TWENTY EIGHTH

846 16 0
                                    


TWENTY EIGHTH

LABAG man sa kalooban ko na iwan ang taong mahal ko pero buo na ako. Umalis ako sa hotel pagkatapos ko mismong kumain. Nag paalam na rin ako dito.

Papunta na ako ngayon sa bahay ko. Wala muna akong balak pumasok sa pinah t-trabahuhan ko natawagan ko na rin sila at pumayag naman boss namin. Gusto ko munang mag pahinga pagod at walang gana ang katawan ko ngayon. Ewan ko kung bakit, para kasing gutom na gutom na ako pero parang hindi ko malunok ang pagkain kanina na inihanda niya. Kung tutuusin mga paborito ko pa iyon, pero kumain naman ako kahit yun ang problema ayoko din naman na nag isip pa siya na ang arte arte ko.

Medyo masakit pa nga ang ko kasi ikaw ba naman mag lakad na pagka layo layo.
Buti na lang at nakita ko ulit si Carl pero nakakahiya naman na makisakay pa. Syempre baka isipin niya abuso na ako sa kanya. "Sakay na." ani nito umiling na lang ako. Nakakahiya na din eh. "Wag na nakakahiya"

"Wag ka nang mahiya. Ano ba naman yan. Jowain mo na kasi ako" aba aba...Lakas din ng tama ng lalakeng ito. Kakagaling ko pa lang nga sa break up papasok na naman agad ako sa isang relasyon. Ano na lang iisipin ni Clover na ang dali ko naman siyang palitan pero wala na rin naman siyang pake sa akin....niloloko ko na lang naman sarili ko. Sabagay dapat wala na rin siyang pake alam kasi past ko na siya. Pero masakit pa rin eh....yung puso ko. Pero hayaan mo na para din naman makalimutan ko pansamantala ang lalakeng iyon.

"Mangligaw ka muna. Atat ka" angal ko dito. Pa ayaw ayaw pa ako sasakay lang din naman pala ako. Hay self...gago mo minsan.

"Sige ba" ayy talagang seryoso ito sa akin. Tanggap o matatanggap pa kaya niya ako kung may ka anak na ako kay Clover? Natatakot ako na sabihin sa kanya baka kasi mag bago ang isip niya. Sabihin ko na kaya sa kanya ngayon na manliligaw pa lang siya kasi kung umayaw man siya di ako masyadong mahihirapan. "Uhmm...may gusto sana akong sabihin" panimula ko. Kinakabahan talaga ako baka wala nang taong tumangap sa akin. Ang hirap lalo na at wala akong masasandigan ng problema ko wala ang mapag kakatiwalaan kong mga kaibigan. Ako ang dahilan kaya napahamak ang buhay ni Trisha at hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa pag kakamaling iyon.

Sa ngayon maayos na ang lagay niya matagal na rin naman siyang magaling sa pamilya na ni Trish tumitira ang mag ama. Hindi na sila bumubukod. Natatakot na kasi magulang niya para sa kanila. Kaya nasa Tarlac na sila ngayon. Kasama ang anak nila.

"Ano iyon?"

"Paano kung ano?"

"Ano?" naguguluhan niyang tanong. Nakakunot noo ito. "Mahal mo ba talaga ako?" pag dududa ko.

"Mahal kita. Kung hindi kita mahal bakit ang desidido kong ligawan ka? Yvette mahal kita kaya nga nililigawan na kita kasi iyon ang gusto mo. Tandaan mo ito, kapag todo mag effort ang isang lalake sa nililigawan niya it only means one thing mahal niya talaga ito at ganoon ako sa iyo." mahaba nitong paliwanag. Aasahan ko na naman yan. Sa pangalawang pag kakataon isusugal ko na naman ang puso ko.

"Paano kung mag ka anak ako kay Clover?" direstso kong tanong dito. Natahimik ito na tila ba ay may malalim na iniisip wala akong magawa kundi hintayin ang isasagot niya. "It doesn't matter to me. If that child is from Clover, I can love him/her. Ang mahalaga ay mag focus tayo kung anong meron tayo. Let the past go and fade away. Hayaan mo na si Clover, Yvette I am here I can be your protector in all things."

