Karnabal,buhay at pag-ibig

32 1 0
                                    

Chapter 5:

At naguunahan sa paglandas ang mga luha ng dalaga at napasinghot ito.

"O,tama na ang drama anak,naiiyak naa rin ako."Pinahid ng ama ang namumuong luha sa kanyang mga mata.At niyakap ni Renee ng mahigpit
ang ama."Kayo kasi nagumpisa ng ka
dramahan."Birong paninisi sa ama.

"O,,sige payag na 'ko pero pinapa-alalahanan lang kita.. wag mong isipin na pinakikialaman kita sa lahat ng bagay at sa mga desisyon mo...lalo
na at puso at damdamin mo ang sangkot.Ang gusto ko lang sana ay mapabuti ang kalagayan mo kung sakaling mag-asawa ka man,at ang mapapangasawa mo naman,eh,...yung
may ambisyon sa buhay."Mahabang
litanya ni Mang Domer.

"Nakah,'tay...sermon ba yan o misa?"
Nakatawa na ang dalaga.

Ganting tawa na rin ang ama.
"Ah,s'yanga pala 'nak,'wag kang masyadong magpupuyat duon ha?"
"Alam mo naman walang oras ang trabaho duon...sige lang ng sige hangga't may namamasyal na tao."
Pahabol pa ni Mang Domer.

"Opo,itay."Sagot ni Renee.

_ _ _ _ _ _ _ _

Karnabal,perya,iisang kahulugan sa mga taong nabubuhay sa ganitong daigdig.Kung hindi ka marunong mag
sibe at humawak ng pera bukas tunganga,lungkot at saya,ang iba nga
ay one day millionaire.

Ang tita ni Renee na si manang Gloria
ay dating kumukuha ng nursing.Kung bakit napunta sa ganitong trabaho o pagkakakitaan ay ganito 'yon.

Ng minsang magkayayaan ang kanilang barkada na mamasyal sa CCP
Complex sa kanang bahagi ng building sa kabilang kalsada ay nakatayo ruon ang isang magarbong
karnabal na sakop ng FolkArts ground
na ang likod at hangganan ng karnabal ay ang FolkArts theater.
Hindi pa masyadong sikat ang Star City noon bagama't nakatayo na rin ang karnabal na ito.

Ang classmate ni Gloria na si Olga ay
may tatlong ticket na good for two ang bawat isa.Na ibinigay ng kuya n'ya sa kanya(kay Olga).Na ang kuya ni Olga ay former classmate pala ng mayari ng karnabal na iyon.

Tatlong passes iyon,eh,lima sila kaya kulang ng isa pa para maging anim.

Kaya laking tanggi ni Gloria na sumama noong una dahil katuwiran
niy ay maa-ot of place lang siya.Pero hindi pumayag ang kabarkada niyang
maiwan siya kaya napilitan na rin siyang sumama.

Ang nangyari lagi s'yang naiiwan sa bakod ng mga rides pinanonood ang
mga kasamang tuwang-tuwa sa pagsakay nila.Iniwan nila ang isang ticket na good for two sa naiwang dalaga."Anong gagawin ko dito?"Ayos lang sa kanya na maiwan lang kasi takot naman siyang sumakay sa mga
rides.

Maya-maya iniwan nya saglit ang panonod sa mga kasama at naisipang bumili na pop-corn na nasa kabilang panig.At pagbalik niya na nagkukukot
ng pop-corn para bumalik sa pwesto
ay nakabanggaan niya ang isang lalaki
Tumapon at nagkalat ang pop-corn sa
semento.

"Na-naku,hi-hindi ko sinasadya,Miss...
So-sorry talaga,hayaan mo Miss...papalitan ko na lang ang pop-corn mo."Hiyang-hiyang hingi ng paumanhin ng lalaki nagmamadsli kasi ako."Nagtitigan ang dalawa at kapwa hindi kumukurap animo nabatubalani sa isa't-isa.

"Ha,a,eh,o-o-key lang...."Namumula na ang pisngi ng dalaga sa pagkatitig ng lalaki.

Samantala nakababa na sa pagsakay sa roller coaster ang apat.Si Olga,ang boypren na si Ricky at ang magboypren na Neth at Benjo.

"Naku,hinahanap ka namin akala nami kung saan ka na nagpunta!"sabi ni Olga."Ha,a,eh,nagkabanggaan kami nitong kasam a n'yo!"Sabay lingon ng lalaki kila Olga.

"Mr.Diocson?"Mulagat si Olga nakilala ang lalaki.

"I-ikaw pala Olga ang kasama nitong si Ms.na nabangga ko."

"Classmate-friend ko siya,Mr.Diocson!"Tuwang-tuwang nakipagkamay ang dalaga.

"At heto pala ang mga kaibigan ko si Neth ang bopren niyang si Benjo.Nakipagkamay ang dalawa.

"At heto naman ang boypren kong guwapo."Sabay abot naman ni Ricky ng kanyang kamay kay Mr.Diocson.

"At ang nasa bandang kanan mo ay ang aming friend na si Gloria...na wala pang boypren.,!"Pilyang sabi nito at itinutop ang dalawang kamay sa bibig.Sinadya na talagang sabihin iyon para mapansin ito ni Mr.Diocson.At biglang paling ng tingin ng lalaki kay Gloria.Na halos pulang pula naman ito sa nararamdamang kahihiyan.At ng makakuha ng tiempo ay pinandilatan nito ng mata."Mamaya ka sa akin,bruha ka!"Sabi nya sa isip patungkol kay Olga.

"Ah,nga pala mga friends ito nga pala
si Mr. Diocson,ang barkada at classmate ni kuya Czar...at...siyang may ari ng karnabal na ito_dyyarrran!!"Itinaas ang isang kamay ang isa ay sa bandang gitna at iwinagayway ang mga ito animo nagpapakilala ng isang performer sabay tawa.Walang paki sa mga taong nasa paligid.

"Hoy,hon mahiya ka nga!"Saway ni
Ricky kay Olga.

Humanga naman ang magkakasama
kay Mr.Diocson dahil bata pa ang itsura nito ay may ganoon ng negosyo.

"Tawagin n'yo na lang akong Hector."
Ngiti nito sa magbabarkada.At inalok
niHector sila na magmeryenda.

Luminga -linga si Olga at nakakita s'ya
ng isang ride na sa palagay niya ay ayos na ayos.Gumanang muli ang pagkapilya nito.

"Ah,eh mamaya na lang kuya Hector,
Gusto muna naming sumakay sa Horror Train,pwede?"

"Aba,oo ba,tena at isasakay ko kayo."
Dumiretso sila sa ticket book at itinubos ng ticket ang lima.

"Eh,kuya Hector bakit lima lang 'to...eh pa'no si Gloria walang kasama?"Sabi ni Olga kinukulit si Hecto,biglang napakamot sa ulo ang lalaki.

"Halina kayo kuya!"

"Sige na nga."Tatawa-tawa ito.
"O,ikaw,Gloria wag kang killjoy,halika na may kasama ka naman."

"Oo,,nga sakay na!"Sabi naman ng tatlo.Lihim na napangiti si Olga umaayon ang naisip na paraan para
magkanobyo na ito,kinikilig pa man
din ito sa naiisip para sa kaibigan.

_

Sa loob ng Horrorhouse iba't-ibang
katatakutan ang nagsilitaw,sigawan ang mga pasahero.

_ _ _ _ _ _ _ _ _

Itutuloy...

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon