Karnabal,buhay at pagibig

23 1 0
                                    

Chapter 8:

"Sige,sa'yo 'yan,bilhin mo ang gusto mo."Ngiti nito sa binatilyo."Mahina pa naman ang karnabal natin."

Napaluwang ang ngiti ng binatilyo,naisip na ibibili n'ya ng pagkain ang dalawang nakababatang
kapatid at laruan.Hindi niya ipapaalam ang pera sa ama dahil pag
nalaman nito ay kukunin ang pera para ipangbisyo.Ganun ang ama kahit
kumikita s'ya sa pagbabantay sa mga
parlor games ay kinukuha nito ang pera n'ya,wala naman siyang magawa
at ang kanyang ina,dahil kundi hindi nila iibigay
ang pera ay bugbog ang aabutin nila sa ama.

Mabait si Ato,hindi ito katulad ng ibang batang pasaway at hindi ito lumalaban sa magulang kahit ganun
ang ama.Sa edad nitong trese anyos ay
alam nito ang tama sa mali.At hanga si Norman sa ugali ng batang Ato.

Nasa gayung pagiisip si Norman ng lumabas ang doktor sa ER.

"Sino ang mga magulang ng bata?"Tanong ng doktor na lalaki na nakasuot ng salamin.

"Ayun ,po!"Turo ng mga taong karnabal sa babaeng ina ni Ato.Napatayo naman ito katabi si Norman na sabay ding tumayo.Abot ang kaba ni inang Maria.Lumapit ito sa doktor kinakakabahang nagtanong
ito.

"Doc.k-kumusta po ang anak ko?"Naroon ang pagkasabik at niyerbyos ng isang inang gustong malaman ang kalagayan ng anak na nasa bingit ng kamatayan.

Napabuntunghininga ang doktor....
"Ligtas na po ang anak n'yo...buti at naagapan siyang nadala rito kundi ay
huli na ang lahat."

"O,Diyos ko!Salamat po...."hagulgol nito sabay yakap kay Norman na tuwa
at galak din ang nadama.Maging ang mga kasamahan at kaibigan ni Ato ay
tuwang-tuwa rin at nag-apiran ang mga ito.

"Diyos ko,maraming maraming salamat po!"Taimtim na usal ni Norman.

Ng dikawasa'y may hangos na dumarating."Nasaan ang anak ko?"
Ang ama ni Ato na galing sa pagsusugal.Walang sumasagot.Si inang Maria ay nakayupyup pa rin sa dibdib ng binata.

"Nasa ER pa ho pero sabi ng doktor ay ligtas na siya."Pakli ni Norman na tiim ang mga bagang.

Ngitngit ang nadarama ni inang Maria
ng humarap ito sa asawa."Kasalanan
mo kung ba't uminom ng lason ang anak mo!"Singhal nito sa lalaki at humiwalay ito sa pagkakayakap kay Norman."Ang sobrang pagmamalupit mo sa amin ang dahilan ng pagpapakamatay niya."Singhot nito.

Biglang luhod si Mang Pisto sa harap ng babae at niyakap ito.

"Patawarin mo ako Maria,ma-magbabago na ako...tatalikuran kuna
ang lahat ng bisyo ko,w-wag lang kayong mawala sa akin ng mga anak ko!"huhuhu!"Hagulgol nito.

_ _ 

.
Tinupad naman ni Mang Pisto ang pangako nito at nagbago ito.Kaya naman pinayagan sila ni Manang Gloria na magtayo ng sariling pagkakakitaan bilang sideline ng mga
ito,nagtayo sila ng shooting gallery at
parlor game nakung tawagin ay tangga (ito yung bakal na kudrado na may sukat na 12x 12) at ang inihahagis ay baryang piso na tumatalbog sa plywood at pumapasok sa malilit na kuwadro na may nakasulat na kahit anong premyo.Na pinagkakatuwaan ng mga nagiitsa.

Na binabantayan naman nila Ato at ng dalawang kapatid nito.Si Mang Pisto ay patuloy namang operator sa Giant Spanish Lantern wheel.At umiwas na sa kung anong bisyo nito.

_ _ _

"KUMUSTA NA!"Bati ni Renee kay Norman na nagpipintura ng ferriswheel.Hindi napansin ni Norman ang paglapit ng dalaga na wala pa namang siyang suot na pang itaas at
Puno ng pintura ang mga braso nito.
"Kelan ka pa dumating?Tanong nito habang tinanggal nito ang t-shirt na nakatali sa noo
at isinuot.Nahihiya kasi s'ya sa dalaga,dahil nakabuyangyang ang maskuladong katawan.

"Hindi pa naman maguumpisa ang karnabal,ah?"Dahil nagaayospa kami dito at nagpipintura pa kami ng mga
pwesto?"Siguro namiss mo 'ko no?"
Papungay ng mga mata nito sa dalaga.

"Siraaa,!"sabay kurot sa tagiliran ng binata."Arrrayy,aray,!!"sabay iwas naman ng lalaki at pinapagpag ng mga kamay ang tagilirang kinurot ng dalaga."Wheeeww,ang sakit nun,hah!"
Reklamo nito."Di lang 'yan ang aabutin pag di ka tumigil sa kamaisan mo!"Irap ng dalaga.

"Naku,Lord nakita ko na naman ang favorite kong manerism ng nililiyag ko!"
Tumingala ito at pinagsaikup ang dalawang kamay.

"Heh,ito talaga,oa."Sabi ng dalaga.
"Eh,bakit ka nga ba narito,e hindi pa magoopen ang karnabal?"Tanong uli nito sa dalaga.

"Dahil wala pa po akong klase pinakiusapan ako ni tita Gloria na tingnan-tignan kayo hanggat wala s'ya
dahil meron siyang inaasikaso baka daw po magkulang ang mga materyales ng karnabal at mabuti na raw yung nandito ako na may tumitingin para matapos agad ang trabaho at ng makaabot sa opening.
Mahabang paliwanag nito na nakapameywang.

"Talaga lang ha?"Sabi ni Norman na tila nangaasar na naman."Alam ko naman,di mo matiis na di makita ang kapogian ko!"
Hahahaha!Sabay tawa.

"Aba't,talagang....gigil na dinampot ng
napipikong dalaga ang isang tabong may lamang pintura at isinaboy sa nabiglang binata tuloy kumulapol sa mukha nito at katawan ang puting pintura.

Hagalpak ng tawa ang dalaga."Ano may sasabihin ka pa?"Habang patuloy
sa pagtawa ito."Multo,hahaha!!"

At yung karipas ng takbo nito pabalik sa opisina ay karipas din ng takbo si
Norman upang habulin ang dalaga.

Marami ang nakasaksi sa tagpong iyon na nagtatawanan.Ngunit hindi si
Nestor na nagngingitngit.Halos mabasag nito ang mga ngipin sa pagtitiim-bagang.

_ _ _ _ _

Itutuloy...

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon