Karnabal,buhay at pag-ibig

20 1 0
                                    

Chapter 39:

Magkayakap pa rin ang dalawa kahit
maraming tao pa rin ang nakatingin
sa kanila.

"Hindi ako makapaniwalang tayo ng dalawa mahal ko at walang bawian,ha?"Paniniyak ni Norman.

"Gusto mo ba bawiin ko?"Panunudyo
ni Renee.

"Aba,hindi kasi alam ko namang hindi mo gagawin eh!"

"At bakit hindi ko pwedeng gawin?"Titig ng ng dalaga sa mga mata ng binata.

"Eh,kasi kitang -kita sa mga mata mong mahal na mahal mo ako!"Balik tudyo ng binata.

Biglang kinurot ng babae sa tagiliran
ang binata,napaka conceited mooo!"
At gigil na inirapan ang lalaki.

"Aarrrrayyy!"Reklamo ng binata pinipigilan sa pagkurot ang dalaga.

"Hoy,bumalik ka na sa pagmamaneho
mo!"Taboy nito sa lalaki tuloy iwas.

"Aba,hindi gusto mo samahan kita sa panonood?"

"Gusto mo isumbong kita kay tita Gloria?"Pananakot nito sa binata.

"Na-naku,'wag!nagbibiro lang ako!"
Kamot sa ulo ng binata.

Hindi mapigilan ni Renee ang mapatawa sa ikinilos ng binata na para itong nasukol at talunan sa isang
laban.

"Hoy,binibiro lang kita,para kang bata
hindi mabiro."At yumakap ito sa binata,ngayon niya napatunayan sa sariling mahal na mahal niya ito.

"Sige na,tutuloy na ko sa  circus,bumalik ka na sa pwesto mo!"Taboy nito sa lalaki.

"Pero bukas usap tayo,ha,kasi baka umuwi ka na agad."Pahabol ng
lalaki.

"Oo,na sir!"Bigla'y kinabig nito ang dalaga at dinampian ng mariing halik sa labi.Pati ang assistant operator na si Boyet na nakatingin sa kanila ay napasigaw."YUUHUUUHH!!"Panaloo!"
Bilang pag-cheer kay Norman.

_ _ _

Malakas ang trompa na naririnig ni Renee habang papalapit sa magical/citcus.Naririnig niya ang sinasabi ng announcer ng panooran:

"Ang susunod na magtatanghal mga kaibigan pagkatapos ng ating 'Funny
Magician',ay si Reyna Sirkera Elsa,hahandugan kayo ng natatangi n'yang pagtatanghal sa gabing ito sa inyong masayang kapistahan!!"

Tamang-tama sa loob -loob ni Renee.Mauumpisahan niya ang palabas ni Elsa.Nasa harap na siya ng gate ng sirkus.Nakatitik ang malaking letra sa ibabaw ng kanilang stage na entrada ng panooran na sila ay kilala  sa mga pagtatanghal.Maliwanag na maliwanag ang harapan ng entrada.Napipinturahan ng magandang kulay na makatawag pansin na angkop na angkop sa ganoong palabas.may mga karatulang
naka-display sa harapan,mga funnyclowns,mga nagta-tumbling,mga folk dancers,jogglers,magic,flyingtrapeze at kung ano-ano pa,na nagpapaalala na iyon ang mapapanood nila sa loob ng tanghalan.Maraming tao pa rin ang nasa labas na nagsisitubos ng ticket upang mapanuod ang lastfull show.

Papasok siya sa gate ng matanaw siya
ni Aling Selya na ina ni Elsa at siyang may-ari ng sirkus na nasa entrada.

"Aba,Renee,tuloy ka,pasok!"Kaway nito sa dalaga at nakangiti itong pinapasok ng matandang babae.

Inabot ni Renee ang kamay ni aling Celya at nagmano dito.

"O,Renee,kumusta na ba?"Bungad ng babae.

"Eto ho,gaya rin ng dati."Tugon ni Renee.

"Lalo ka yatang gumaganda ngayon ,ah!"Bati ni aling Selya.

Pinamulahan ng mukha si Renee at sinabing..."Hindi naman ho."

"At balita ko tapos ka na sa pagaaral mo...naku,congratulation sa'yo!"

"Salamat ho."Pakumbabang tugon ng dalaga.

"Ay,siyanga pala...uuwi kami sa makalawa sa Mindanao ng kaibigan mo,dahil magaasawa na,kay Jake."May tuwa at lungkot sa pagkakasabing iyon ng babae na naramdam ni Renee ngunit sinarili na lamang iyon.

"Nabalitaan ko nga po,kaya panonoorin ko po ang huling pagtatanghal niya ngayon."

"O,s'ya sige,pasok iha,...teka at ikukuha kita ng mauupuan para komportable ka sa panonood mo,duon  ka sa kabilang gilid ng stage,ha?medyo kasi maraming tao dito sa likuran at mangangawit ka sa
panonood."At inalalayan nito ang dalaga papasok sa loob,bitbit ang isang monoblock na upuan.

"Ako na lang ho ang magdadala ng upuan 'Nay Selya."Nakasanayan na rin niyang tawaging nanay ang babae.

'Ah,hindi ako na lang,basta sumunod ka lang sa akin."Lumigid sila sa tagiliran ng bakod na barbwire na may mga tusok na kawayan papunta sa may tagililiran ng stage kung saan
makikita niya ng malapitan ang pagtatanghal ni Elsa.

"O,dahan-dahan,baka matàlisod ka ay tumama ka sa barbwire eh,matusok ka."Lumingon sa likod si aling Selya kung saan ay kasunod si Renee.

"Marami kasing tao ngayon,alam mo na fiesta,kaya umabot dito ang 'senepa'malapit sa bakod."

At paghawi ni aling Selya sa 'senepa' ay kita ni Renee na punong -puno ng manonood.Kaya pala halos sumagad na ang'senepa'sa tabing bakod ay dahil sa kakapalan ng tao.(Senepa:telang makapal na puti o makapal na katsa ginagamit na panabing at pambubong sa mga circus.)Animo sinehan ang sirkus,kumbaga sa sine ay 'boxoffice hit'ito.Sa tabi ng stage ay naruroon ang sound system at ang tagapagkilala
ay nasa gawing unahan.

Ng maipwesto na si Renee sa tabi ng stage ay....

"Teka,Renee sasaglit ako sa itaas at sasabihin kong narito ka,ha?"Sabi nito sa dalaga.

Sa bandang itaas ay may bintana na halos katapat ng sound system kung saan nakapwesto si Renee.Maya-maya
ay dumungawsi Elsa at kinawayan si Renee.Gumanti ng kaway ang dalaga.

"Galingan mo ha?"Biro ni Renee.

"Dati naman akong magaling,ah!"Ganting biro ni Elsa na ngiting-ngiti.

"Alam ko....GOODLUCK!!"At nag -thumbsup ito sa kaibigan.

AT UMALINGAWNGAW ang boses ng
announcer sa mikropono...ang dagundong at sigla ng boses nito ay lalong nagpasabik sa mga manonood.

                       ************

ITUTULOY.....

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon