Karnabal,buhay at pagibig

32 1 0
                                    

Palinga -linga ang isang lalaki sa labas
ng di kalakihang kubol yari sa plywood hindi ito kumatok at tuloy-tuloy itong itinulak ng marahan ang pinto alam na alam nito ang pupuntahan sa bandang kanan pagpasok ng pinto ay hinagilap ng mga mata nito ang babaeng nakaupo
nakaharap sa isang mesa at parang may isinusulat."Ay,kabayo!"
"Pogi bang kabayo?"Tanong nito.

Nabigla ito sa biglang sulpot ng lalaki.
"Ano ka ba Norman?nakakagulat ka!"
Sabay irap sa binata pero sumasal ang
dibdib sa presensya ng lalaki.Alam n'yang nanliligaw sa kanya ang binata
kaya lagi s'yang pinupuntahan at inaalalayan,pero ngayon dahil alam niyang wala ang tiyahin niya ay sumimple ito at pinuntahan siya.

Ilag kasi ito sa Manang niya kumbaga
nahihiya si Norman sa kanyang tiyahin.

"O,eh,bakit matamlay ka?"Tanong ng
binata sa dalagang naka recover na ss kanyang pagkagulat.

"Nagtatanong ka pa parang hindi mo
alam."Sabi ni Renee kinuha nito ang
notebook na hawak at iniharap sa binata sa mukha nito ang hawak na
notebook.

"Eh,anong meron dito sa notebook na
ito?"Maang ng lalaki pero sa isip ay alam nito ang dahilan.Mahina ang pasok ng pera sa karnabal.

"Hay,naku."Buntunghininga ng babae.
"Di mo ba nakikita ang listahan ang tumal-tumal ng benta,mahina ang koleksyon!"

"Akala mo hindi ko alam na kaya ka narito ay mahina rin at walang gaanong sumasakay sa ferriswheel mo,di ba?"Pagpapaamin nito sa binata.

"At sumisimple ka dahil alam mong
wala dito si titaGloria,no?"Pananalakab nito sa binata.

Kamot sa ulo ang binata,lumabas ang
mapuputi nitong ngipin at nagpaliit
sa mga mata nitong animo guhit na lang ang makikita na bumagay sa mukha nitong medyo pangahan.Parang batang Ramon Revilla o Manolo Pedrosa.

"Kaya nga sumimple ako sayo eh,para
malaman ko ang lagay ko puso mo."
Hindi nawawala ang ngiti sa labi ng binata.Pinagalaw pa nito ang makapal
na kanang kilay na nakaharap sa dalaga.

"Ah,gano'n."Kunwari'y inis na sabi ni
Renee sabay irap dito.Nabibighani si Norman sa ganoong kilos ng dalaga
hindi naman ito maarte.Ang mannerism na iyon na pairap-irap ang
isa sa nagustuhan niya dito bukod sa
maganda ito mayroong kalakihan itong mga mata na mapupungay kabaligtaran ng mga mata niyang medyo singkit parang sa mga Koreano.Bukod sa may mapupula itong labi na kahit alam mong hindi ito mahilig sa meyk-ap ay mapupula iyon na sa katulad niyang lalaki ay
napakasarap halikan.

"Hoy,mamang opetor ng ferriswheel
namamatanda yata kayo,panay ang
ngiti ninyo d'yan,magpatawas muna
kayo Mr.Operator baka nahipan ka ng
masamang hangin,hihihi."Hagikgik nito.

"Renee,naman eh."Medyo napipikong
sabi nito sa dalaga sabay kamot na
naman sa ulo kahit wala namang balakubak.At bigla parang sumiryoso ito at umupo sa mesa ng dalaga.

"Ano ba talaga lagay ko d'yan sa puso mo?"Animo nagmamakaawang tanong nito sa dalaga.

Ang dalaga naman ang parang nataranta sa tanong ng binata.Bigla itong napatingin sa kisame at parang
naghahanap ng butiki roon upang humingi ng tulong.Ngunit wala namang makitang butiki at tumingin
ito sa mga mata ng binata.

"Sasagutin kita hindi ngayon,kung may
sign na magpapahiwatig na kailangang sagutin na kita,ehhh di tayo na,kuha mo?"Sabay tulis ng nguso nito.Ngali-ngaling halikan ng binata ang nanunulis na nguso nito.
Ngunit nagpigil lang ito  at baka s'ya
masampal kahit alam niyang may pagtatangi rin ang dalaga sa kanya.

"Ano namang sign-sign o senyales na
sinasabi mo at kelan naman yun!'
Kamot na naman ito sa ulo.

"Bah,hindi ko rin alam,basta!"

"Pagputi ng uwak aantayin ko ang senyales na yun?"Tanong pa ng binata.

"Ewan,hindi ko rin alam,basta!'Sabi nito sa binata.

"O,sya Mr.Operator bumalik ka na sa
ferriswheel mo at baka madatnan ka pa dito ni tita Gloria ay mapagalitan pa tayo at nandyan lang si ate Ona sa labas may binibili lang baka maisumbong pa tayo."

Kakamot-kamot sa ulong lumayo sa mesa ang binata at lumabas ng pinto.

"At saka Mr. Operator maligo ka nga
kasi kamot ka ng kamot sa ulo mo baka puro balakubak ka na,hahaha!"
Hagalpak ng tawa ito.

"0y,Ms.Reneerose Pilloria naliligo ako ,ha?"Parang asar na sumagot ito sa dalaga itinaas ang dalawang kamay
at inamoy ang kilikili.

"Wala akong ibang sinabi."Hagikgik pa nito,sige na alis na."

Kumaway ang binata at tuloy-tuloy itong lumabas ng pintuan.

,,(Sana nagustuhan n'yo ang unang
kabanata.)

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon