(Sa pagpapatuloy ng kwento sa pagbabalik tanaw ni Norman...)
Chapter 31:
Gayun na lang ang ngitngit at galit ni
Luther at mga kasama nito ng hindi
sila nakasunod sa mga tumatakas dahil sa flat ang mga gulong ng kani-kanilang motor siklo,hindi lubos maisip kung sino ang may kagagawan ng pambubutas sa mga gulong ng kanilang motorsiklo.Parang sabotahe,naisip nito.Salubong na salubong ang kilay ni Luther at gigil na gigil na kinuyom ang mga kamao nito,kulang na lang ay madurog sa pagtagis ang mga bagang."HAYUP KANG LALAKI KA!!"Hindi mo
mailalayo ang kapatid ko!"At napasigaw ito sa pagngingitngit.
"Anong gagawin natin?"Tanong ni Jethro.
"BABALIK TAYO!At gagamit tayo ng sasakyan para habulin sila!!"
Sinasabi niya iyon ay dumagundong ang langit,nagbabadya ng isang unos
na darating at nagumpisa ng lumakas
ang ulan.Samantala,..si Norman ay patuloy na
pinapaharurut ang motorsiklo para makalayo sa mga humahabol,sakay nito ang kasintahang si Andee. Bumuhos na ang napakalakas na ulan na nagpalabo sa kanilang daraanan dahil sa lakas nito.Humahaplit sa mukha ni Norman at Andee ang lakas ng ulan dahil wala naman silang suot na helmet.Nagmenor naman si Norman sa pagmamaneho sa isip nito ay madulas ang daan at baka sila maaksidente ay mahirap na.Si Andee ay mahigpit ang pagkakayakap sa binata sa beywang nito at nagumpisa
itong mangiki dahil sa nararamdamang lamig dahil sa malakas na bugso ng ulan,bagamat nakajeans ito ang pang itaas namang suot ay manipis na tela lamang na kulay puti at walang manggas.Naramdaman ng binata ang nangingi
nig na katawan ng dalaga tuloy ay naawa siya sa kasintahan...hindi nito
mararanasan ngayon ang nangyayari
kung di dahil sa kanya na kayang suwayin ang magulang at kapatid ng dahil sa kanya.'O,mahal na mahal kita Andee,ipaglalaban ko ang pagibig ko para sa'yo,sumpa ko hindi tayo magkakalayo!'Sabi ng isip nito.
Ng biglang tumigil ang motor sa gitna ng daan.TSUG,tsug,ts...g.Kasabay ng pagkawala ng gas ang pagkamatay ng ilaw nito.
"A-anong nangyari ?"Tanong ni Andee.
"Na-naubusan ng gas ang motor.""Ha?"Pagaalala ng dalaga.Napatingin ito sa paligid na napakadilim at maging sa kalsada.Nasaisip nito paano kung bigla na na lang sumulpot
ang kapatid kasama ang barkada nito?Paano silang dalawa sa ilang na lugar na iyon,na walang kabahay-bahay?Bumaba si Norman sa motor at inalalayan pababa si Andee.At ang dalaga ay iniyakap ang mga braso sa sarili hindi mapigilan ang lamig na narararamdaman,naninigas na ang panga sa pagkakalapat ng mga ngipin.
Napakahina pa naman n'ya sa lamig.Niyakap ng binata ang dalaga,awang -awa sa babaing pinakamamahal.Ng biglang sumagitsit ang isang matalim
na kidlat na ikinasigaw ni Andee."EEEEEEeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!"
Napaupo ito at niyakap ng mahigpit ni Norman at nagpasya ito,tumayo ito
at inalalayan ang dalaga patayo.Kinapa nito ang cp na de keypad sa bulsa...wala ito,upang kahit
paano sana ay may tanglaw sila sa dilim ng daanan.Naiwan niya ito dahil sa pagmamadali kanina.Ang nakapa niya sa bulsa ay lighter na hindi naman uubra sa oras na iyon."Halika,dali...maghahanap tayo ng masisilungan !"Sunud-sunuran ang dalaga sa binata...magkahawak-kamay
nilang tinakbo ang kahabaan ng highway na liko-liko,iniwan na nila ang bagong-bagong motosiklo ni Randel.Hindi sila pwedeng gumawi sa kadawagan dahil
masukal ito at napakadilim ng paligid.Basang-basa ang dalawa,hindi maaninag ang daan.Palalim na ang gabi at ni isang sasakyan ay walang dumaraan...lakad,takbo ang ginagawa ng dalawa.Sa paminsan-minsang pagkidlat ay naaaninag nila ang tinutugpang high-way at sa di kalayuan ay may napansin silang kanto pakanan.Napahinto sila duon at
muli ay kumidlat at naaninag nila ang
isang tila bahay na may kalaparan at
sa tingin ni Norman ay parang abandonadong bodega.Hinila ng binata ang dalaga papunta roon.Sinagasa nila ang nagpuputik na
daan dahil hindi naman sementado ito.Ang magkabilang gilid ng daan ay natatamnan ng mga puno ng ipil.Humuhugong ang malakas na hangin,at takot na takot si Andee.Panay ang tili nito kapag kumikidlat.Ngatog na ngatog ang baba nito."Halika daliii!"Nasa balkonahe na sila
ng bahay na tila bodega."TAO PO,TAO PO!!!!"Padaskol na katok ni Norman sa malapad na pinto na yari sa matibay na kahoy.Lumangit ngit ng bahagya ang pinto,ngunit hindi tuluyang bumukas.Napansin ni
Norman na nakakawit lang ang pabilog na abaka sa pako at hindi ito
nakakandado bagamat may kandado roon.Inalis ang pagkakawit ng bilog na abaka sa pako at itinulak ang pintuan papaloob.At hinila nito si Andee papasok ng bahay.At itinulak pabalik ang pintuan upang masara."Salamat po,Diyos ko!"Anas ni Norman.Bagaman at madilim ay nahinuha ni Norman na lumang bodega nga iyon dahil nakita niya ng
sumalit muli ang kidlat na nagpatili na naman kay Andee."No-Norman,na-natatakot ako,ang dilim!"Sabi ng babae.
May kinapa ang lalaki sa bulsa ng pantalon,inilabas ang lighter.Kiniskis niya ito ng kanyang hinlalaki.
"S***t!!!..."Anas nito basa ang bato ng
ligther."Na-natatakot ako."Muling sabi ni Andee.
"Sssshhhh!"Sawata ng lalaki,narito ako hindi kita pababayaan."Patuloy nitong dinidiinan ang lighter upang
maginit ang bato nito.Ilang saglit pa,sa katitiyaga ay sumindi ito.napangiti ito,iginala ang hawak na lighter sa paligid na nagbigay ng kaunting liwanag sa kapaligiran...isa ngang malaking bodega iyon na nakapuwesto sa gitna ng bukid na di
kalayuan sa highway.Ang laman ng bodega ay kung ano-anong gamit na parang sa handicrafts at hindi pa tapos na mga nilalala o hinahabing furnitures na
mga upuan na ginagamitan ng yantok at mga pinatuyong abaka na mga nakasabit sa isang panig ng bodega.Pumasok pa sila sa bandang loob at namataan nila ang isang mesa,walang ano-ano'y biglang humangin ng malakas at namatay ang lighter.
Kinapa-kapa ni Norman ang mesa at may nakapa itong posporo.At mayroon pa duong thelmos, mga baso at garapon ng kape at asukal."Norman,ba-baka may tao!"Sabi ni Andee.
"Wala siguro,sana pagpasok pa lang natin ay may nakita na tayong tao dito!"
"Natatakot ako,Norman..."Mahigpit ang hawak ng dalaga sa braso ng binata.
"Huwag kang matakot magkasama tayo di ba!"
Malakas pa rin ang ulan sa labas,at anggi ng ulan ay pumapasok sa loob dahil may parte ng bodega na ang karamihan ay may butas.
At nagsindi muli ng palito si Norman.
"Norman,ayun o,itinuro ni Andee ang maliit na lampara na nakasabit sa may tapat ng mesa.Kinuha niya ito at sinindihan.Ang hawak na ligther na
ayaw ng sumindi ay inilapag niya sa mesa.At nagkaruon ng munting liwanag ang paligid dahil sa munting ilawan.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Itutuloy....
.