Karnabal,buhay at pag-ibig

23 1 0
                                    

SA KASALUKUYAN...

CHAPTER 37 :

UMIBIG SA PANGALAWANG PAGKAKATAON SI NORMAN,sa katauhan ni Renee matapos ang masalimuot nilang pinagdaanan ni Andee.Natanggap niyang hindi sila para sa isa't-isa at idinadalangin na lang niya na sana ay masaya na ito sa buhay niya ngayon...at siya,ngayon ay kalilimutan na lang niya ang kanyang
unang naranasan sa pagibig na nagturo sa kanya upang maging matatag at gagamitin niya ang mga karanasang iyon para sa kanyang pagunlad.

Hihintayin niya gaano man katagal,kung kailan ibibigay ng tadhana ang senyales na sinasabi nito
alam niyang darating din 'yon sa tamang panahon.At naniniwala rin siyang si Renee ang inilaan ng Diyos na para sa kanya.Mahal na mahal niya ang dalaga.Gayun siya magmahal
ibibigay ang lahat.Pagdududang siya rin ang sumagot sa kanyang katanungan.MAHAHARANGAN BA NG
SIBAT ANG PAG-IBIG?

_ _ _ _ _ _ _ _ _

CAVITE CITY....Ang karnabal sa siyudad ng Cavite ay nakapwesto sa may kalaparang lupa na buhanginan na ang magkabilang panig ay dagat.Ang harap ng karnabal ay kalsada na tuloy-tuloy sa parke na ang katapat ay city hall.Sa gawing likuran ng karnabal sa gawing dagat ay mga bahay-bahay ng mga mangingisda na nasa tabing pampang na kung saan ay naghilelera ang mga bankang pangisda.Kung gusto mong mamasyal
sa karnabal ay sasakay ka sa jeep na biyaheng PN o Philippine Navy at madadaanan ang karnabal bago ang parke at City Hall ng Cavite.

ITO ANG HULING BAYANG PAGTATANGHALAN NI ELSA,bago siya
magpakasal sa nobyong si  Jake Baldemor.

Linggo,araw ng kapistahan ng siyudad ng Cavite na ang patron ay si
NUESTRA SENORA de PORTA VAGA.
Maaga pa lang ay di na magkamayaw sa kapal ng tao ang karnabal.Si Renee
ay hindi magkandaugaga sa ginagawa
halos lahat ay abalang -abala,habang si manang Gloria ay inaasikaso ang mga bisitang ang iba'y nangungumbida sa kani-kanilang sariling 'booking' at kung ano-ano pang kadahilanan,malakas ang pasok
ng pera,kaya hindi pansin ang paglipas ng oras at pag ganoong maraming tao ay hindi na naiintindi kung kumai na o hindi pa.Busog ang pakiramdam at hindi alintana ang pagod,pero maya't-maya naman ang dating ng pagkain at meryenda,kaya kung di ka sanay sa ganitong trabaho ay magugutom ka.

Dumaan ang tanghali...humapon buhos pa rin ang tao,bandang alas diyes ng gabi ng magpaalam si Renee sa tiyahin na manunuod ng fullshow ng circus,sinabi niyang iyon ang huling performance ni Elsa dahil pagkatapos noon ay uuwi na ito at magaasawa.

"Ikaw talaga bilib na bilib ka d'yan sa kaibigan mo."Lingon nito sa dalaga habang sinasabi iyon.

"Aba'y,syempre naman ho,tita,bestfriend ko yata 'yon at pareho kaming maganda."Pakindat na
biro nito sa tiyahin.

"Sabagay,magaling talagang performer si Elsa,at talagang maganda at seksing bata,kahit sino ay
mapapaibig sa kanya.."Komento ng babae tungkol kay Elsa.

"Isama n'yo naman ako sa komento n'yo tungkol kay Elsa!"Kunwari'tampo nito sa tiyahin.At umikot pa ang dalaga sa harapan ng tiyahin na animo'y nagpa-fashionshow ipinapakitang siya'y maganda rin.

"Oo,naman,maganda ka rin sino bang
may sabing pangit ka sabihin mo't babatukan ko!"Kunwa'y pagalit nitong sabi at tumawa ng malakas.At pagkuwa'y....

"O,siya sige ako uupuan ko muna yang ginagawa mo,pero babalik ka agad,ha,...marami pa tayong aayusin,di namin kaya ni Ona ang iba pang aasikasuhin dito."

"Oho,!"Ngiti ng dalaga.

"Isama mo si Cindy para may kasama
ka."Isinusuot nito ang may gradong salamin habang paupo ito sa mesa ni
Renee.

"Naku,'wag na tita,katulungin n'yo na
lang dito para may kasama kayo."Sabi ng dalaga.

"O,siya,sige ikaw ang bahala."Tugon ng matanda.

MGA ILANG PWESTO NG RIDES,parlor games,wonder show,foodbooths ang madadaanan bago marating ang magical at circus kung saan nagpe-perform si Elsa.Masasaya ang mga taong masasalubong,ang iba ay pulu-pulutong,magpapamilya,magbabarkada o magnobyo.Ang ibang bata ay may
hawak na lobo o cottoncandy,ang iba ay may kukot-kukot na popcorn at kung ano-ano pang dala-dala ng iba.Latawan ng isang walang kasing saya ang kapistahan ng siyudad na iyon.katumbas ng konting halaga kapalit ay isang libo-t isang laksang kaligayahan na hindi matatawaran.

Nagkikislapang mga ilaw at mga palamuting kumukunday-kunday sa kadiliman ng gabi at sariwang hangin na nagmumula sa dagat.Mga rides na walang tigil sa pagikot.Mga kabi-kabilang ingay na maririnig sa kung ano-anong palabas mayroon sila. Inaakit ang mga tao upang maging bahagi sila ng kanilang pagtatanghal.
Ang mga rides na paikot-ikot,nagbibigay buhay sa kapistahang
nagaganap,mga nagtitilian at nagsisigawang pasahero ng mga rides na hindi mapigilan ang 'thrill' na nadarama.Mga taong karnabal na kahit pagod na ay patuloy na nagsisilbi sa mga tao at nakaguhit sa mukha ang saya at walang kapaguran.

Ang karamihang iba pa ay nasa parlor games,sa basketball shootings na kinahihiligan ng mga kabataang lalaki,sa dropcoins na ang ginagamit ay baryang inihahagis sa kudra-kudradong butas.Sa shooting galleries
na tuwang -tuwa sa pagbabaril ang mga kostumer.

"O,tinamaan mo!"Sabi ng isang lalaki
sa babaeng bumabaril,katabi nila ang kanilang barkada na pare-pareha.Sumipat uli ang babae sa gatilyo ng riple at inaalalayan ng lalaki.

"Sipatin mong mabuti."Anito sa babae
na sa tingin ay nobya niya.

Maya-maya ay kinalabit ang gatilyo ng riple.

'BAAAAANNNNnnnngggGGGGgggg!!"

Sapul ang plastic bibe na puntirya.

"YEEHEEYYYYYyyy!!!!!"Nagapir ang dalawa."Nakakarami ka na!"Sigawan ang mga kasama,tuwang-tuwang yumakap ang babae sa lalaking umalalay sa kanya.

"Uyyy,kayo na pala talaga ha!"Buska ng isa sa mga kasama.

"Heh,!"Irap naman ng babae,kunwa'y di pinansin ang babaeng nambuska pero sa sarili'y kinikilig.Inabot naman ng babaeng bantay ang isang malaking teddybear,kinuha ng lakaki
at iniabot sa dalaga.

Sigawan ang magkakasama,at sabay-sabay na nagsigawan.

"Sila na ngaaa!!"HAHAHAHAHAHA!!!"

Pagkabayad ay tuloy na lumisan ang magkakasama.

"O,TAYO NA,lipat naman tayo sa iba!"AT MASAYANG NAGSILISAN ANG MGA ITO.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  _ _ _

ITUTULOY....

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon