Karnabal,buhay at pagibig

33 1 0
                                    

Chapter 12:

(FLASHBACK CONTINUATION)

Nasa harap ng malapad na ilog ang dalawa si Norman at si Randel.Nakatayo si Randel at pumulot
ng isang tipak ng buhay na bato at buong lakas na ibinato sa gitna ng ilog.At gumawa ito ng isang malakas na hampas sa tubig.At pinagmasdan ang namuong tubig na pumaitaas.SiNorman naman noon ay umupo sa isang malapad na bato di kalayuan kay Randel.

"Kaya,pagnagpamilya akooooo!!Sigaw ni Randel."Magiging tapat akooo sa babaeng mamahalin kooo...hindi ko s'ya paiiyakin at hindi ako titikim ng ibaaa....para walang tulad namin na
tatawaging anak sa labassss...!!!"At gumawa ng alingawngaw ang tinig nito sa kapaligiran.

Punong-puno ng hinanakit si Randel
Habang isinisigaw ang mga katagang iyon ang dalawang kamay nito ay animo trompa na nakatapat sa may bandang bibig.Dumampot uli ito ng bato at iwinasiwas muli sa gitna ng ilog.Nakatingin lang sa malayo si Norman may hawak din itong maliliit na bato at gaya ni Randel ay ibinabato rin niya ito sa ilog.Mandi'y upang maibsan din ang pait na nadarama.

Kabaligtaran naman siya ni Randel,mahal na mahal ito ng ina,ito na lang daw ang ala-alang naiwan ng amang may pamilya na rin pala.Kay Norman ipinagngingit ng ina nito ang kanyang pagiging dalagang ina at ang
masakit walang ka amor-amor ang ina sa kanya.

Bagamat hindi nagre-react si Norman sa sintimyento ng kababata ay sumasangayon naman ito sa paninindigan ni Randel.Ngunit siya binibigyang katwiran ang lahat,maraming tulad nila sa mundo
kung bakit maraming bastardo't bastarda o mga anak sa labas sa ibat-ibang kadahilanan.Marami ang katulad nila sa mundo na produkto ng
pagkakamali't pagkakasala.

"Dikawasa'y naghubad ng damit pangitaas at shorts kasabay ng brief at
nagtatakbong lumusong sa ilog si Randel.

"Halika na,Norman maligo na tayoooo!"Sigaw nito kay Norman.

"Oo,nandyan na at maging ang binatilyo ay naghubad na rin at patakbong lumusong sa ilog.

_ _ _

Matalik niyang kaibigan si Randel,kapag umaga ay kapwa sila nagtitinda ng pandesal sa magkaibang
ruta gamit ang kani-kanilang de otsong bisekleta.At pagka -alas siyete ay sabay silang papasok ng eskwelahan pareho silang third year
high-school ang nagpapaaral sa kanila ay ang kanilang sarili.Walang pakialam ang ina ni Norman kung nagaaral siya o hindi.Ang ina naman ni Randel ay walang kakayahang siya'y papagaralin dahil may sakit ito
Tubirculosis,kaya si Randel lang ang nagtatrabaho sa kanilang magina.

Ang ina niNorman si aling Ditas ay muling nagasawa sa kanilang supervisor kung saan ang babae ay isang mananahi ng bag na iniexport.Wala naman siyang magagawa kung magasawang muli ang ina,ang hindi lang niya gusto ay parang mainit din ang dugo ng lalaki sa kanya.Laging matalim ang tingin nito sa kanya na wala naman siyang ginagawang masama dito.Imbes na may makaka-vibes sana siya dahil galit ang ina sa kanya...ay wala rin.
Di nalang pinapansin ni Norman ang
mga bagay na iyon,nasanay na siya sa
pakikitungo ng magasawa sa kanya.

Lumilipas ang buhay niyang ganoon
gising ng alaskwatro ng madaling araw para makarami ng benta,alas syete ang pasok sa eskwela.Minsan ay
nagkaka-problema siya sa pera dahil
Kung ano-ano ang kailangang bilhin o
project sa eskwela dahil fourth year na sila ngayon ni Randel.

"Wala akong maibibigay sayo,at wala kang aasahan sa akin.Hindi na nga kita hinihingian ng kita mo sa pagpapandesal....At sabi ko na sa'yo wala akong pakialam kung nagaaral ka man o hindi!"Sabi ni aling Ditas.

"Kung gusto mo puntahan mo ang walanghiya mong ama at sa kanya ka lumapit!'Wala kang mahihita sa akin!"Sabay talikod ng ina at tuloy na lumabas ng bahay.

Naiwan siyang nangingilid ang luha.

_ _ _ _ _ _ _

Itutuloy...

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon