(Ang pagpapatuloy ng kwento sa pagbabalik tanaw ni Norman...)
Chapter 28 ;
Magaalas otso pa lang ng gabi ay nasa plaza na si Nova at si Andee,sobrang nasasabik na ang dalaga sa pagkikita nila ng kasintahan alumpihit ito hindi
mapakali sa inuupuan.Maraming pagalala ang nasa isip...maraming baka at maraming paano ang pumapasok sa pagiisip nito,paano kung magbago ang isip ni Norman at hindi na ito sumipot dahil sa banta
ng kapatid?Paano kung mahuli na naman sila...at...at hindi lang iyon ang
gawin ng kanyang kuya niya sa lalaki.Ngunit siya bilang nagmamahal ay haharapin niya ang lahat makapiling lang ang lalaking sinisinta.Gayun lang talaga siguro ang nagmamahal lalo na at unang pagibig niya ang lalaki,sabi nga sa kasabihan...hahamakin ang lahat...masunod ka lamang!
"Hoy,..kumalma ka nga ?"Sabi ni Nova
hinawakan ang palad ng pinsan na nanlalamig at nininerbyos."Pati ako nininerbyos sa'yo,dahil pag tayo nahuli ay ako ang malilintikan."
At nagpalinga linga ito sa paligid.Nakaupo sila sa mesa na magkaharap,
kantin iyon ng patio duon ang sinabi
niyang tagpuan nila ni Norman.At sa harapan ng kantin na daanan ng mga tao ay nanduon ang mga nakahilerang rang mga mesa ng mga sugal,beto-beto kung tawagin,mga dropballs,kitembre na animo sakla ang istayl kung paano tumaya,mga color games na ang tumataya ang hihila sa tali at pagbumagsak ang mga
Kudradong kahoy na may mga ibat-ibang kulay sa lapag ay duon mo malalaman kung ikaw ay mananalo kapag tumihaya ang kulay na tinayaan mo.Parami na rin ang mga tao kaya hindi na rin masyadong punahin sila Nova at Andee sa karamihan.Sa kabilang panig ng plaza sa kaliwa ay nakatayo ang isang ferriswheel na na puno na ng nakasakay kinatatakutang sakyan ni Andee na ni
minsan ay di nya pinangarap na sakyan ito.Sa tutuo nga kahit ano sa mga rides ay wala siyang gustong sakyan maliban sa carousel o merry go round kung tawagin ng iba pero sa malas ay wala sa patio iyon.At katabi
ng ferriswheel ang isang kubol na sa pakiwari ay isang panooran na ang karatula sa ibabaw ay may nakasulat na KRUNGGA ang babaeng kumakain ng buhay na Manok,ang babae sa karatula ay maganda at sexy,nakasuot
ito ng costume na tribal suit na isinusuot
ng mga nakatira sa bundok o gubat pero ang itaas na bahagi nito ay walang suot na tabing o bra.Naisip ng dalaga na pang-akit sa mga manunuod ang kasuotan nito para mas malaki ang kita,kung tutoo man o hindi ang pagkain nito ng buhay na manok?'Ewan'...Sa isip ng dalaga.Sa isa pang bahagi ay makikita rin ang isang catterpillar rides na may mga sakay na rin.At nagkakaingay ang mga
sakay nuon dahil nagsisigawan ang mga pasahero,gayundin sa katabi nitong Octupus ride na nagsisigawan
din ang mga pasahero sa bawat pagbaba-taas nito at pagikot.Masasabing masaya ang pistang bayan ng Sto Cristo.At masaya ang mga tao sa perya.Kahit na hindi ito karnabal ay maraming napaglilibangan ang mga tao.Rides,sugal mga sidera at iba pa.At
handang gumastos ang mga tao para sa kanilang kasiyahan at ng kani-kanilang pamilya.Open lang ang perya kaya marami itong daanan o lusutan sa bandang likod,sa tagiliran ngunit ang pinakasentro ng pasukan ay sa may gawi ng kantin ng plaza kung saan nanduon sila Nova at Andee,kaya panay ang tingin nito sa daanan nagbabakasakaling masulyapan si Norman at sabi nito ay kasama niya ang kaibigan nitong si Randel na ngayon lang din nila makikita.Si Andee naman ay nakatalikod sa may pinaka daanan kaya hindi niya kita ang mga taong pumapasok.Dumarami na halos ang mga tao kaya malikot na ang mga mata ni Nova sa pagtingin sa maga taong pumapasok,pati si Andee ay paminsan-minsang tumatagilid upang tingnan ang mga dumarating na tao nagbabakasakaling isa na si Norman sa mga taong iyon.
Hindi nalingid ang pagkabalisa ng pinsan kay Nova."Huwag kang mainip
maaga pa..."tiningnan nito ang relo sa kanyang pambisig magaalas otso y media pa lang."Maya -maya,makikita mo nand'yan na s'ya!"Pagkalma nito sa pinsan.