I was expecting him to be mad at me but look...he understood the situation. I think we are really destined.

Napangiti ako. Gusto ko malaman ang buong pangalan niya Carl lang kasi ang alam ko baka maganda pa apilyedo niya bagay na talaga kami. "Hey. Gusto ko lang sana nalaman full name mo"

"Okay. Carlo Valencia" pinara nito ang sasakyan at nakipag kamay ng pormal. "Pwede ko bang malaman buo mong pangalan miss?"

"Yvette. Aerish Yvette Alarcon" nabigla ito sa sinabi ko. Hoy lalake di ako nag j-joke. "A-alarcon k-ka?" nauutal nitong tanong na parang di makapaniwala. "Oo. Mag drive ka na nga diyan" at sumunod naman ito. Kain daw muna kami kasi gutom na daw siya. Parehas din pala kami ng lalakeng ito napakahilig sa mga pag kain.

INIWAN ko si Clover habang naliligo ito. Nag iwan na lang ako ng note na nakalagay na thankyou wish ko lang naman sa kanya ay maging masaya siya sa buhay niya kasi masaya na ako ngayon.

"Ubusin mo yan" ani nito sa akin. Kumain kami sa may Jollibee at napakarami ng inorder niya dadalawa lang naman kami. "Tulungan mo akong ubusin to. Ang dami mo kasing inorder sayang naman"

Tahimik kaming kumain. Umayaw na ako kasi feeling ko sasabog na ang tiyan ko. Feeling ko tuloy ang taba ko na at ang bigat. Nakakahiya nang mag pabuhat pa. "Busog na ako ayoko na"

"Ayaw muna pero hindi mo pa tinitigilan ang fries" ayy oo nga pala no. Ang sarap kasi ng fries tapos nung float na binili niya, masarap talaga kumain kapag libre. "Take out na natin to" tinuro ko ang fries, ang dami niyang binili mga apat ata tapos large size pa. Tapos dalawang float ako lang naman umiinom may apat pang burger may tirang isa balak ko na lang sana ibigay sa lalakeng nakita ko doon sa may parking lot kung nandoon pa.

"Take out na namin to lahat" wika niya sa waiter.

Ayaw niya pa akong iuwi gusto niya pa daw kasi akong makasama, road trip lang kami ikot ikot lang. Masaya siyang kasama hindi boring hindi siya kagaya ni Clo na tahimik at masungitin. Madali lang siyang pakisamahan. May pagkamaharot din na pareho kay Clo.

"Masaya ka ba? Sa akin? What I mean okay lang ba akong kasama?"

Bakit naman hindi? Mas ideal man ka pa keysa kay Clover. Sana noon pa kita nakilala edi sana maganda ang first true love ko. Malas ko kasi ki Clover ko na nga naisuko ang Bataan tapos siya pa ang unang nanakit sa puso ko. May minahal na rin naman akong lalake before noong college student ako siya si Jake. Campus heartrob kasi varsity player siya guwapo din syempre at matalino. Naging kami? Oo syempre siya ang first love ko hindi lang nga true.

Kala niyo umabot kami ng years? Months? Weeks? No! Fuck! Three days lang naging kami. Tangina sabi ko noon sa sarili ko ang gago ko alam ko naman na playboy ang lakakeng iyon nag pa uto pa ako. Pero kala niyo iniyakan ko? Syempre oo din naman halos mabatukan nga ako ni Trish noon. Ang tanga ko daw kasi nag pa uto ako. Tapos si Ren naman todo kung promotekta kala ko may gusto sa akin yung pala nag papa impress lang kay Trish.

"Okay kang kasama Carlo. Masaya nga ako ngayon dahil sa iyo" totoo talaga pinasaya ako ng lalakeng ito.

"Hatid na kita mukhang pinagod ka niya kagabi. Tama ba ako? Ano ba siya? Mahaba ba? Malaki?" here it goes. Those dirty talks....hinampas ko ang braso nito ang halay niya rin pero mukhang malala ang lalakeng ito.

"Ang bastos mo!" angal ko dito. At tinawanan lang ako. "Nag tatanong lang naman ako"

"Pwes ang dumi mo mag tanong!"

Captivated by Foxy Lady [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon