Karnabal,buhay at pag-ibig

27 1 0
                                    

Chapter 38:

Nasa pagitan ng ferriswheel at rollercoaster ang magical circus,kahit marami pang tao ay hindi nakaligtas sa paningin ni Norman si Renee na malapit na sa may harapan ng ferriswheel kaya mabilis na tinawag ang assistant operator na si Boyet upang humalili sa kanya,at sinalubong si Renee bago pa makalampas ng ticketbooth ang dalaga.(Talagang ang nagmamahal ay
mabilis ang mga mata pag nasa paligid lang ang minamahal,kahit marami pang tao sa paligid.)

"O,saan ka pupunta?"Salubong na tanong ni Norman,nakangiti ito at inilabas ang mapuputing ngipin na nagpalubog sa kanyang mga mata.

Halatang nagpapakyut si Norman sa dalaga.

"Ah,diyan lang panonoorin ko si Elsa."
Sabi ni Renee.

"Bakit ngayon pang karamihan pa ng tao?"

Napakunot ang noo ng bahagya ang dalaga sa loob-loob ay bakit siya tatanungin ng ganoon ng binata...oo kaibigan niya ito pero hindi naman niya nobyo kaya walang karapatan itong umasta ng akala mo ay may karapatan sa kanya.

Napansin naman iyon ni Norman na biglang natahimik ang dalaga.

"Sori,na-offend yata kita sa pagtatanong ko."Nahimas nito ang batok at muling ngumiti sa dalaga.

Gayunma'y malumanay na ring sinagot ni Renee ang binata ng nakangiti.

"Ah,kasi last performance niya ngayong gabi at sa makalawa ay uuwi na siya sa Mindanao."Na-curious naman ang binata at tuloy-tuloy ang tanong nito.

"Ano namang dahilan at bigla siyang uuwi?"Medyo palakas ang tanong ng
binata dahil napakaingay ng paligid.

"Magaasawa na kasi eh!"

Inilapit nito ang bibig sa tainga ng dalaga."Magaasawa,kanino?"

"Kay Jake!"Muntik pa silang maghalikan ng humarap si Renee kay Norman dahil hindi pa inilalayo ng lalaki ang mukha sa dalaga.

"Kay Jake?"Gulat si Norman.

"Nakapagtataka ba?"Tanong ni Renee
Naisip lang ng binata na may 'image'itong playboy sa karnabal.

"H-Hindi naman ."Kibit balikat ng lalaki.Biglang gumana ang utak nito.

"Eh,AKO NAMAN KAYA KELAN MO AKO SASAGUTIN!"Hirit nito,muling inilapit ng binata ang bibig sa tenga ni Renee para marinig nito ang kanyang sinasabi.

"Makulit ka rin talaga 'no,kung may hudyat at senyales akong maramdaman o makita ay sasagutin kita,di ba yun ang usapan natin!"

Napakamot na naman sa ulo ang binata.

Ng dikawasa'y nagputukan ng malakas,sumagitsit sa kadiliman ng langit ang mga fireworks na iba'-ibang
kulay at hugis na pagkaganda-gandang panoorin sa itim na langit.

Sa pagkagulat ng dalaga ay napatili ito
sa sunod-sunod na putukan.Napayakap ito kay Norman na nabigla rin at sa kabiglaanan ay napayakap din ang binata sa dalaga.

"O,'wag kang matakot fireworks lamang iyon."Sabi nito sa dalaga na mahigpit ang pagkakayakap sa kanya.
Ng tiningnan nito ang dalaga ay nakapikit pa rin ito at hindi bumibitiw kay Norman.

Ang binata nama'y tuwang-tuwa at may kapilyuhang nakatitig sa dalaga
ngunit nanaig ang pagkaawa sa dalaga dahil medyo nanginginig ito.

Unti-unting idinilat ni Renee ang mga
mata ng wala na siyang naririnig na putukan,at bigla itong napabaklas sa pagkakayakap at napaatras dahil nakayakap ito sa binata nakaramdam ng hiya sa sarili at sa lalaki.

"Ayos ka lang Renee?"Pagalala nito sa dalaga pero sa sarili ay nasa puso nito
ang katuwaan.

"Siguro naman ito yung sinasabi mong hudyat para sagutin ako."Sabi ng binata.

"Ano ka....asa ka talaga,hah!"Irap ng dalaga.Natitigan naman ni Norman
ang dalaga dahil sa mannerism nito na pag-irap,gandang-ganda siya rito.Kulang na lang ay halikan niya ang dalaga.

Ng walang ano-ano ay bigla na namang nagsiritan at nagputukan paitaas ang mga fireworks at muli ay napayakap ang dalaga sa binata.At sinamantala iyon ng binata.

"Ano,Renee,mahal mo na ako?"Tanong nito.Si Renee ay nawala ang takot at niyerbyos dahil nakayakap siya ngayon sa binata na tutuo namang mahal niya noon pa.

"Di ba ito na yung hudyat na sinasabi mo?"Yakap ng mahigpit nito ang babae.Hindi nakahuma ang babae.

Walang nagawa ang babae kundi...

"Oo,mahal din kitaaaa!"Sagot na pasigaw ng dalaga dahil hindi sila magkarinigan.

Sa tuwa ng binata ay iniikot niya ang
dalaga habang yakap ito at napasigaw.

"YUUUHUUUUUUHHHH!!!!!"Sa wakas
sinagot na'ko ng mahal kooooo!!!!"

Hindi nila alintana ang mga taong napatigil upang saksihan din at panuorin ang pagputok ng mga fire na iba'-ibang hugis,at tawag pansin ang isang fireworks na kulay pula at ng pumutok ito ay  nagkorteng puso na sumasambulat sa kalangitan at masayang-masaya ang dalawa ng makita iyon.Iyon na ang hinihintay na hudyat ni Renee para sagutin ang pinakamamahal na binata.At si Norman,lubos ang kaligayahan dahil sa pangyayaring iyon.

At kahit maraming tao ay di nito mapigilang hindi kintalan ng mainit na halik ang dalaga kahit marami ang
napatingin sa dalawa.

"I love you...Renee!"TSUP!"

"Mahal din kita,Norman...Hmmmnn."
At ikinawit ng dalaga ang mga braso sa leeg ni Norman.At ninamnam nila ang tamis ng kanilang halikan.At minsan pa ay may nabuong muli ng pagmamahalan sa loob ng karnabal.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __

ITUTULOY...

Karnabal,buhay at pagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon