PRELUDE

7.5K 89 0
                                    


PRELUDE

"Sir! May meeting daw po kayo sabi ng sekretarya niyo." ani ng isang kong empleyado.


"Bakit hindi siya ang papuntahin mo dito? Angelica hindi ito ang trabaho mo trabaho yan ng sekretarya ko." wika ko. Siya si Angelica Villa Cruz. Siya ay isa sa matagal ko nang empleyado sa kumpanya. Siya ang nag hahasa sa mga baguhang empleyado sa kumpanya.

Matagal na ang kumpanyang ito nagsimula akong mamahala dito nang iwan ito ng daddy at mas piniling mag patakbo ng bagong negosyo sa labas ng bansa.

Kard Closet. Yan ang pangalan ng kumpanyang pinamamahalaan ko. Mahigit apat na taon ko nang pinamamahalaan ito, at nang pumanaw naman ang daddy si Aldrin na ang namahala sa negosyo namin sa labas ng bansa. Siya si Aldrin Dale Gonzales ang nakakatanda kong kapatid. Dalawa lamang kami ako at siya. Samatala ang ina namin ay matagal nang patay, nang ipapanganak ang bunso naming si Kia dito siya namatay masyadong naging delikado ang buhay niya. Hindi nailabas sa madaling panahon ang kapatid namin na iyon ang naging dahilan nang pagkawala ng napakagandang anghel sa pamilya namin.

Maganda naman kaming namumuhay magkapatid. May sariling bahay at negosyong pinamana ng aming ama. Ilang taon na lamang ang hinahantay ng aking kuya at magdedesisyon na itong pakasalan ang kaniyang kasintahang si Maddie.

"Sir nag mamas---" natigilan si Angel nang pumasok sa opisina ang sekretarya ko. "Hoy Angel naman! Sabi kong sekreto lang natin yon. Shhh quite ka lang" wika ng sekretarya ko.

Matagal ko na ring alam ang kagaguhan ng sekretarya kong si Yve. Pinag nanasaan ako nito gamit ang mga stolen pictures ko na kinuha niya mismo. Minsan kapag mag kausap kami bigla na lang niyang hahablutin ang kayang telepono at kukuhanan ako ng litrato. Kung minsan naman ay kapag may meeting kami.

Kung hindi naman ang mga post ko sa IG ang pagtitripan nito. Proud lang naman ako sa katawan ko matagal ko nang iniingatan ito. Bata pa ako nang mabully ako dahil tabain ako, matakaw din kasi ako. Naging ganito ang katawan ko simula pagkabata hanggang highschool. Nang tumapak ako ng senior high na curious na ako sa katawan ko kaya dito ako nag simulang mag papayat kaya hanggang ngayon maintain ko ang katawan ko.

Being fit is enough but for me isn't. Kaya mas hinigitan ko ang pagiging fit. Kaya nang nagkaroon na ako ng abs bihira na lang akong mag exercise pero diet is always applied.

"Sir pinagnasaan ko pa kasi ang makisig mong katawan." ani ng sekretarya ko. Maganda naman ito kung tutuusin makinis at puti ang balat nito. Nakakaakit ang natural na kulot na buhok nito at higit sa lahat ang napakaganda nitong brown eyes.

"Titigil mo ba yan o mawawalan ka nang trabaho?" pakikipag kumpetensiya ko dito.

"Sir natural lang na maganda ang sekretarya niyo dapat nga ipagpasalamat niyo ito. Napakaganda kong babae at napaka ganda niyo rin lalaki. Aba maganda ang magiging lahi ng anak natin kung sakali." pag bibiro nito. Napaka taas din nang tingin nito sa sarili tutal tama naman siya. Maganda siya, at higit sa lahat matalino itong tao nakapagtapos ito sa kursong pag aabugasya. Pero hindi niya ito pinili bilang trabaho kasi marami daw namamatay dito sa pag babanta ng buhay.

Hindi ako dito nakikipagtalo ng matagal kasi nangangatwiran lang ito.

"Alam mo wala ka namang mapapala sakin Yve. Hanggang pag nanasa ka lang. Walang iba. Sekretarya kita Boss mo ko. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama." sigaw ko dito. Nag iinit na ang ulo ko sa mga pinag sasabi ng babaeng ito. Hindi pa ba ako nasanay ganito na ang tingin ng mga babae sakin. Ilang sekretarya na ang winalan ko ng trabaho dahil sa mali nilang pakikipagtungo sakin. Pero siya siya lang ang hindi ko sinetante. Isang taon na itong nagtatrabaho dito minsan lang naman ito nag kakaganyan. Minsan din nasa katinuan ito.

"Grabe ka naman Sir hindi niyo naman kailangan sabihin yan sakin. Alam ko naman ang katayuan ko. Bakit ba paulit ulit mo na lang sinasabi yan sakin? Bakit ba parang pinapamukha mo sakin na wala akong magandang tinapusan? Kung tutuusin isa akong abogado. May lisensiya ako nang pag aabugasya. Pero hindi ko kinuhang pagtrabahuhan ito, dahil sa malalim na dahilan. Namatay ang kababata kong kapatid dahil dito. Pinatay siya ng isang senador dahil sa mali niya daw na pangangatwiran. Bilang kapatid niya hustisiya pa rin ang habol ko. Gusto ko pa rin bigyan ito ng hustisya kahit matagal nang panahon ito." mahabang paliwanag nito. Tinalikuran ako nito at bago pa man ito tuluyang makaalis malakas na sampal ang bumulaga sakin.

"Wala kang alam sa kwento ng buhay ko. Wag kang mangialam dahil hindi ko pinakialaman ang buhay mo. Matagal na akong nag titimpi sa mga ginagawa mo sakin pero binalewala ko lang iyon dahil nirerespeto kita bilang boss ko at sana naman irespeto mo din ako bilang empleyado mo. Hindi lahat ng empleyado mo tama ang pag turing mo. Sana naman maging fair ka sa lahat hindi lang sa paborito mong empleyado. Dahil ginagawa din namin ang lahat ng makakaya namin para di mapahiya ng boss namin pati na rin ang kumpanya. May meeting ka kila Mr. Cargo 3pm at ki Mr. Suares 9pm. Nag reserve na ako ng meeting place itanong mo na lang sa paborito mong empleyado na si Krisia" pahabol nito.

Gusto ko man siyang kausapin pa nang tuluyan na ako nitong nilisan. Masasakit ang binato nitong mga salita pero natulala ako nang makita ko itong lumabas sa opisina na luhaan alam ko na kanina pa niya pinipigilan ang pagtakas ng mga luha niya.

Mas lalo akong nanlambot ng mangatal ang kabila kong pisngi at nang tignan ko ito namumula. The fuck

"BES bakit ganon?" pagtatanong ko sa kaibigan kong si Trisha. Siya lang ang takbuhan ko kapag may problema. Nasa lahi na naming mga Alarcon ang pagiging abogado. Kaya ganun ang naging trabaho ng mga magulang ko ganun na rin sa dalawa ko pang kapatid na sila Ivy at Edgar.

"Alam mo kasi Yve wag ka nang umasa sa demonyo mong boss. Alam mo naman hagak sa pera yun. Kaya niyang bilhin lahat pati nga tao kaya niya. Bes iba ang dala ng pera at kaya nitong paikutin ang tao. Pero depende pa rin sa tao kung mag papadala siya dito." mahabang paliwanag ni Trish.

"Alam mo Trish sobrang swerte mo. Kasi may Warren ka na tapos may Lia ka pa apaka swerteng tao. Tapos tanggap ka pa nang magulang mo at magulang ni Ren." wika ko.

Maagang nabuntis itong kaibigang kong si Trisha Peralta at nakapasaya ko nang ang nakabuntis dito ay si Warren Naro ang aking dakilang kababata. Bata pa lang kami nang malaman kong may lihim na pagtingin itong si Ren kay Trish. kaya ako bilang kaibigan suportado ko sila. Dalawang taon na ang nakakalipas nang ipanganak niya si Liana Peralta. Hindi pa kasal ang dalawa kaya napag desisyonan ng mag kasintahan na apilyedo muna ni Trish ang gamitin at sa panahong ikasal sila papalitan nila ito.

Kinuha nila akong ninang syempre kaibigan nila ako eh. Masaya naman akong makitang masayang namumuhay ang kaibigan ko. Nasa Pampanga ngayon ang mag ama. Dun daw kasi sila naninirahan pero nag pasya muna si Trish na bumalik sa Manila para bisitahin ang kanyang magulang kaya dun kami nag pasyang magkita.

"Ang tagal na nang panahon nang huli tayong magkita Sha. Two years na." wika ko. Dalawang taon na din ang anak nila pero simula nang lumipat sila sa Pampanga hindi ko na muling nakita ng anak nito.

"Miss ko na ang inaanak ko at miss ko na rin ang kaibigan ko." dagdag ko.

Captivated by Foxy Lady [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon