with you baby.' seriously?Natawa ako. Anong klaseng itsura to? Half naked with a whole pizza on his stomach? Nakakadiri kainin ang pizza na ito. Baka kung san san niya pa ito nilagay.

Nag comment naman ako. 'Life would be better if you try to be happy on your own' sana naman matamaan ka at tantanan mo na ako. Pano kaya pag nakita ito ni Carlo baka mag selos din ang gago. At saka hindi ko naman niliked wala naman siya dapat pag ka selosan.

Napansin ko na mag gagabi na pala hindi pa pala ako nakaka ligo man lang. Nag dadalawang isip pa kasi ako sa gagawin kong desisyon. Gusto ko sanang umalis ng bansa kasama si Carlo. Para nakapag simula kami ng bagong buhay. Okay lang din naman daw sa kanya baka daw bukas niya ako ipakilala sa magulang niya. I cant wait tuloy. I am scared at the same time, you know it would be my first. Wala na rin kasing magulang si Clo kaya di ko iyon na experience man lang.

Naligo muna ako, gusto ko rin magbabad kasi ang init ng panahon ngayon. At saka malamig ang tubig pag gabi masarap mag talaga babad. Boring din naman ako ngayon kaya mag pupuyat ako ngayon, may mga bagong pelikula akong nahanap kaya dinownload ko ito sa laptop ko.

Kailangan ko nang umalis para makalimot sa lahat ng masasang alaala ko dito at mag simula din ng bagong buhay. Sometimes I wish that I never born at all. There's too many problems you will face, and sometimes you will break down because your body cant do it any more. But life is truly challenging us lets just smile and solve it, lets live our life to the fullest so we wont regret anything.

Tomorrow is another life to live with, remember that. Another life to correct our mistakes from yesterday, and another life to be happy with.

Captivated by Foxy Lady [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon