EIGHTH

1.5K 23 0
                                    


EIGHTH

TOTOO ang sinabi ng mga sisters, patay na si sister Gracia, naiyak ako ng husto sa mga panahon na yun. Its been 2 days since she literally left the world.

Nabago ang takbo ng buhay ko dahil sa charity na yun mas lalo kong nakilala ang sarili ko at sa oras na mapag desisyonan kong umalis dito, buong loob kong haharapin ang mga taong nang maliit sa akin. "Malalim ata iniisip mo." napukaw ang diwa ko nang magsalita si sister Alicia. "Nag iisip lang po ako kung bakit nila ako tinatrato ng ganito. They dont hurt me physically but the do it to me emotionally. The world is unfair." di ko mapigilan na di mapahikbi.

Hinahagod lang nito ang likod ko at pinagsabihan na tumigil na kakaiyak. Palagi nila pinapa alala sa akin na hindi ako nag iisa na may Diyos akong kasama at tama naman sila.

Dahil sa tuwing masakit ang pakiramdam ko na nanalangin lang ako at mag papahinga tapos pag gising ko ok na ako. Sa Diyos lang ako nag titiwala at sa kanya ako natutong magmahal ng sarili. "Gusto mo dito ka na lang wag ka nang umalis, welcome ka naman dito at gustong gusto ka ngang kasama ng mga bata dito." ani ni sister Alicia. Natigil na din ako sa pag iyak at tinulungan ko na lang ito sa pag handa ng agahan.

Balak ko sanang ipasyal sa loob ng charity ang mga lola at lolo o kaya naman mag simba. Sunday naman ngayon at alam kong may simba, maaga pa naman kaya pwede pa kaming dumalo. "Sisters pwede po ba kaming dumalo sa misa mamaya?" pagtatanong ko. Um-oo naman sila kaya pagkatapos nilang kumain naligo na sila.

"Ang bait mo talagang bata hija." sabi ng isang matanda. Nginitian ko lang ito. Buti pa ang ibang tao tanggap ka kung sino ka at nakikita nila ang buo mong pagkatao pero bakit ang mga magulang ko hindi? May tinatago ba sila?

"Mga lola at lolo mag sisimba po tayo. Kasama ang mga bata, pag katapos ho mag luluto ako ng pancit para may makain kayo."

Masaya akong lumabas sa shelter ng matatanda at pupunta naman ako sa mga bata. "Kidss!"sigaw ko busy ang mga ito mag laro ng kanilang mga laruan yung iba naman nag lalaro ng larong pambata. Naiingit tuloy ako nakakamiss din pala maging bata kahit minsan, yung tipong wala kang problema yung mga oras na puro ka pa lang laro yung di ka pa nag iisip ng mga bagay bagay. Nakakmiss no? Tumakbo ang lahat papalapit sa akin. "Ano po yun?" halos sabay sabay nilang tanong. "Mag sisimba tayo tapos pagkatapos mag luluto ako ng paborito niyong spaghetti at mag lalaro tayo ok ba yun?" nagtawanan sa tuwa ang lahat.

"Ok!" with matching thumbs ups pa ang lahat.

Ilang oras lang kaming nag ayos nag simula na ang simba. Ako na ang nag presitang mag bantay sa mga bata. Buti naman at masunurin ang lahat. Walang nag ingay hanggang matapos kami. Tulad nang pinangako ko tinupad ko ito. Nag luto ako ng pancit at spaghetti sa kusina ng mga sisters hiniwalayan ko na rin ng pagkain ang mga  sisters. At masarap daw ito at nasiyahan naman ako.

MASAYANG nag salo salo ang mga bata at matatanda sa niluto ko nasisiyahan ako tuwing nakikita ko ang mga ngiti sa mga labi nila. Masaya pala pag ganon no? Bihira ko lang naman kasi yan ma experience eh.

"Yvette may nag hahanap pala sayo." ani ng isang sister na di ko kilala baka bago pa lang siya dito. Hindi ito masyadong katandaan. "Sino ho?"

