(Sa pagpapatuloy ng kuwento sa pagbabalik tanaw ni Norman ...)
Chapter 30 ;
"HALIKA NA,NOVA!Lumayo tayo dito!"Tarantang sabi nito kay Nova.
"H-Hah,b-bakit!??"Tanong ng dalaga sa binata.
"Narito si Luther at mga barkada niya!"
"Anoooo??"Napatayo ito, kumabog ng malakas ang
dibdib ng dalaga pati siya ay dagling
kinabahan at nataranta."Wag kang mag-panic,sumimple ka lang nandiyan lang sila sa sugalan sa tapat!"
"Hindi naman nila tayo mapapansin
dito dahil marami ng tao,kaya halika na.""Papaano sila Norman at Andee?"
"Lilibot tayo sa kabila at bibigyan natin sila ng babala,kaya halika na."
At hawak kamay na nilisan nila ang kanilang pwesto,papunta sa may ferriswheel kung saan naruroon si Andee at Norman.
Ng oras na iyon sa mesa ng beto-beto ay natatalo na si Luther sa pagtaya.
"Ano ba 'yan bro,panay kabig ka ,ah!"
Wala namang kibo si Luther sa kantiyaw ng mga kasama.Panay ang hitit nito ng sigarilyo,at muli itong dumukot sa bulsa ng pera at isang bundle ng perang puro lilibuhin ang itinaya nito sa kursunadang numero.
Kung triple o doble ang lumabas sa dice ay makakabawi s'ya kahit paano."Call?"Tanong niya sa bangka ng beto-beto.Tiningnan niya ito ng mabuti.Nakamasid naman ang tatlong
mga kasama.Malaki laki na ring pera ang natatalo kay Luther ng oras na iyon.Marami ring nagtatayaan sa pwesto nilang iyon kaya siksikan sila sa mesa at tagaktak na ang pawis ni Luther dahil sa init ng nararamdaman sa paligid at tila naiibsan ang epekto ng nainom niyang alak.Kampante namang nanonood ang tatlong kasama."Sige,sir,call."Sabi ng magandang babaeng bangka.Kampante lang ito sa pagkakaupo,panay nanan ang kindat ni Brandon sa babae.Ginagantihan naman ng simpleng ngiti ng babae ang mga mananaya.
"Request,Ms.pwedeng ako ang magbukas?"Sabi nito sa babae.
"Sige,sir!"Anang babae at inilapit nito ang platitong may takip sa binata.Umupo ang binata ng patingkayad at bago buksan ang platito ay pinagkuskos nito ang dalawang palad at hinipan.Ang tinayaan ni Luther ay numero sais at asa siyang kahit paano ay may lalabas
na sais sa mga dice.At unti -unti niyang pinapaikot ang platito sinisilip ang mga dice na nasa
loob at bigla niyang iniangat ang takip ng platito at tumambad sa kanyang mga mata ang lumabas sa tatlong dice
na nasa ibabaw,ay isang dos,isang kwatro at isang singko!Talo!Walang kahit isang sais na lumabas.Napahugot ng malalim na hininga si Luther.
"Patay!"Sabi Jethro, na nagkibit balikat.Talagang ganyan,hindi mo araw,bro."
"Oo,nga ayon naman ng dalawa."Na tila nahimasmasan na rin sa nainom nilang alak.
Tumayo si Luther at bahagyang naihampas ang braso sa poste ng mesa.At napatingin sa kabilang banda kung saan nakita nito ang karatula ng babaeng kumakain ng buhay na manok at dahil curious ay binasa nito kung ano ang nakasulat duon.Habang
binabasa ito ay napagawi ang mga mata nito sa katabing ferriswheel.Tiyempong sa dulo ng kanyang binabasa ay napatuon ang paningin nito sa mga isa sa mga sakay ng ferriswheel nakatigil ito dahil magbababa at magsasakay.HINDI SIYA MAAARING MAGKAMALI.
Si Andee... ang kanyang kapatid ,hindi naman kalayuan ang ferriswheel sa kinalulugaran niya at kahit gabi na ay alam niyang si Andee iyon at katabi nito ang lalaking binigyan niya ng ultimatum.Masayang -masaya ang mga itong nakayakap pa si Andee sa lalaki.