Chapter 18:
(Flashback continues...)
"A,eh,sige pasok na kami...salamat uli."Ngiti ni Andee kay Norman.
"Bye,..Mr.Pogi...e,este Norman."Kaway
naman ni Nova sa binata.
"Buti na lang hindi natin kasabay si
kuya Luther."Bulong nito sa pinsan.Hindi naman nakaligtas ang tagpong iyon sa mga bagong dating na estudyante,ang baklang si Farida,si Trina,at si Krisha.Lumapit si Farida sa
binata at nakataas ang kilay na animo
kinikilatis ito.Pumilantik ang kaliwang kamay na itinaas at isinalo sa baba."Hmmm,pogi ah,pero...."At suminghot
singhot pero parang may pagkadugyot."(Ang ibig sabihin nito sa dugyot ay sa public school lang nagaaral.) Sabi nito at impit namang nagtawanan si Krisha at Trina.Narinig iyon niNova at bumalik ito at
hinarap si Farida."Anong sabi mo?Mahaderang bayot?"
Nagsalubong ang kilay ng bakla at animo susugurin si Nova."Sige,subukin mo ng makita mo hinahanap mo!!Itinaas nito ang kamao ng may katabaang si Nova.At handa itong makipagsapakan sa may katabaan ding bakla na puno ng taghiyawat ang mukha.
Ang kapal ng mukha mong manlait
sandamakmak naman yang latik sa pagmumukha mo!"Sarkastikong sabi
kay Farida at hinarap din nito ang dalawa nitong kasama."O,kayo anong
tinatanga-tanga n'yo ba't di nyo tulungan itong mahadera nyong friend!"Sabay lagay ng mga kamay sa beywang nito.Natameme naman ang dalawang babae at ibinaba ang mga ulo at animo bahag ang mga buntot na hinila sa braso ang bakla papasok
sa loob."O,tama na yan,baka makarating pa ito sa taas."Sabi ng gwardya.
Lumapit ito sa pinsan at niyaya na itong pumasok sa loob.At lumingon sa
binata."Pasensya na ha,Norman ganun talaga yung mga 'yon."Ngiti nito sa binata."O-okay lang."Parang hinahaplos naman ang puso ni Norman ng napagmasdang muli ang magandang mukha ng dalaga.Sa loob nito ay buo na naman ang araw niya.
Agad namang nakapagsulat si Nova sa kanyang notebook at dali-daling inabot kay Norman.Nagulat man sa kung anong ibinigay ni Nova ay kinuha ito ng binata at isinilid sa bulsa."Bye!"At hinila na nito siAndee papasok ng gate.
_ _ _ _ _ _ _ _
Pagkalabas ng eskwela ay dumeretso na sila ni Randel sa bakery upang maglinis ng mga plantsa para maging
pera dahil pagkatapos nilang malinis
ay ibinibigay agad ni Mrs. Olivera ang upa.Tama lang iyon dahil
may usapan silang uuwi sila ni Randel
at duon magkukuwentuhan sa kanila
at syempre para masarap ang huntahan ay niyaya nito si Randel sa isang convenient store na bumili ng ilang bote ng alak at mga chitchiryang
gagawing pulutan.Dumukot naman si Randel sa bulsa at iniabot sa kaibigan."Huwag na,sagot ko 'to...itaan mo na lang yan sa gamot ni mama mo."Ngiti
ng binata."Nakakahiya naman sa'yo."
Sabi ni Randel."Anong hiya-hiya!?...batukan kita dyan e,ibulsa mo na nga yan!"Sumiryoso ito.
Walang nagawa si Randel kundi ibulsa ang pera ganun talaga ang kaibigan kahit sa anong bagay maasahan ito.Hindi ito maramot kung meron lang ito at kayang ibigay
ay hindi magdadalawang isip ibigay kung ano man iyon.Minsan nga may
ugali pa itong isusubo na lang ibibigay
pa sa iba,yung mga ganung paguugali ng kaibigan.At swerte siya sa pagkakaroon ng kaibigang tulad ni Norman.Lagi itong nakaalalay nung umuwi siyang hindi muna papasok ay inabutan siya nito ng limang daang piso para alalay daw kung sakali.Saan ka ba,makakatagpo ng kaibigang
ganito?Wala na,siya lang naman ang may kaibigang ganito.Salat man sila sa ibang bagay buong-buo naman ang kanilang samahan.Kaya higit sa pagkakaibigan ang turingan nila.