Sino ba naman mag hahanap sa akin? Eh ang layo nito sa bahay ko sa Quezon. Baka si Clov. Pero ayoko mag expect no wayy! Pano kung hindi siya sino? Tangina baka si Vanessa 'the feelingera' na naman ay nako ma tatadyakan ko na ang pagmumukha ng gagong yun. Kung ano anong tanong ang gumugulo sa isip ko habang papunta kami sa simbahan.

Ilang minuto lang kaming nag lakad ng sister na kasama ko hindi na ako masyado ang tatatanong. Eh hindi ko naman siya kilala baka nag papanggap lang ito kidnap-in ako. Dumidestansya ako dito dahil wala lang gusto ko lang pake mo ba! Nang makapunta kami doon nagulat ako sa nakita ko. Whatt? No way! Bat sila anong ginagawa ng magulang ko dito? Ano to pasiklab?

Nandoon din ang ibang sisters na kilala ko yung mga sisters na napag kwentuhan ko tungkol sa nangyari sa akin. Bat nasisiyahan ang puso ko? Parang ayoko nang umalis dito.

Ang sarap din pala sa pakiramdan na ipagtanggol. Woww sheyt kahit masama akong tao natanggap nila ako at nang Diyos yun pa lang masaya na ako. "Umuwi ka na Yvette!" matalim ang titig sa akin ng ina ko. Para ano? Para saan?
Wala na akong dahilan para pa umuwi. Masaya na ako dito masaya ang buhay ko dito.

"Uwi na sabi!" sigaw ng ama ko kaya na alarma ang mga madre. Fuck dad! Wag ka naman gumawa ng senaryo dito. Kala niyo naman mga artista kayo putek mga walang kwentang magulang oo. "H.I.N.D.I. Hindi!" inisa isa ko ang sinabi ko. Ayoko kaya haha bala kayo diyan. Kumbinsihin niyo ako. Gustong mag pabebe ng utak ko pero naalala ko wala naman pala akong bebe. So sad no? Minamalas.

"Sisters Im so sorry po hin---"

"Fuck off dad! Masaya na buhay ko dito di niyo ba nakikita? Bulag na ba kayo? Oh my god my parents are blind and I am so happy" with matching palakpak pa yan. "Uwi na? Kayo ang umuwi na alis!" pagtatabuyan ko sa kanila wala silang magawa kundi sumunod nasa harap kaya sila ng altar baka pati sa Diyos wala silang hiya.

"Those words are not appropriate." malumbay na sagot ni sister Adela. I know right! They deserve naman di ba?

"I know po. Sorry po!" kahit mataas ang tingin ko sa sarili ko ang baba pa rin ako ng  tingin nahiya pa rin ako sa mga sinabi ko magulang ko pa rin naman sila kahit anong mangyari. Parang dinudurog ang puso ko nang sabihin ko iyon. Pero pansamantala lang  naman yung sakit nito dahil alam ko na papalitan ng nga bata ito ng saya.

Sila ang dahilan kung bakit ayoko ko nang bumalik sa pinanggalingan ko.

MAG GAGABI na at kailangan ko nang matulog nag sabi kasi ako sa mga sisters na sasama ako sa kanila bukas sa pamamalengke. Balak ko rin ipasyal ang ilang mga bata. Nag usap usap na kami. Tuwing Mondays mga batang lalake, tuwing Tuesdays mga batang babae, tuwing Wednesdays mga teen age na lalake, at tuwing Thursdays mga teen age na babae.

Hindi ko alam kung bakit di ako makatulog siguro dahil sa mga pumapasok na katanungan sa utak ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin. May mga katanungan na pumapasok sa utak ko pero naguguluhan ako.

May parte ng utak ko na ang sasabing gusto lang ng magulang ko na mapabuti ako at may parte din ng utak ko lalo na ang puso ko na nag sasabing hindi ako tunay na anak nila. Medyo napapansin  ko rin naman eh. Hindi ako masyadong malapit sa kanila. Para ngang wala akong namana sa kanila physically.

Its weird and I need to find out what is real and what is the fake one. At bukas ko sisimulan ang pagkalap ng mga ebidensiya.

A/N: Nag bago ako ng cover people. Hope you like it. Yawoo!

Captivated by Foxy Lady [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon