Karnabal,buhay at pag-ibig

78 1 0
                                    

(Ang pagpapatuloy ng kuwento sa pagbabalik tanaw ni Norman....)

Chapter 32 :

At nagkaroon ng  munting liwanag sa paligid dahil sa sinindihang lampara.

"No-Norman,g-ginaw na gi-naw akooo...hmmm.!"Alumpihit naman ang binata di malaman ang gagawin sa dalaga,bukod sa nanginginig ay gumagaralgal pa ang boses ng nito.
Nagingiki ang dalaga sa nararamdamang lamig.Hindi malaman ni Norman ang gagawin,hinubad nito ang t-shirt na suot pagkatapos ay piniga at isinampay ito sa likod ni Andee nagbakasakali itong maibsan kahit paano ang nararamdaman nitong lamig."Hu-hubarin mo na rin ang pangitaas mo para mabawasan ang nararamdaman mong lamig.."Nahihiyang sabi nito sa dalaga dahil baka isipin nito na gumagawa siya ng paraan para maghubad ang babae sa harap niya.Napatingin ang dalaga sa mata ng binata.Kahit may kalabuan ang paligid ay alam niyang hindi nagte-take advantage ang kasintahan,kapakanan nito ang iniisip ng binata.

"Hu-huwag ka ng mahiya ta-tayong dalawa lang naman ang nandito,isa pa ay madilim naman."Pagkumbinsi nito sa dalaga.Maging siya ay matindi na rin ang ginaw na nararamdaman.

"'Wag mong isiping gusto kitang lamangan,Andee."

"Hi--hindi,hindi ko iniisip sa'yo 'yon."
Lumapit ang binata sa dalaga at balak nitong pahupain ang panginginig ng dalaga sa pamamagitan ng yakap.At ng dumampi ang hubad na katawan ng binata sa basang katawan ni Andee
ay naramdaman nito ang init na singaw ng katawan ng lalaki at si Norman ay nalanghap ang mabango at mainit na hininga ng dalaga.

Maya-maya ay kumalas sa pagkakayakap si Norman."Ma-magha-
nap ako ng tuyong damit para pampalit sa suot mo,babe."Umiiwas ang binata dahil may kakaibang init ang nararamdaman sa katawan na sa pakiwari niya ay baka hindi na niya matagalan,ng hawakang mahigpit ni Andee ang kanyang mga braso,tuloy pumihit ito at humarap sa dalaga.

"Ma-malamig,ya-ya-yakapin mo akooo,Norman giniginaw akooo!"Animo nagdidiliryong sabi nito sa binata.Sukat duon ay nataranta ang lalaki,inakay ang babae
sa papag na malapit sa mesa at iniupo
ang dalaga,walang dalawang salita at niyakap nito ng mahigpit ang dalaga.At unti-unting hinuhubad nito
ang blusa ng babae.At ng mahubad ay naglapat ang kanilang mga hubad na katawan.Naguumigting na init ang kanilang nadama na kanina lang ay anong lamig,naglapat ang kanilang mga labi sabik na sabik ang bawat isa.
Halos mapugto ang kanilang hininga.
Kung kanina ay halinghing ng lamig ang maririnig kay Andee,ngayon naman ay halinghing ng di maipaliwanag na ngayon lang niya nararanasan.Maging si Norman ay dumating na sa puntong ibig ng humulagpos ang init na lumulukob sa katawan.Kahit ng dahan -dahan silang
humiga sa papag ay magkahugpong pa rin ang kanilang mga labi,animo'y
wala ng katapusan at tuloy ang halikan.

"I love you,Normannn."Anas ni Andee,dama ang init ng halik ni Norman halos mapugto ang hininga ng babae dahil sa sensasyong nararamdaman.
At nagsimulang gumapang ang kamay
ng binata sa katawan ng dalaga.Ang bawat haplos nitong nagbibigay ng kakaibang init sa kanyang kaloob -looban.

"Mahal na mahal din kita,Andee."At dahan -dahang hinuhubad ng lalaki ang basang jeans ng dalaga.At ang sumunod ay ang basang pantalon naman ni Norman ang kanyang hinubad.

SA LABAS NG BODEGA,humahampas
pa rin ang lakas ng hangin at ang lakas ng ulan.Dumadagundong ang kulog at kidlat at ang ulan ay waring walang balak na humupa.Walang ngang makakapigil sa buhos nito.
Kahit ang kahoy na babad man sa tubig ay tuluyang madadarang at magdirikit.Maririnig ang anasan ng dalawang sila lamang ang nakakaunawa,sumasabay sa hugong ng hangin at haplit ng malakas na ulan.Ang mga  halinghing na pinagsasaluhan ng dalawang magkaniig.

Naguumigting ang lakas upang sa wari ay sairin ang huling patak ng ulan... sa magdamag.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Itutuloy....

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon