CHAPTER 53: THE BOOM (PART THREE)

170 12 0
                                    

FIRE (PART THREE)
[THE WARM ZONE]

MARRY'S POINT OF VIEW

Nang matapus ang pagsabog na naganap ay inahanda na namin ang iba pang pasabog na gaganapin palang, kailangan lang namin ng tamang tyempo.

Hinihintay namin ay hudyat nila Eion at Jake sa loob ng sasakyan, may tatangalin silang mga security sa loob ng bahay. Nandito parin kami ni Trixi sa labas kong saan readying ready na sa gaganaping pagsabog.

“Sa tingin mo mag tatagumpay kaya tayo?” Sabi niya sa kawalan.

“Alam mo bang hindi ko alam na siya pala ang magiging kalaban natin? Tinuring ko na siyang totoong ate dahil palagi niya tayong nililigtas at tinuturoan nun?”

“Nong una? Parihas lang tayo, hindi ko rin alam kong bakit sa dinami dami ng nakalaban natin sa Mafia War siya lang ang kaisang isang taong naturingan nating kasama.”

“Wala tayong magagawa, gusto niya ang position na meron  na ngayon kay Kate, isa pa hindi natin siya masisi dahil siya ang nagturo kay Kate kong paano lumaban at maging matapang.”

“Pero napansin mo? Hindi man lang nakaramdam ng inggit si Alice at Aliyah sa kanya?”

“Dahil si Alice, Mabait at tanggap ang katotohanan, pero si Aliyah? Hindi ko alam kong anong trip ng babaeng yun” kunot noo kong bigkas.

Oo, Masama si Aliyah pero kahit kailan hindi ito naramadam ng inggit kay Kate, nagagalit lamang ito sa di namin malamang dahilan.

Si Alice at Aliyah ay magkasama na at palaging nagkadikit silang dalawa lang ang palaging nagliligtas sa kanila sa isa’t isa walang pakialam si Aliyah sa iba pero dumating na lang yung araw na nag iba si Aliyah kaya ganun na lang ang pagtataka namin dahil hindi na sila nagkakasama at nagkakausap hanggang ngyaon.

“Ayokong manghinala pero.. sa tingin mo may kinalaman siya sa pagpatay sa kuya ni Kate?” Tanong niya na ikinagulat ko.

“Sino? Si ate?”

“Hindi. Si Aliyah”

“Paano mo nasabi? At paano nangyari yun?”

“Naalala mo yung bata pa tayo? Yung iniwan tayo ni ate sa small house, siya lang mag isa ang nakakita sa atin diba?” Tanong niya kaya tumango ako. “Pero bago niya tayo nakita, sumigaw si kate na parang nakikita niya ang kuya niya nung gabing yun diba? Kaso bigla na lang umiyak si Kate na parang may nangyaring hindi maganda sa kuya niya, kaya simula nun nagiging matahimikin na si Kate.”

Tama siya, lahat ng nun ay nangyari nagiging matahimikin ni Kate at palagi nang nagagalit hindi na rin siya palaging lumalabas sa kanilang tahanan dati.

“Pero diba hindi pa nakikita ang bangkay ng kuya niya?”

“Seriously? Ang tagal na nun! Syempre patay na yun!”

“Oo nga tama ka, patay na ang kuya niya.. patay na ang presentya nito pero walang nakakaalam kong patay na ba ang katawan niya!” Seryoso kong sabi sa kaniya.

"Whatever!" Ani niya na wala ng masabi.

Ayokong manghinala na hindi pa kumpirmado, ang ayoko sa lahat ay yung manghihinala na nga wala pang kasiguroduhan.

Minsan lang ako mag seryoso, minsan lang ako gumamit ng biro. Kaya pag nagseryoso ako ibig sabihin hindi ko nagustohan ang kaniyang sinabi.

Huminga ako ng malalim dahil ilang minuto na kami naghihintay pero wala paring hudyat, kailangan na naming makapasok sa loob, gusto ko ng makaharap si Ate.

Gusto kong malaman kong bakit niya ginagawa ang ganito bagay? Dahil ba talaga sa inggit? O baka may dahilan pa ito kong bakit niya kailangan sakatan ang kapatid niya!

Mafia Queen Meet The Four Heart Throb (UNDER EDITED)Where stories live. Discover now