SPECIAL CHAPTER: KATE SUVIA SEJHATRIAZ FORRESTER

336 22 0
                                    

Hinilot ko ang leeg ko dahil sumasakit ito sa pagyuyuko ko. I close my eyes for a second at sa pagdilat ko ay muntik pa akong mahulog sa upoan.

"You fucking, muntik na akong atakihin!" Reklamo ko.

Sino naman kasing hindi matutuwa na subrang tahimik ng paligid tapus pipikit ka lang sandali at may mukha na lumapit sa pagmumukha mo!?

Sinamaan ko ng tingin si Marry na siyang dahilan na pagkagulat ko. "Bakit ka ba nangugulat!?"

"Wala, trip ko lang."

"Letse yang trip."

Huminga ako ng malalim at tinitigan silang tatlo na siyang pumasok sa kwarto ko.

"Dito matutulog sila Jake." Paliwanag ni Alice sa akin.

"Oh tapus?"

Napamewang si Trixi. "Gagamitin nila ang extra room, kong kaya't nag desisyon kaming dito kami sa kwarto mo matulog."

Napataas ang kilay ko dahil dun. "Marami namang extra ro—"

"Wala na napag-desisyonan na namin." Pagpuputol ni Marry at umopo pa sa kama ko.

I rolled my eyes. "Kwarto ko to kong kaya't desisyon ko."

Hindi nila ako sinagot at naglatag na sila ng bed sheet sa baba! Mga walang hiya talaga! May mga kaibigan talaga tayong ang kakapal ng mukha kong umasta parang sa kanilang bahay eh.

Tumayo ako galing sa paguupo at lumapit kay Marry na naka upo lang sa kama habang ang dalawa naman ay naglatag.

Nang naka upo na ako ay tinignan ako ni Marry at ngumiti ito sa akin kaya ay ngumiti rin ako.

"Walang hiya talaga kayo." Sabi ko pa habang pinapanood sila Trixi.

Natawa ng mahina si Marry. "Dati pa, Kate. Ngayon mo lang alam?."

I rolled my eyes kong kaya't natawa si Marry. "Maldita talaga."

Nang natapus sila sa paglalatag ay sumabay na kami ni Marry sa pag higa sa kanila dun. Nasa gitna ako at si Marry habang ang dalawa naman ay nasa gilid namin.

Tinaas ni Alice ang kaniyang kamay na siyang nasa gilid ni Marry. "Parang kahapon lang nagpa-plano pa tayo na magkunwaring pangit."

Napangiti ako at inaalala ang mga nangyari sa araw nayun, Yung araw na nagpla-plano pa kaming alamin kong sino ang punot dulo ng lahat at yung araw na sinabi kong mag-di-disguis ako upang walang makakakilala sa akin.

Natawa si Marry. "Oo nga eh, yung araw rin nun kong saan una tayong binanga ni Stephanie."

"Wala eh, may Mafia Princess tayo." Pasimpling tumingin sa akin si Trixi bago natawa sila.

"Speaking of Stephanie, nasaan na kaya yun?" Tanong ni Alice.

"Baka umalis? Hula lang since hindi na siya sa school natin pumapasok." Ani ni Trixi

"Ewan ko, paki ko ba?." Mataray na sabi ko.

"Hindi yata kinaya ang kagandahan natin kaya umalis." Mayabang na sabi ni Marry.

Nag karoon ng ilang segundong katahimikan, bago natawa si Marry kaya taka kaming tumingin sa kaniya.

"Naalala ko lang, yung araw na nasa canteen tayo at nagtatapunan ng kong ano-ano," Natawa kami sa sinabi ni Marry. "Na office pa nga tayong lahat nun."

Natawa ng malakas si Trixi kaya napatingin kami sa kaniya. "Eh, yung araw na nasa science room tayo? Naalala ko pa ang mga mukha niyo nung nagulat kayo! Laughtrip yun!"

Mafia Queen Meet The Four Heart Throb (UNDER EDITED)Where stories live. Discover now