ACE'S POINT OF VIEW:
Maaga akong nagising dahil pwede na daw akong lumabas at umuwi sa amin, ayoko pa sana ngunit kailangan daw.
Nandito ngayon si Eion na siya na ang pinagliligpit ng mga kalat at damit, samantalang ang dalawa ay natutulog pa.
“Gising ka na pala” Ani nito kaya nginitian ko.
“Oo eh” Tipid na sagot ko.
Paano ko ba sasabihin?
Tinignan ko lang siya at hinayaan mag ayos. Wala akong balak na tulongan siya, hindi rin na man siya nanghihingi ng tulong.
Panay ang buntong hininga ko dahil hindi ko alam kong dapat ko bang sabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin.
Alam kong naririnig niya ang aking mga malalakas na buntong hininga, sinadya ko talaga yun.
“May sasabihin ka?” Sa wakas ay napansin niya rin ngunit hindi niya ako nilingon.
“A-Ano... N-Ngayon...” Patuloy ko at tumingin na ito sa akin. “W-Wala... A-Anong oras ba...” Kinagat ko ang aking pangibabang labi dahil sa subrang kaba. “Y-Yung... H-Hindi pa ba sila uuwi?” Halos pabulong ko sabi.
Humalakhak ito dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
“Wag mo na akong paikotin kilala kita Hahahaha” Ani nito at nilakasan ang tawa.
Tinignan ko siya ng masama at ng maramdaman niya ang awra ko ay kibit balikat ito nakatingin sa akin.
“... Walang sinabi sa akin si Marry kong kailan uuwi si Kate” Dagdag nito kaya tumingin ako sa bintana.
Bakit? Magkaprehas na man kaming sinugod dito sa hospital, bakit hindi pa siya pwedeng umuwi?
“Dito na lang kaya ako?” Wala sa sariling tanong ko at naramdaman kong natigilan siya.
“Hala siya, nailove na” Mahina ngunit dinig ko kaya tumingin ako sa kaniya at hindi man lang binigyan ng reaction.
“... Pasokan na bukas kaya hindi ka pwedeng mag stay dito, alam ng lahat na maayos ka na” Dagdag ni Eion.
“Eh? Bakit si Kate? Bakit hindi pa sila pwedeng umuwi?”
“Aba! Malay ko dun”
“Tignan mo siya at magtanong ka rin sa syota mo” Utos ko sa kaniya at nagsimula na siyang magkamot ng ulo.
“Ace, alam mo na mang hindi ako makakalapi—”
“Balitaan mo ko, ngayon na” Putol sa akma niyang sasabihin.
Huminga pa ito ng malilim at humilot sa kaniyang sintido at dahang dahang lumabas. Sa paglabas niya hindi ko maiwasang mag isip na kong ano ano.
Bakit na man kaya hindi siya pwedeng lumabas dito sa hospital? May nangyari kaya? Mas malala ba ang tama niya?
Tumingin ako sa aking sout na ngayon ay hindi na panghospital. Napapikit ako dahil nararamdaman ko parin ang lakas ng kabog na nasa dibdib ko, wala akong alam kong ano ang nagyayari sa akin. Pero isa lang ang masasabi ko. Kakaiba. Kakaiba ito, para bang ito ang unang beses na naramdaman ko.
Ilang minuto akong nakatayo habang nakatingin sa bintana na ngayon ay nakikita ko anv ulap at kalangitan.
Napakatahimik nito.
Bigla na lang akong naalarma ng maramdaman kong may papasok kaya tumingin agad ako sa pinto ngunit nakabukas na ito.
Ang alam ko ay nakasira ito pag alis ni Eion, Pero bakit nakabukas?.
YOU ARE READING
Mafia Queen Meet The Four Heart Throb (UNDER EDITED)
ActionA story is about two groups taking revenge on their only opponent, they will do everything to find who's behind all of the shit. But how can they overcome their obstacle test when there something happen that they didn't expect. Will their revenge co...