FORTY EIGHTH

770 11 1
                                    


FORTY EIGHTH

DITO na sa amin natulog si Clover gusto niya daw kasi makasama ang anak niya at gusto niya rin daw ako makasama. Ang saya ng gabi namin kahapon, kasama namin sa hapunan sila mama at KC.

Tanggap naman siya ni mama syempre pinanagutan niya naman daw kasi ako, kahit hindi maganda ang nakaraan namin at kahit mali na nabuntis niya ako ng maaga tinaggap pa rin siya ni mama. Mag kakatabi kami sa kwarto isang masayang pamilya kung ituring ko ito.

"Yvette?"

"Hmm?"

Kakakain lang din naman namin, nilabas na muna ni mama si Caye para masikatan ng araw. Maaga pa naman kasi kaya may vitamins pa ang sikat ni haring araw.

Samantalang si KC ayun nasa bahay ng boyfriend niya inamin niya na rin naman sa akin. Ang pangalan ng boyfriend niya ay si Jason. Kinukumbinsi ko nga siya na dalhin naman dito sa bahay pero ayaw pa niya. Binalaan ko din siya na wag muna isuko ang bataan na wag gawing monthsary gift, kasi actually ang virginity ng isang babae napaka mahalaga, ibinibigay ito sa gabi kung kailan kayo ikinasal wedding gift sa lalake kung sabihin ng iba.

Pero base ngayon, hindi na. May mga lalake kasi na sex lang ang habol sa babae, may mga lalake din naman na hindi.

Mga lalake na sasabihan ka na 'Ibigay mo sa akin ang lahat ng gusto ko kasi mahal mo ako di ba?' pag ganyan ang linyahan ng lalakeng mahal mo, iwan mo na dahil hindi matinong lalake ang minamahal mo.

"Pwede ba?"

"Na ano na naman?"

"Sa bahay na lang tayo para may privacy din tayo, gusto talaga kasi kitang ma solo" mga ganyang linyahan. Ibig sabihin niyan may balak na naman sa iyo. May balak na naman ang Clover.

"Tigilan mo nga ako Clover! Mga linyahan mo! May balak ka na naman sa akin no?" inirapan ko ito. Sa bagay ilang taon din walang sex. Hay! Ano ba tong utak ko! May anak na kami kung ano ano pa iniisip ko! Natahimik ito kala niya ha. Tama nga may balak ang Clover.

"Sige na sige na sige na sa bahay niyo na"

"Talaga?" masayang tanong nito. Eto na naman tayo, kakasabi ko pa lang parang parating nag dududa.

"Wag na nga para kasing hindi ka na naman naniniwala" pag susungit ko dito. "Sige na halika na, punta na tayo sa bahay"

"Okay"

Sakto lang naman nakapasok na sila mama at Caye sa bahay. Solo tuloy si mama dito ayaw ko pa naman siya iwan. Wala tuloy mag babantay sa kanya. "KC?" tinawagan ko ito

"Yes ate?" baka pauwi na rin siya.

"Ikaw na muna bantay kay mama pupunta kasi kami sa bahay nila Clover. Baka matagalan pa kami doon. Gusto kasi ng privacy ni Clover" sana naman pumayag na siya kung hindi syempre hindi ko kayang iwan dito si mama ng walang bantay. Lalo na minsan bigla na lang siya umaalis sa bahay tapos hindi niya na malalaman ang way pabalik dito.
"Sige ate lock mo na lang yung gate"

HETO na kami ngayon sa bahay ni Clover, wala naman pinag bago dati pa rin naman. Hindi kasi siya mahilig mag stay sa bahay niya palagi siyang nasa condo or sa hotel.

Wala naman kasi siyang kasama dito sabi niya kasi sa akin tsaka na raw siya titira sa bahay niya kapag may pamilya na siya. Kaya siguro gusto niya na sa bahay niya na kami tumira. Tama naman kasi siya kailangan din namin ng privacy syempre kahit hindi pa naman kami kasal, pero kami na ba ulit?

Ay! Oo nga pala kami na...ulit.

"May kwarto si Caye sa taas dun na lang siya tapos tayo."

"Tayo? Ano?"

"Mag katabi syempre, nakagawa na nga tayo ng anak mag hihiwalay pa tayo ng kama" may sa bastos din talaga ang lalakeng ito. Sana hindi mag mana sa kanya si Caye na mag mahalay na pag iisip.

"Ang halay mo! May plano ka lang!"

"Shh."

Nilibot libot muna namin si Caye sa bahay niya, na bahay na namin daw. "May tao sa taas niyo?" para kasing may naririnig ako or baka huni huni ko lang iyon.

"Natin."

"Okay natin"

"Walang tao dito." edi sino iyon? Multo? Yan kasi hindi tinitirhan ang bahay niya minumulto na tuloy. Nakakatakot na tuloy mag isa.

"Teka titingan ko"

Sini kaya yun? Wala naman siyang mga katulong dito tangging guards lang sa mag gate ang tao dito. Bumaba ito ng kunot ang noo. Sino kaya yun? Baka kuya niya. God! Mapapahamak kami dito.

"Clover!" sigaw ng kuya niya.
"What are you doing here? Bat ka ba nila pinapasok sa bahay ko? At saka you cant harm my son and my fiancee" fiancee? Fiancee ng mukha niya wala pa ngang proposal na nagaganap fiancee niya na agad ako? Wow ang advance mag isip. Pag nag propose kaya to 'no' ang isagot ko, di ba para ma thrill.

"Gusto ko lang mag sorry Clover, Yvette"

"Sorry? Fuck!"

"Clover!" pag tataas ko ng bosses dito. Kahit may nagawa pang kasalanan ang kuya niya kuya niya pa rin naman ito. Kahit pa ang kuya niya pa ang pinaka masamang tao dapat matuto siyang mag patawad at babaan ang pride niya. Pamilya sila, hindi pwede ganoon ganon lang. Ayoko na ako ang maging dahilan ng hindi nila pag kaka unawaan. Na misunderstand lang iyon ni Aldrin. He just want to protect his brother, but the way he protect his brother was not in good way.

"Fine. So? Sorry lang?"

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Gusto ko lang na suportahan mo ang pagmamahalan namin ni Yvette. Supportahan mo kami yun lang at huwag na ulit kaming guluhin"

"Sige kung yan ang gusto ng kapatid ko. Susuportahan kita. Alis na ako, by the way pasensiya ka na ulit Yvette."
"Okay." pag katapos nito mag salita umalis na ito. Sa wakas okay na ulit ang lahat. Wala na ulit mga problema kung meron man dumating for sure magkasama na kami ni Clover na haharapin ito.

"Caye? Gutom na ikaw?" nilapitan ko ang anak ko na busy sa pag lalaro ng mga laruan sa bahay ni Clover, siguro talagang pinag handaan niya ang paglipat namin dito. Hay ang lalake talagang ito. "Clover? Gawan mo ito ng cerelac. Siguro marunong ka naman gumawa?" pang uutos ko dito.

"Syempre ako pa? Magaling kaya ako diyan. Pati sa pag gawa ng bata. Diba kita mo? Maganda ang lahi" ang taas talaga ng tingin niya sa sarili niya, pero nakakainis na rin naman kasi minsan sana talaga.

Sana lang talaga hindi siya magmana kay Clover na napaka taas ng tingin sa sarili nakakainis na kasi minsan.

"Ikaw alam mo! Nakakainis na ang taas ng tingin mo sa sarili mo! Alam mo sana talaga hindi magmana sayo si Caye" kung wala lang siguro kaming anak ngayon grabe na sana ang harutan at takbuhan namin ngayon. Pero masaya rin naman ngayon na may anak na kami. Mas nagiging mature kami mag handle ng relasyon namin.

"Ako na mag papakain kay Caye. Ayusin mo na mga gamit niyo sa taas tapos maligo ka na rin" pwede naman siya na ang gumawa nun ako pa talaga? Hay kalalakeng tao.

"Mamaya na ako maliligo"

"Sige sabay tayo" ayy. Mahalay masyado. Sino babantay sa anak niya? Wala naman kasing yaya. Pero mas maganda na nga na magulang na lang mag babantay sa anak kapag may yaya kasi sa yaya na sila mas nagiging close keysa sa magulang.

"Walang bantay sa anak mo"

"Kaya na niya sarili niya"

"Batukan kaya kita diyan!"

"Oo na sige na ikaw na mauna, basta mamayang gabi ha?"

"Ano?"

"Paisa?" paisa ng ano? Pwede naman niya iderekta na dami pang paikot ikot na sinasabi.

"Pwede ba. Iderekta mo na! Mag aayos pa ako sa taas di ba?"

"Sex tayo"

"Ha? Sige taas na ako" pag tatakas ko sa usapan. Bahala siya tatakasan ko siya mamayang gabi. Tatabi ako kay Caye hindi sa kanya. Patagal tagalin muna natin syempre para mas maganda. Nakkahiya naman kasi sa anak namin kung na pano kung makita kami. O marinig? Yucks! Kadiri kaya yun!

Captivated by Foxy Lady [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon