Karnabal,buhay at pag-ibig

42 1 0
                                    

Chapter 17:

(Flashback continues...)

Maligayang-maligaya ang pakiramdam ni Norman ang gaan-gaan ng kanyang kalooban at bago ito tumuloy sa bakery ay dumaan muna ito sa simbahan upang magpasalamat
sa mga biyayang nakakamit,sa paggaling ng ina Randel sana'y muli niyang makita si Andee at higit sa lahat ay ipinagpasalamat niya ang pagtanggap ng ina sa kanya at sana'y hindi na magbago iyon.Iyon ang mga ipinagpasalamat niya sa Panginoong Diyos.

Nadatnan niya si Randel na nagkakarga na ng pandesal."Aba,narito ka na pala kumusta na si Mama mo,'tol?"

"Ayos na'tol,okay na siya,at may kasama na siya ngayon kasi dumalaw sa kanya yung kapatid niyang galing sa Romblon si tiya Emy sasamahan daw muna n'ya si Mama hangga't hindi pa tumatawag yung agency niya
para sa pag-aabroad niya!"

Sagot nito kay Norman at tumingin siya dito.

"Ah,ganun ba..salamat naman."Sabi ni
Norman habang panay ang sipit at binibilang ang mga pandesal diretso sa kaing na nakatali sa may likuran ng
bisekleta.

"Parang ang saya mo,ah.!"Puna nito kay Norman na nakangiti.

"Anong bago?"Kunot-noong tanong kay Randel."A-anong bago?"Maang ng binata.

"Ayan ,o,kita sa mukha mo na masaya ka,iba ang itsura mo parang ang gaan-gaan ng pakiramdam mo ngayon.!"

"Masaya 'ko dahil...ah..."Ibinitin nito ang sasabihin at tumawa ito.

"Mamayang hapon na lang...ikukwento ko sa'yo pagkatapos nating maglinis ng mga plantsa diretso tayo sa amin at duon ko ikukuwento lahat,okey?"Naka,binitin
mo pa 'ko!"Piksi nito.

"Oo,sige ba tutal may kasama naman ngayon si nanay magte-text na lang ako kay tiya Emy na hindi agad ako makakauwi."

"O,siya tena na...para madaling makaubos!"Damang -dama ni Randel
ang kasiyahan ng kaibigan nae-excite
tuloy siya sa mga ikukuwento nito mamaya.

At nagtuloy-tuloy na sila sa kanilang ruta kung saan sila nagtitinda ng pandesal.Pagkaubos ng pandesal ay nagremit ng perang pinagbentahan ang binata at nagmadali itong umuwi
upang magpalit ng damit at pagkatapos ay dumiretso ito sa iskwelahang private na pinapasukan ng babaeng kanyang nakabangga.Itinabi niya ang bisekleta sa tabing pader ng private iskul at nagtanong sa gwardya ng iskwelahan na nasa harap ng gate.

"Ah,boss,pakibigay lang itong ID sa mayari kasi napulot ko ito kahapon sa
daan.."

"Ganun ba?"

Ng di kawasa'y may humintong kotse
sa di kalayuan sa gate at umibis dito si
Nova at Andee.At tuloy ang dalawang babae na papasok ng gate.

Ang sikyu naman ay tinitingnan kung kaninong ID ang nakalagay duon at umangat ang ulo nito at napatingin sa
dalawang babae.

"Ah,eto na pala ang mayari e,."Sabi ng sekyu.Napalingon naman si Norman.
At nagkatitigang muli ang binata at dalaga.At minsan pang naramdaman nila ang kakaibang kislot sa kanilang dibdib.Si Nova namn ay napakagat sa
labi sa pagtitig sa binata at pinagsalikup nito ang dalawang kamay at kinikilig na itinaas ang mga ito papunta sa kanang pisngi.

"Ah,Ms.Millares,napulot daw niya itong ID mo kahapon kaya isinosoli n'ya dito,buti nandito na kayo."At inabot ng gwardya sa dalaga ang ID nito at humarap kay Norman.

"Salamat ,sayo..."At inabot ng dalaga ang mga kamay sa binata.

"A,eh,ako si Norman,Norman de Jesus."Tila nahihiyang sabi nito dahil
makakadaup-palad ng dalaga ang tulad niyang may magaspang na kamay nahihiya siya sa isiping iyon.Sa isip ay baka pagsupladahan siya  ng dalaga.Ng ngunit sa wari ay mali ang sapantaha niyang iyon.

"Ako naman si Sandeena Millares,Andee for short."Ngiti ng dalaga.

"At ako naman si Nova,pinsan n'ya 'ko
Norman!"Magiliw ding inabot ni Norman ang kamay niya sa dalaga.Ang haba ng ngiti nito,siniko siya ng bahagya ni Andee dahil hindi pa binibitiwan nito ang kamay ng binata.Binulungan niya ito.

"Harot!"Ismid nito ng bahagya para hindi mahalata ng binata.

Umirap naman ng bahagya si Nova.

"Estudyante ka rin dito?"Tanong nito kay Norman.

"Ha,ah,hi-hindi duon lang ako sa public iskul."Kamot sa ulo nito.

"Eh,ano naman kung sa public school
at least nagaaral di ba?"Sabi ni Nova
napapansin kasi niyang nahihiya ang binata."Oo,nga!walang masama dun."
Sambot ni Andee.

"Ah,sige pasok na kami...salamat uli!"

"Bye,Mr.Pogi,e-este Norman pala."Ani
Nova.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ ,  _ _ _ _ _ _ _

Itutuloy...

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon