CHAPTER 56: CHILL AND PRANK

181 13 0
                                    

ACE'S POINT OF VIEW:

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko galing sa labas. Pero ang pinagtataka ko ay hindi ko kayang makadilat tila ba’y tulog ang katawan ko pero gising na man ang diwa ko. May naririnig akong mga sigawan, malabo ito at hindi ko maintindihan.

Pero ganun na lang ang gulat ko ng may nakita akong imahe, isang lalaking mas matanda pa sa akin. Nakatalikod ito kaya hindi ko nakilala, magsasalita na sana ako pero walang lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko maintindihan pero unti unti na lang itong lumakad palayo sa akin.

Sumonod ako sa kaniya at sinundan siya kong saan man siya magpunta. Hanggang sa huminto siya sa may pinto, luminga linga ako pero iisang pinto lang at yun ay ang kaharap niya.

Bigla na lang kumabog ng mabilis ang puso ko sa di malamang dahilan. Pigla na lang siyang humarap sa akin, at sa gulat ko ay napaatras ako.

“C-Clark?”

Hindi siya nagsalita at ngumiti lang ito, dahan dahan siyang umatras at laking gulat ko dahil na ka bukas na ang pinto.

Tatakbo sana ako sa kaniya pero hindi na ako makagalaw, gusto ko sa nang magsalit pero hindi na ako makapagsalita.

Hanggang sa may mga sinabi siya pero hindi ko na marinig, hindi ko na rin siya makita dahil bigla na lang umilaw dahilan para mapapikit ako.

“ACE!” Sigaw ng kong sino dahilan para makablikwasa ako ng bangon.

Habol na habol ko ang hininga ko, hindi ko rin alam pero nagtagaktak ang pawis ko.

Nilibot ko ang aking paningin at dun ko lang na malayan na hindi ito ang kwarto ko, isang hospital room kong saan nandito ako at kasama ang kaibigan at Dad ko na ngayon puno ng pagalala.

“Son, Are you okay? Kanina ka pa namin ginigising” Paliwanag ni Dad na may pagalala pa sa kaniyang tuno.

“Bro, Wala bang masakit sa’yo? Ano? Tatawag kami ng doctor kong gusto mo?” Sunod na sunod na tanong ni Eion sa akin pero hindi ito nakatanggap ng sagot galing sa akin.

“Hey! C’mon tell us, May masakit ba sa’yo? Magsalita ka Ace!” Ani ni Jake pero sinulyapan ko lang siya at hindi sinagot.

“Hoy! Natatae ka ba?” Tanong ni Troy kaya binatokan siya ng dalawa samantalang si Dad ay nakatingin lang sa akin.

“Ano ka ba! Seryoso to! Mamaya ka na mag biro!” Sigaw ni Eion sa kaniya.

“S-Sorry na man” Pagmamaktol niya sabay himas sa batok.

“Bibili lang ako ng pagkain sa inyo” Paalam ni Dad at hindi na hinintay ang sagot namin kaya umalis na ito.

Tumingin muna kami sa kaniya nang nakalabas na si Dad ay binaling na nila ang tingin sa akin na puno ng pagalala.

Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa pinto dahil naalala ko ang panaghinip ko na hindi ko maintindihan.

“Oy, Seryoso nato Ace may masakit ba sayo?” Si Eion.

Mafia Queen Meet The Four Heart Throb (UNDER EDITED)Where stories live. Discover now